Chapter 3 Demons & Fallen Angels

976 Words
At dahil doon sa nangyari.. Hindi pumasok si Darlene kinabukasan. Nilagnat daw sabi ng mama niya. Sino ba namang di matatakot sa nakita namin kagabi? Hindi nga pala iyon nakita ni Darlene, pero yung nasa pinto na tinutukoy niya.. Hindi ko alam kung ano ang nandoon. Kahit ako, natakot. Nakadama ako ng takot. Balisa rin sila Zeik, John at Darren. "Uy, anong nangyari sa inyo? Bakit absent si Darlene? May nakita ba kayo kagabi?" Tanong ni Liza Hindi makasagot ang mga lalaki. Tuliro. Kaya sakin siya nagtanong. "Liza, mas mabuti kung hindi ko na lang ikukwento sayo" Tapik ko sa balikat niya. "Pero.. ibig-sabihin may nakita kayo?" Tumango ako. "Huh!? kaya pala.. Si Darlene.. Kawawa naman si Darlene" "Mabuti nga at di kana sumama samin. Baka kasi himatayin kapa. Mas matatakutin ka pa naman kaysa kay Darlene" "Hmm.. eh ikaw Macy? Natakot kaba kagabi?" "Oo, natakot ako. Sino ba namang hindi.." Ayoko na sana ikwento sakanya. Ayokong ikwento yung babaeng nakita namin. Nakakatakot. Nakakapanindig-balahibo. "Ibig-sabihin ba nun, naniniwala kana na may paranormal activities?" Nagkibit-balikat ako. Di ko sigurado kung.. Naniniwala na ba ako oh hindi parin. Nasa gitna ako. Alam kong nakakita na ako ng isa pero.. Baka naman may paliwanag sa ganun. Hay ewan. Breaktime* "Guys, tignan kaya natin doon sa cctv ni Manong guard sa baba? hindi talaga ako mapakali eh" Suggestion ni John "Ako din eh. Hindi natin nakita yung itsura. Pero nananayo parin ang mga balahibo ko sa katawan" Ani Zeik. "Eh pano natin makikita sa cctv? ang dilim sa hallway" "Diba nga nailawan ni Macy, kaya tara" Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip nila para tignan ang cctv. Nagpunta kami sa guards office. Sumama samin si Liza. Gusto niya rin daw makita, kahit na matatakutin siya. "Oh anong kailangan niyo? wag niyo sabihing magpapagabi nanaman kayo sa library? hindi ko na kayo papayagan" "Ah, hindi po manong. Pwede po ba namin tignan yung cctv sa 3rd floor? sa may hallway po" "Bakit?" Taas kilay si Manong "Basta po. Malalaman niyo kapag napanuod niyo" Sabi ko "Ano ba kasing meron?" "Sige na po. Para malaman niyo rin" Kunot-noong ipinakita samin ni manong ang kuha ng cctv. Lahat kami ay tahimik na nanunuod. Kita ko ang sarili ko habang akap si Darlene noon. Yung sa may pinto, may tinuturo siya. Wala rin namang nakita sa cctv. Tumingin samin si Manong na naka-kunot noo parin. At yung mga sumunod na pangyayari ang mas nagpakilabot sakin. Iba ang pakiramdam pag ikawang nandoon mismo sa sitwasyon na yun. Nakita namin yung hugis ng isang babae sa cctv dahil narin sa ilaw ng cellphone ko. Hindi rin namin makita ang itsura dahil natatakpan ng buhok niya. Halos pigil ang paghinga naming lahat. Hanggang yung oras na maka-alis kami sa lugar. Nawala rin yung liwanag. Pero.. biglang nag corrupt ang cctv. "Oh! Grabe tignan niyo! kinikilabutan parin ako!" Si John "Yun ba yung nakita niyo Macy?" Si Liza na pailing-iling at tila natakot