Chapter 2 Multo?

1095 Words
Nang matapos na kaming kumain... "Sa wakas nabusog din. Ano, let's go?" Aya ni Zeik "Ready na ako" Si John Nagsi-tayuan na sila pati ako, para ibalik narin ang librong kinuha ko. Kahit ilang ulit kong binasa eh walang pumapasok sa isip ko. Iniisip ko yung nakita ko kanina. Oh baka guni-guni ko lang. Ibinalik ko ang libro kung saan ko kinuha, doon sa may siwang. Bago ko pa inilagay doon ay sumilip-silip pa ako sa kabilang bookshelf. "Hay, ano ba 'tong ginagawa ko?" Huminga ako ng malalim. Aalis din kami pagka-balik ko ng libro. Dala-dala narin namin mga bag namin. Para kung may mangyari man oh wala, diretso na lang kaming lalabas. Pinatay namin ang ilaw sa Library. Paglabas ay napasulyap ako sa salamin sa pinto nito. Purong kadiliman lang ang nakikita ko. "Saan tayo mag-uumpisa?" Tanong ni John "Sa first floor? eh kaso ilang minuto na lang natitira satin. Nandito narin lang tayo sa Second floor, idiretso na natin sa third" Si Darlene. Kaya nag-umpisa na kaming maglakad, dahan-dahan papuntang 3rd floor. Walang kailaw-ilaw kaya flashlight lang ng mga cellphone namin ang gamit namin. "Naniniwala ako sa multo, pero kahit kailan di pa ako nakakita kahit isa" Biglang open ng topic ni Darren. "Eh di ipagdasal mo na may makita ka ngayon" Sabay tawa ni Zeik "Ayoko ngang makakita kahit di ko pa nakikita tapos gusto mo ipagdasal ko pa? ano ako hilo?" "Wag mong sabihing naduduwag ka. Ba't di mo gayahin si Macy, takot mga multo sakanya kaya di siya pinapakitaan" Nagtawanan pa sila. Tinaasan ko sila ng kilay. "Ako na naman nakita niyo" "Eh mas lalaki kapa dito kay Darren eh" Walang pigil sa pagtawa si Zeik kaya natawa narin ako. "Sira-ulo ka. Baka unahan mo pa ako takbuhan pag nakakita ka eh" Patuloy lang silang nagkukulitan sa unahan namin ni Darlene.. Nasa hagdan na kami papuntang 3rd floor. Kumapit si Darlene sa braso ko. "Ayos ka lang Darl?" "Sakto lang, kaso sa sobrang dilim eh kinakabahan na ako" Inakbayan ko siya nun. "Ano ka ba, di naman kasi totoo mga multo bakit nagpapaniwala kayo sa ganun?" "Gusto mo rin namang maniwala na meron diba? kaya ka nga sumama samin?" Sabat ni Zeik "Siyempre hindi. Gusto ko lang iparating sa inyo na walang ganun. Walang magpapakita satin ngayon. Kahit magtawag pa ako" Inuga ni Darlene ang braso ko. "Tama na Macy, nakakaramdam na ako ng takot" "Hay nako, ito talagang si Macy. Umakyat na tayo ng 4th floor para pagkatapos maka-uwi na tayo. Pag sa 4th wala parin. Hindi na ako maniniwala kahit kailan sa mga multo" Ani Zeik na nakataas pa ang kamay. Napangisi na lang ako. Sa bawat kwarto na dinadaanan namin na puro dilim lang ang nasa loob ay di ko maiwasang di tignan. Hindi ako naniniwala, kaya iniisa-isa ko ang tingin Kahit pa pumasok ako sa loob ng mga kwartong 'to. Puro dilim lang. Wala nang iba. Nagtigil ako sa paglalakad nang hilain ako ni Darlene. Huminto siya. "Bakit Darl?" Nakatingin siya sa isa sa mga kwarto sa kaliwa namin. May salamin sa mga pinto nito para kita ang loob. Natulala siya doon. Tinawag ko naman ang mga lalaki para hintayin kami. "Oh bakit? anong problema ni Darlene?" Tanong ni John "Hindi ko alam eh. Nakatutok lang yung flashlight niya sa pinto na yun. Tapos.. ito tulala" Sabi ko Aakma akong aalisin ang kamay