Chapter 25 Kita ko mula sa taas ang kabuuan ng lugar. Isang isla. At sa kabilang dako ay may isla pa, at sa kabila, at sa kabila pa! Hiwa-hiwalay! Ibig-sabihin kami lang ang nandito sa islang 'to. Walang ibang bahay. Walang hayop. Walang kung ano. Ginawa nga ba nilang alipin lahat ng nilikha nila? San niya ba ako dadalhin? Gagawin niya rin ba akong alipin? Hindi! Mananagot ako sa lalaking yun. Bakit pa kasi ako lumabas?! Hindi pa naman ako nakapag-paalam sakanya. Mukhang ma-dodouble dead ako nito. "Saan mo ako dadalhin!" Nagpupumiglas ako. "Sa lugar namin, kabayaran sa pagsampal mo sakin. Magiging pagmamay-ari kita" "A-ano?! Hindi pwede! Ibaba mo na ako!" Ngumisi siya, sabay na mabilis na paglipad palayo sa mansion. Doon ko naramdaman na delikado ako. Tumawid kami sa kabilang is