din. "Ibig-sabihin, meron talaga sa school na 'to" "May iba ba kayong pinagsabihan nito?" Biglang tanong ni Manong. "W-wala po. Bakit po?" "Mas makabubuting wag niyo na lang ipagkalat. Baka masira ang imahe ng paaralan. Wag niyong sasabihin na may video. Buburahin ko na lang ito" "Pero..Manong, may alam ka ba diyan? Tungkol diyan?" Tumango siya. "T-talaga?" "Hmm.. Madalas ding nagpapakita sakin yun, lalo na't madalas akong mag-isa dito.. Nasanay narin ako at di ko na lang pinapansin" Aniya "Nasanay?? Paano ka masasanay sa ganun? na lagi mong nakikita? Hay! nakakabaliw! Hindi na ako magpapa-gabi ulit. Pagkalabas natin mamaya, tatakbo na ako pauwi" Sabat ni Darren na pinagpapawisan. Natahimik lang sila hanggang nagsalita ako. "Ibig-sabihin ba niyan, totoo ang mga multo?" Hindi ko alam kung bakit bigla kong natanong yun. "Hindi multo" Sabi ng Guard. "Hindi? Eh ano?" "Baka isang Demonyo. Oh isang nilalang na lagi nating nakakahalubilo, pero di natin nakikita. May kakayahan silang mag-anyo ng tao. Kaya nilang mang-gaya ng isang tao. Oh di kaya Fallen Angel. Ang multo, hindi totoo. Kahit kailan, hindi na pwedeng bumalik ang taong pumanaw na, tandaan niyo yan" "Wala po akong naintindihan sa mga sinabi niyo" Si Darren "Ang mga nilalang na kayang manakot ng tao kapag ginusto nila oh mang-gaya ay isang Jinn. Ang Fallen Angel naman. Totoong mga Anghel, pero itinapon dito sa lupa. Dahil may kasalanan silang nagawa sa diyos. At dapat nilang pagbayaran" Napa-Awang ang bibig ko sa mga sinabi niya. "Anong kinaiba ng Jinn sa Fallen Angel?" "Ang Jinn, parang tao din. Kung gusto ka nilang takutin, gagawin nila. Nag-uumpisa sa basic. Itatago nila ang mga bagay oh mga gamit na kailangan mo, pag hinanap mo, biglang wala. Tapos pag hindi mo na hinahanap, biglang babalik ng kusa. May iba't-ibang uri ng Jinn, pero isa lang din ang tumatatak sa isip ng ibang tao. Isa silang demonyo" Napapamangha ako sa sinasabi niya. Kahit na parang ang hirap paniwalaan. Demonyo? May totoo talagang ganon? Ang dami niya namang alam. "Ang Fallen Angel, Anghel na naging Demonyo. Ang sabi ng ilan. kaya nilang manakit, manakot. Ang Fallen Angels, ayaw nila sa mga tao. Kaya itinapon sila dito para magdusa sa kasalanan nila. Isa sila sa paborito ng diyos. Kaya maaaring magagandang nilalang sila, dahil nga mga anghel sila. Pero pwedeng mapalitan ng nakakatakot na anyo kung ang puso nila ay puno ng galit at inggit" Natawa na lang ako sa pinagsasabi ni Manong. Habang ang mga kasama ko ay tila paniwalang-paniwala. "Nagpapaniwala naman kayo sa ganyan" "Hindi ka parin ba naniniwala Macy? Nakita mo naman yung nangyari satin kagabi diba?" "Oo, alam ko. Pero hindi parin ako kumbinsido. Demonyo? Fallen Angel? Jinn? Saan niyo pinagkukuha ang mga yan? Medyo naniniwala ako sa anghel at demonyo. Medyo lang. Pero Fallen Angel? may ganun ba? Sa diyos naniniwala din ako.. Pero.. Fallen Angel?? Tss!" Ulit ko pa. Iniling-iling ko ang ulo ko habang natatawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD