"Beshy ...ilang araw ka ng nagmukmok dito sa kwarto mo.Walang mangyayari sa buhay mo kung pagpapatuloy mo yan.Kahit ilang beses mo pa tawagan si Davis kung pinili niya ang pamilya niya hindi ka nun sasagutin.Sinubukan ko din siya tawagan para sana ipaalam ang nangyayari sayo pero cannot be reach.Hindi na din siya pumapasok sa opisina kagaya mo.Maawa ka sa baby na nasa sinapupunan mo.Hindi pa nga siya buong -buo pero inistress mo na.Ayaw kita sisihin sa mga nangyayari sayo pero wag mo naman sana idamay ang bata.Nakapagenjoy na kayo ni Davis so harapin mo naman ang mga consequences na kinakaharap mo ngayon .Kung alam Kong magiging mahina ka dapat pala pinigilan na kita noon pa.Dapat sa ganitong sitwasyon malakas ka at dapat tatanggapin mo ang mga nangyayari ngayon dahil alam mo naman na from the very start ay mali na relasyon niyo ni Davis."Mahabang litanya sa akin ni Vianca.
Totoo naman mga sinabi niya na dapat tanggap ko ang mga nangyayari ngayon dahil simula pa lang naman mali na relasyon namin.Pero sobrang sakit pala kapag nasa mismong sitwasyon ka na.
"Ok lang ako beshy...Tinatamad lang ako kumilos ..Pipilitin ko na hindi mastress para kay baby.Saka kumakain naman ako ....di ko naman siya pinapabayaan.."
"Oo nga pero konti lang naman kinakain mo.Tapos di ka pa lumalabas ..Di ka man lang naiinitan ng araw.Kailangan mo din yun."
"Sige beshy kapag kaya ko ."walang ganang tugon ko dito.
"Nagluto ako ng tinola.Mainit pa yun.Bumangon ka na at kumain ka na..May binili din prutas si jowa ..kumain ka din .. Kailangan niyo yun ni baby.Beshy please tulungan mo ang sarili kasi di naman kita mababantayan Kasi tulad nito paalis n ulit ako para pumasok...Bumangon ka na ..pakiusap..."
"Oo beshy ...salamat.."
Nawalan ako ng gana sa lahat simula ng baliwalain ako ni Davis.Ano bang magagawa ko kung yun ang nararamdaman ko..Hindi naman madali ang makalimot at basta baliwalain ang nararamdaman ko.Sino ba may gusto ng ganitong pakiramdam ,kahit naman ako..ayaw ko...Kung sisisihin niyo ako dahil kasalanan ko to ,,,OO NA KASALANAN KO..pero nagmahal lang naman ako...Kung kaya ko ba iwasan yung nararamdaman ko para kay Davis dati sana ginawa ko na ...NOON PA..pero NAGMAHAL LANG NAMAN AKO....Ginusto ko ang magmahal kahit mali pa yun....
Ipinagdasal ko naman na mawala yung nararamdaman ko pero hindi siya nawala hanggang ngayon...HANGGANG NGAYON MASAKIT PA DIN...
Umiyak na ako ng umiyak dahil sa paglayo sa akin ni Davis.Hindi ko alam kung paano ako babangon ngayong wala na siya .
Naramdaman ko ang pagbukas at pagsara ng pinto tanda na nakalabas na si Vianca ng aking kwarto.
Nakahiga pa din ako at tinatamad pa din ako bumangon.Hindi ko naman alam kung ano ang una kong uunahin.Dami kong iniisip .Paano ako kikilos kung sanay ako na lagi Kong kasama si Davis.Paano na ngayon lalo na at buntis ako.Hindi ko yata kayang harapin ito mag-isa.Kung uuwi Naman ako ng probinsya ,paano ko sasabihin kay mama na buntis ako.Syempre hahanapin nila ang ama nito at paano ko sasabihin sa kanila na may asawa ang nakabuntis sa akin.Alam ko magagalit sa akin sina mama at papa.
Nakatulala lang ako at paminsan minsan ay kusa na lang ding bumabagsak ang mga luha ko sa aking mga pisngi na kahit anong pagpipigil ko ay hindi ko magawa.
Ilang minuto na din ang nakakalipas ng muling bumukas ang pinto.
Hindi ako nag-abalang lumingon dahil tinitiyak ko na si Vianca lang iyon.Malamang may nakalimutan lang.Hinintay ko ito magsalita ngunit naka ilang Segundo na ay wala pa ding nagsasalita kaya naman napalingon na ako .
Hindi ko naman inexpect na presensya ni Edward ang makikita ko.
