Chapter 26 Natatakot ako, sobra.. Sinong tutulong sakin? Wala ang mga kaibigan at mga magulang ko dito. Please, kahit siya na lang. Siya na lang ang pag-asa ko! Napa-iyak ako sa sobrang takot at kaba. Pumikit ako, iniharang ko ang mga braso ko sa ulo ko tsaka yumuko. Nangangatog ako, hindi ko mapigilang hindi mapahikbi. Dapat sa mga oras na yun ay nagkapira-piraso na ako, pero.. "P-pinuno??" Narinig ko ang salitang yun, at alam kong siya yun. Nabuhayan ako bigla ng loob pero.. paano niya nalaman na nandito? Ini-angat ko ang mukha ko at tumingin ng diretso sakanya habang walang tigil ang pagbagsak ng mga luha sa mata ko. Nakatingin din siya sakin. Siguradong sakanya ako mananagot ngayon.. Pero nang tignan ko siya sa mga mata, walang bahid ng galit, inis oh anuman.. Wala siyang rea

