Chapter 24 Dalawang-linggo narin akong nandito. Mag-tatatlo na nga ata. At malamang dalawang-linggo narin akong patay. Iniisip ko kung kailan ako mapupunta sa langit. Sa langit nga ba? May mapupuntahan ba ako sa dalawa? Mukhang na-stuck na ako sa mundong ito kasama siya. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit niya ako hinalikan noon. Yun pa naman ang una kong halik sa buong buhay ko. Gusto ko sanang ibigay yun sa taong mahal ko, pero patay na nga pala ako at kaluluwa na lang, wala nang taong nararapat para sakin. Hinalikan niya ako bilang tanda na kanya na ako? Ano bang ibig-sabihin nun? Tsaka habang-buhay na kaming magsasama dito. Habang-buhay kong titiisin ang ganoong ugali? Bumuntong-hininga ako habang nakadungaw sa bintana. Mabuti hindi niya na ako pinagbabawalang buksan ito.