"Ilang araw ka na daw nagmukmok dito sa kwarto mo?",bungad niya agad sa akin.
"K-kailan ka pa dumating?At saka anong ginagawa mo dito?"balik ko sa kaniya.Tumalikod na ako muli sa kaniya.Wala din ako gana na magentertain ng kahit na sino.
"Kahapon pa.Tawag ako ng tawag sa phone mo di mo naman sinasagot.Nakailang punta na din ako dito pero sabi ni Vianca ayaw mo daw lumabas ng kwarto mo.Tinatanong ko sa kaniya kung ano nangyayari sa iyo pero hindi niya sinabi..Ako na lang daw mangumusta at magtanong sa iyo.May problema ka ba?"
"Iwan mo na lang muna ako.Gusto Kong mag-isa."
"Ilang araw ka ng mag-isa .At ilang araw ka na nagmukmok dito.Kung anuman yang pinagdadaanan mo pwede mo sabihin sa akin or pwede mo naman ipaalam sa magulang mo."
Napabangon ako at napaupo ng marinig Kong sinambit niya ang mga magulang ko.Hindi nila pwede malaman kung ano man ang kalagayan ko ngayon.
"Wag na..Wag mong sasabihin kina mama kung anong nangyayari sa akin..Mag-aalala lang ang mga iyon."pigil ko dito.
"Kung ganon sabihin mo sa akin.Para matulungan kita kung ayaw mo magpatulong sa magulang mo."
"Wala ka maiitulong sa akin Edward..Hayaan mo na lang ako.Palilipasin ko lang to.. Magiging maayos din ako."
"Magiging maayos ??Tingnan mo nga sarili mo..Di mo na nga maayos sarili mo.Namumugto na ang mga mata mo.Ang payat payat mo pa.. Kumakain ka pa ba?"Bakas ko ang pag-aaalala sa tono ng boses nito.
Napaiyak na lang ako muli at hindi na nakasagot dito.Feeling ko nakakaawa na ako sa hitsura ko.
Lumapit ito sa akin at niyakap ako.
"Tama na...Wag ka ng umiyak...Sige kung di ka pa ready sabihin sakin ok lang.Pero ngayon kumain ka muna.Nagdala ako ng pagkain dahil Sabi ni Vianca di ka daw masyado nagkakain."Kinuha nito ang mga dalang pagkain at iniabot iyon sa akin.
Wala na din naman ako nagawa kung hindi kumain dahil ayaw ko naman masayang ang effort nung tao.
Pagkatapos ko kumain ay hinayaan niya lang ako matulog at babantayan niya daw ako.
Nakatulog ako siguro ng dalawang oras.Pagkabangon ko ay wala naman si Edward sa kwarto kaya naisipan ko naman ang maligo.
Pagkatapos ko maligo ay lumabas muna ako ng aking kwarto.Naabutan ko sa kitchen na nagluluto si Edward ng kung ano ay hindi ko pa alam .
Napansin niya kaagad ako kaya naman binati ako agad nito.
"Mabuti naman at nagising ka na.Tamang-tama ..tapos na ako magluto.Ipaghain na kita ng sopas.Maupo ka na."Sabi nito sa akin at ipinagsandok na nga ako nito sa isang bowl.
"Dapat di ka na nag-abala.May nilutong tinola si Vianca ,yun na lang sana iiinit ko ."
"Ok lang naman ... Sinipag lang ako magluto..Halika ka na ...Ok na to."
Lumapit na ako sa table ngunit papaupo na sana ako ng malanghap ko ang usok na nagmula sa bowl.Bumaligtad kaagad ang sikmura ko at napatakbo ako sa lababo at nagsuka.
Nag-alala Naman sakin si Edward at hindi malaman ang gagawin dahil sa pagsusuka ko.
Nang maisuka ko naman lahat ay pinalayo ko na kay Edward ang sopas dahil hindi ko kaya ang amoy nito.
"Sadya bang ganyan ang amoy niyang sopas mo.Bakit ang baho?"
"Huh!!Ikaw pa lang nagsabi na mabaho ang sopas na niluluto ko."
"Mabaho talaga Edward ...Hindi ko kaya ang amoy..Pwede bang ilayo mo yan sa akin.Masusuka na naman ako."
"Ok sige ...wait lang ibalik ko na lang to sa kaserola at dalhin ko na lang mamaya sa unit ko ..Ako na lang kakain.Init ko na lang tinola mo ."
"Salamat... Pasensya ka na ."
"Ok lang..Maupo ka na..Hintayin mo na lang ang tinola."Sabi nito at alam ko nagtataka siya sa mga naging kilos ko.
Maya -maya naman ay isinilbi na din nito sa akin ang tinola at kaunting kanin.Nagsimula na din ako kumain habang nasa harap ko siya at pinapanood ako.
"Kain na ikaw ... Sumabay ka na sakin."Alok ko dito
"Mamaya na ako ..Baka magsuka ka naman kapag kinain ko yung sopas."
"Pasensya ka na ha."
"Ok lang...May gusto ka bang sabihin?"Tanong nito sa akin
"Tungkol saan?"
"Tungkol sayo..."
"Edward...please..."
"Felicity please ...sabihin mo sa akin bilang kaibigan mo kung ano pinagdadaanan mo.Malayo ka sa pamilya mo at wala Kang kamag-anak na kahit isa dito kaya bilang nagmamalasakit sayo let me know kung ano ang nagpapahirap sayo at nagkakaganyan ka.Hindi palaging andyan si Vianca para sayo.Mabuti nga at dumating ako at kahit paano natingnan kita.Wala ka palang balak ipaalam sa pamilya mo kung anuman ang kinaharap mo ."mahabang litanya nito sa akin
"B-buntis ako."Di ko na din napigilan ang sarili ko at sinabi ko na din kay Edward.
"I sense it already...Kaya pala ...Ayaw mo ng sopas ko...Bakit mag-isa mong kinakaharap yan?Asan Ang ama niyan?",dismayadong tanong nito sa akin.
Alam ko nadisappoint ito sa akin Hindi niya man sabihin.
"Iniwan na ako ..."
"Huh!!!!Anong klaseng lalaki siya?San ko matatagpuan ang lalaking yan?Babasagin ko ang bungo niya ng siya ay matauhan."Galit at nasa mataas na tono ang boses nito.
"May asawa na siya Edward."Nahihiyang Pag-amin ko dito.
"Ano???Nakipagrelasyon ka sa may asawa?Naging kabit ka?Anong pumasok sa utak mo Felicity?"Halos hindi siya makapaniwala sa mga narinig sa akin.
"Hindi ko hihilingin na maintindihan mo ako...Dahil Mali ako alam ko pero nagmahal lang naman ako at kahit mali pa yun naging masaya ako.Ngayong alam mo na sana wag mo naman ako pangunahan na magsabi sa pamilya ko..Pwede ka ng umuna paguwi .."sagot ko dito.
"To be honest with you hindi ko talaga maisip kung bakit mo nagawa yun ...pero hindi kita hahayaan na magsolo sa sitwasyon mo ,,Sasamahan kita magsabi sa pamilya mo."
"Hindi pa akong handang magsabi sa kanila...Kung hihintayin mo ako masasayang lamang ang oras mo.Kaya pabayaan mo na ako..dahil sa ngayon Hindi ko pa kayang humarap sa pamilya ko."walang ganang sagot ko dito.
Naramdaman ko ang panghihinayang at pagkalungkot ni Edward sa nangyari pero wala naman ako magagawa nangyari na.
Pumailang-ilang ang katahimikan sandali samin.Ilang minuto din iyon at patayo na sana ako ng magsalita muli si Edward
"Kung hindi pinanindigan ng lalaking sinasabing mahal mo ang batang iyan at basta ka niya iniwan sa ere .Handa akong akuin ang responsibilidad niya.Sasabihin ko sa magulang mo ako ang nakabuntis sayo."seryosong sambit nito na siyang ikinatigil ko sa pagkilos .
",Hindi mo alam ang sinasabi mo Edward mo..Hindi mo pwedeng sabihin yun dahil madadamay ka pa sa gulo ko."
"Sigurado ako hindi magagalit pamilya mo kung malaman nilang nabuntis kita.."
"*Oo siguro ...pero ipapakasal nila ako sayo.
"Then so be it....Magpakasal tayo."
Natahimik ako sa sinabi nito na magpapakasal kami.Kailanman Hindi ko naisip na makakasal ako kay Edward.
"Habang buhay na tayong matatali sa isat isa kapag nagpakasal tayo kaya...."
"*Kaya hindi ka papayag?...Siguro mahirap yun sayo dahil hindi mo naman ako mahal ..Kung ako ang tatanungin pabor sakin yun dahil alam mo naman na mahal kita noon pa man...Hindi ko ginagamit ang sitwasyon mo para matali ka sa akin gusto lang kita tulungan ...Ikaw pa din magdesisyon..."
"Pag-isipan ko ..."maikling tugon ko na lang dito.
"Bukas aalis na ako..Kung sasama ka sa akin bukas ibig sabihin nun pumapayag ka."
Tumango na lang ako dito tanda na naiintindihan ko ang sinabi niya.