niya sa braso ko.. "Wag! Macy. Umuwi na tayo!" "Bakit? ano bang nangyayari sayo?" Nabigla ako nang umiyak siya sa harap namin. "Doon sa pinto.. D-doon sa pinto.." Tumingin kami sa pinto na sinasabi niya. "Wala naman Darl.. anong nangyayari sayo?" Kunot na ang noo ko. Nag-aalala na ako sakanya. Lumapitsamin si John at inalog si Darlene para magising ito. "Darl, ano ka ba? anong nangyayari sayo?" Tuluy-tuloy ang pagluha ni Darlene. "Umalis na tayo! ayoko na dito!" Kumapit ulit sakin si Darlene at yumakap. Hindi na siya okay. Tumingin akong mabuti sa pinto, pero wala naman akong nakita. "Oh sige, umuwi na tayo. Kumalma ka Darlene" Nilapitan kami ni Zeik at pinapatahan din ito. Lahat kami ay nagtataka. "Ano ba kasing meron sa pinto na yun?" Tanong ni Darren na lumapit sa pinto. At hinawakan ang door knob. "Wag! Darren! wag mong bubuksan!" Lalong umiyak si Darlene. "Huh?" Pero hindi nagpa-pigil si Darren. Sinubukan niyang pihitin ang Door knob kahit alam niyang nilolock lahat ng classroom dito. Pero nung pinihit niya ay bumukas. "Oh? Bukas pala. Hindi naka-lock?" Aniya "Sinabing wag! makinig ka sakin!" Halos marinig na sa buong school ang sigaw ni Darlene. "A-ah, sorry na. Isasara ko na" "Darlene, ano ba kasing nakita mo?" Umiiling-iling siya. "A-ayokong sabihin. Hindi niyo magugustuhan" "Gusto naming malaman- Nagtigil kaming lahat, maging ang pag-iyak ni Darlene ay natigil. "N-narinig niyo?" Pabulong na tanong ni Zeik. "O-oo" Sabi ko May mga yabag ng paa. Mula sa dulo ng hallway kung saan yung hagdang pa-akyat sa 4th floor. Nasa gilid kami ng hagdan pababa sa 2nd floor (dahil nasa 3rd floor na kami) natigilan kaming lahat. "Saan nanggagaling yun? May iba pa bang tao dito maliban satin?" "H-hindi ko alam" Wala kaming ideya lahat. "Baka si Manong gwardiya" Si Darren "Kung si Manong yun, dapat nadaanan niya tayo dito. Iisa lang naman ang hagdan pa-akyat dito" Doon kami mas napa-isip. Humiwalay si Darlene sakin at dali-dali nang bumaba ng hagdan. Naiwan kaming apat. Na nakatingin sa madilim na hallway. Sinubukan kong i-angat ang cellphone ko.. Para mailawan ang dulo ng hallway. Pero pinigilan ako ni Zeik. "Sa tingin mo ba? dapat mong gawin yan?" "Bakit hindi? para malaman natin kung sino yun" Tsaka niya binitawan ang kamay ko. Dahan-dahan kong ina-angat ang cellphone ko. Hanggang matutok ito sa unang baitang ng hagdan, at paangat pa.. Pero natigil ako. Hindi ko inabot ng ilaw ang pinaka-taas. May mga yabag ulit. Malakas ang mga hakbang na parang ang bigat ng paa. Inaamin ko na medyo bumibigat ang paghinga ko. "Sa tingin ko dapat na tayong umalis" Si John "T-teka.." Awat ni Zeik Huminto ang yabag. Pero hindi ko na ini-angat pa ang ilaw ng cellphone ko. Bumibilis ang t***k ng puso ko. Oo, kinakabahan na ako. Bigla na lang nanayo ang balahibo sa katawan ko at nagulantang. Yung mga yabag kanina.. Narinig muli namin pero sa pagkakataong ito. Tumatakbo na.. Palapit sa direksyon namin. At hindi ko nagustuhan ang mga nangyari dahil.. 'di ko sinasadyang mailawan ang paa ng babaeng galing sa 4th floor. Paa na tila na-aagnas. Nanigas ang kamay ko. Hindi ko ma-igalaw. "Sht! takbo!" Hindi ako makagalaw. Hanggang hilain ako ni Zeik pababa ng hagdan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD