Chapter 1 School

1101 Words
Kasabay ng sigawan ng mga kasama ko pati na ang mga lalaking kaibigan ko na tila naging mas babae pa kaysa samin, ang biglang pagbukas ng ilaw. Tumambad samin ang gwardiya na may hawak na flaslight. "Kayong mga bata kayo! Mag-sipag uwi na nga kayo! di yung puro katatakutan pinag-uusapan niyo diyan. Kanina pa kayo nag-paalam sakin kaya uwi na!" Medyo natulala ako ng konti nun. "Walang hiya ka Manong! Ikaw lang pala!" Ani Zeik na nakahawak sa dib-dib "Akala ko multo na, papatayin mo kami sa takot! Nakisabay karin samin Manong!" Si Darren "Ano bang pinagsasabi niyo diyan? Umuwi na kayo. Dali na! Sa susunod 'di ko na talaga kayo papayagan" Inakay ko na noon si Liza palabas dahil di matigil sa pag-iyak. "Ayos ka lang?" Nasa isang mini-stop na kami sa labas ng School. Tumango siya habang umiinom ng tubig. "Hay! akala ko nagkatotoo yung kwento ko. Grabe! kinabahan ako doon!" Natahimik ako saglit, kumakain kaming lahat dahil nagutom kami sa takot. "Kahit ako.. Nakaramdam ng takot" Napatingin silang lahat sakin. "Kahit.. ikaw? totoo ba yan Macy?" Gulat na tanong ni John. "Oo, pero hindi ibig-sabihin nun ay naniniwala na ako sa paranormals. Kita niyo namang si Manong guard lang yung nanakot kanina" "Pero atleast natakot ka. Bakit ka naman matatakot kung alam mong 'di totoo. Ibig-sabihin may part sayo na naniniwala ka na.. Hindi ba?" Sinamaan ko lang ng tingin si Zeik. "Oo nga Macy" "Ah, basta.. Gusto ko paring makakita. Yung sa harap ko mismo. Kahit na anong klaseng paranormal pa yan. Di ako aatras" Sabi ko "Eh di.. Isa pa ba bukas?" "Sige" "Sige ba" "Okay lang sakin, basta Liza wag kanang sumama bukas ha. Umuwi kana lang agad" Tumango naman siya. Di ako makakapag-focus kapag nandoon siya. Siguradong mag-aaya lang siyang umuwi. Matatakutin talaga itong si Liza. ----- "Ma, pa. Nandito na ako!" Sigaw ko nang pagbukas ko ng pinto. Bumungad sila sa harap ko habang hinahanda ang hapunan. "Oh anak, ginabi kana naman" "Hmm.. Pano kasi sila Darlene, nag ghost-hunting pa. Palpak naman" Natawa si mama. "Bakit? wala ka bang nakita?" Ani papa habang naglalagay ng ulam. Umiling ako. "Diba? walang mga ganyang bagay na nag-eexist. Kaya wag kang magpapaniwala sa mga ganyan" Hindi rin naniniwala si papa sa mga ganun. Kaya mukhang sakanya nga ako nagmana. "Kaya sinabi ko na kahit anong paranormal pa yan ay haharapin ko. Kaya baka gabihin po ulit ako bukas" Alam na nila ang ibig kong sabihin. Natawa na lang si papa. Habang kumakain ay may bigla akong na-alala. "Ma, Pa. May Fiedltrip nga po pala kami sa Baguio, next week na po" "Fieldtrip? Saan sa Baguio?" "Yung mga tourist spot po doon . Yun ang sabi samin" "Ganyan talaga pag mga Fiedtrip ano? Kailangan talaga malayo. Oh siya heto" Nag-abot si papa sakin ng pera, di ko ini-expect na malaki ibibigay niya kaya nanlaki ang mata ko. Nginitian ko siya nun. Sobrang tuwa ko, nayakap ko pa siya "Salamat po!" Swerte ako sa mga magulang ko. Parehong walang bisyo. Trabaho at bahay lang si papa. Si mama naman, siyempre nasa bahay lang. Di kami mahirap, di rin mayaman. May magandang trabaho ang papa ko kaya kahit papano, nakukuha ko rin ang gusto ko. Di ako spoiled. Pag di nila kayang ibigay, naiintindihan ko naman. Nag-iisa lang nila akong anak. Kaya pinaka-iniingatan. Kaso di nila mapigilan ang pag-uwi ko ng gabi. Kasama ko rin naman mga kaibigan ko. At may tiwala sila sakin. Kinabukasan sa Eskwelahan.. "Good Morning guys!" "Good Morning!" Saktong kakadating ko lang din nun. "Good Morning Macy!" Bungad sakin ni Liza. "Good Morning din" "Oy, Macy! mamaya ah?" Ani Zeik "Oo na. Pero pag this time wala pa akong nakita, ayawan na. Itigil na natin 'to" "Okay!" Sabay senyas niya ng 'Okay sign' Nag-umpisa narin ang klase nun, di katagalan. Hindi ko alam kung ma-eexcite ba ako para mamaya, medyo nabobored ako ngayon. Parang nakakatamad. Ang tagal pa ng oras.. ---- 6:30 pm "Hay! ang bilis ng oras! uwian na agad" Unat ni Darlene. "So, ano tara na sa Library!" Aya ni Darren. "Sige guys, mauna na ako sa inyo. Hindi ko talaga kaya mag ghost-hunting ng ganito. Baka magkasakit pa ako" Si Liza Tinapik ko siya sa balikat. "Oh sige. Ingat ka sa pag-uwi" Kumaway siya samin bago umalis. Nagpunta na kami ng Library. Nakikita ko na ang buwan sa labas. Nang mailagay namin ang mga bag namin doon ay bumaba kami ni Darlene para puntahan ang guard sa lobby. "Kuya, magpapa-alam sana kami ulit.." "Kayo nanaman? Ano ba kasi hinahanap niyo sa library ha?" "Para lang sa group project namin. Kasi di naman lahat na sesearch sa internet di po ba? Tsaka kuya.. 30 minutes Lang. Tapos aalis din kami agad. Last na rin 'to. Promise" Pangungumbinsi ni Darlene. Napakamot na lang sa ulo si Manong, walang nagawa kundi pumayag. Kaya lumabas muna kami ng school para bumili ng pagkain sa mini-stop doon. "30 mins. Talaga paalam mo?" "Oo, para ma-enjoy natin. May mga pagkain naman tayo eh" "Ikaw bahala" Nagkibit-balikat na lang ako. Nang maka-akyat na kami ay nag-uusap usap doon ang boys. Madilim na sa hallway katulad kagabi. Pero kahit nung naglakad kami ni Darlene ay wala namang kakaiba. Sakto lang. "Oh heto pagkain" "Ohh! ayos 'to! nagugutom narin ako eh" Si Darren na pinaka-matakaw samin. "Baka kulang pa sayo yan ah!" "Grabe ka naman sakin Darl" Nagkwentuhan kami habang kumakain. Ako naman ay medyo nabobored kaya tumayo ako at nilibot ang library. Naghahanap ng pwedeng mabasa. Habang kumakain ako ay iniisa-isa kong tignan ang mga libro. "How to speak Japanese" "Abat, may ganito pala dito" Kaya yun ang dahan-dahan kong kinuha. Medyo na stuck pa ito sa mga katabing libro, sobrang dami kasi. Kaya nang makuha ko ay pinagpag ko ito. At bumalik ulit ang tingin ko sa pinag-kuhaan ko na may siwang na, nang may dumaan. Ang bilis. Di ko agad nasundan ng mata ko. Sa kabilang side yun kaya pinuntahan ko para silipin. "Si Darlene ba yun?" Wala akong nakita kaya bumalik ako sa mga kaibigan ko dala ang libro. Nandoon silang lahat. Kumpleto. Napakunot ang noo ko nun. "Sino.." "Uy Macy ano yan? pupunta ka bang Japan?" Ani Darlene na natatawa pa. "Darl, nagpunta ka ba doon sa bookshelves?" "Huh? hindi bakit? nagkukwentuhan lang kami dito eh" "Ah, wala naman. Akala ko lang.." Kumunot ang noo nilang lahat sakin. Di ko na lang pinansin, umupo na ako at binuklat ang libro. Masasabi kong mahilig ako sa mga anime, kaya gusto ko ring matuto mag-japanese. Inuubos lang namin yung mga pagkain bago kami lumabas ng Library at mag-start.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD