Edward 's POV
Kakatapos ko lamang kumain sa labas ng hapunan at nagtake -out na lamang ako para kay Felicity.
Hanggang ngayon di pa din magsink-in sa akin na nabuntis siya ng may asawa at hindi pinanagutan.Nanghihinayang lang ako dahil kung ako yun ako na yata ang pinakamaswerteng tao sa mundo.Sinisigurado ko na hindi ko siya pababayaan.Para po sa kaalaman ng lahat si Felicity po ay first crush ko at first love ko.Niligawan ko siya dati pero nagtapat siya na hanggang magkaibigan lang kami kaya nirespeto ko yun .Pero yung pag-ibig ko sa kaniya ay hindi nawala hanggang ngayon.
Pinaderetso na ako ni Vianca sa kwarto ni Felicity dahil nasa loob daw ito.
Nadatnan Kong nag-ayos ito ng mga gamit.Sa nakita ko naisip ko na agad na pumayag na ito na sumama sa akin pauwi sa probinsya at pumapayag siyang akuin ko ang responsibilid bilang ama ng anak niya.
Sa totoo lang Hindi naman madali yun kaya lang parang may part sa akin na nagsasabing heto na yung pagkakataon para mapasa akin si Felicity.
"May dala pala akong pagkain.Maaring maghapunan ka na ."sabi ko dito
"Sige lang tinatapos ko lang to."
"Ibig sabihin ba nito sasama ka na pauwi sa akin ?", tanong ko dito
Tumango lang ito sa akin at nagpatuloy na muli ng pag-aayos.
"Tulungan na kita mag-ayos at hindi ka pwede sobra magpagod..."sabi ko dito.
Hinayaan niya naman ako tulungan siya.Ibinaba ko na din sa kotse niya ang nga gamit niya para hindi ko na bukas pa gagawin.Ganundin ang mga ilang gamit ko
Nagresign na daw siya sa trabaho at nagpaalam na din siya sa mga kasamahan niya maging kay Vianca na nalungkot pa dahil wala na daw ito makakasama sa condo.
Kinabukasan habang nasa byahe kami ay parehas lang kami tahimik.
Kinakabahan din naman ako habang papalapit na kami sa tinatahak namin probinsya ng Nueva Ecija.Hindi ko alam magiging reaction ng pamilya ni Felicity kapag nalaman ng mga ito na nabuntis ko ang anak nila.Hindi ako 100% sure na boto sila sa akin.Sana lang ay hindi magalit ang mga ito sa akin .
",Ok ka lang .Malapit na tayo.",tanong ko kay Felicity.
"Oo ok lang ako.. Kinakabahan lang."sagot nito.
Inabot ko yung kamay niya at pinisil .
"Don't worry kasama mo ako ."sambit ko dito kahit sa loob -loob ko sobrang kinakabahan din ako
Kailangang hindi ako panghinaan ng loob para hindi din ito panghinaan ng loob.
Sa kanilang bahay muna kami dumeretso bago ako uuwi samin
Nagulat ang pamilya nito dahil sa pagdating namin .Hindi nila ineexpect na darating kami dahil hindi naman kami nagsabi at basta na lang kami sumulpot.
Nagmano kami parehas ni Felicity sa mga magulang nito.
"Abah!Ang maganda kong anak at dumating...Oh iho nakakagulat naman ang paguwi niyo."Bungad sa amin ni tita Lucy Mama ni Felicity.
"Oo nga po...Namiss po agad namin ang probinsya.Saka may sasabihin po ako sa inyo."Sagot ko at nagkatinginan muna kami ni Felicity.
"Oh anong sasabihin mo iho..Parang kinakabahan naman ako."sambit ni tita.
Lumabas na din si Tito Edgar pati si Tol Bryan at ang ang asawa nito.Nagbatian muna kami at dumeretso sa loob ng kanilang bahay.Tahimik pa din si Felicity at alam kong halata na ng mama nito ang dahilan ng pananahimik nito.
Nang makaupo na kami sa sala ay hinarap muli ako ni tita .
"Edward ,iho ano bang sasabihin mo?"tanong muli nito.
Tumingin muna ako sa kanilang lahat bago nagsalita.Tumingin din muna ako kay Felicity .Kinakabahan din naman ako pero kailangan ko na din itong panindigan .
"Ahh A-ano po kasi ...b-buntis si Felicity."nabubulol kong deretsa sa mga ito.
Wala agad nakapagsalita sa kanila..nagkatinginan pa sina Tita at Tito pati si Tol Bryan.Nakatuon din ang paningin ng mga ito kay Felicity.
"Felicity totoo ba ang sinabi ni Edward?",Tanong ni Tito kay Felicity.
Tumango lang ito at ramdam ko ang kabang nararamdaman nito.Hinawakan ko ang kamay nito para iparamdam dito na kasama niya ako.
"Tita,Tito ,Tol , kasalanan ko po..Pasensya na po kayo..Hindi ko po napigilan."Pagsisinungalin ko sa mga ito.
"Ikaw nakabuntis sa anak namin."Naniniguradong tanong ni Tita
Tumango ako bilang sagot.
"Oh anong problema dun ...Si Tol Edward naman pala ang ama...Ay di welcome to the family Tol."Singit ni Tol Bryan.
Napangiti naman ako sa naging reaction ni Tol maging si Felicity ay napaangat ng tingin dito.
"Anong balak mo iho?Hindi naman pwede na basta pananagutan mo lang ang bata.Alam mo naman dito sa atin kapag nabuntis ng walang ama ,nakakahiya.At saka sandali lang paanong nabuntis mo siya ay hindi naman kayo magjowa tapos di ba wala ka naman dito sa Pilipinas."Si tita.
"Bago po ako umalis ng bansa may nangyari sa amin.. Pasensya na po kayong lahat."Paghingi ko ng paumahin sa kanila.
"Edward alam mong gusto ka namin para sa anak namin pero hindi ko itotolerate kung may ginawa Kang masama sa kaniya..Ito bang si Felicity ay pinilit mo o dinaan mo sa dahas dahil sa nakikita ko hindi niya gusto ang nangyayaring ito."dahil sa tanong na iyon na iyon ni Tita ay mas lalo akong kinabahan at di ako agad makahagilap ng sasabihin .
"Mama,Papa hindi po ganon si Edward...May kasalanan din po ako di ko din po napigilan.. Sorry po !"Garalgal na ang boses ni Felicity sa pagsasalita.
"Anak alam kong sa simula pa lang ay hindi mo na gusto si Edward kaya akoy nagtataka bakit nangyari ito.Ngayon tatanungin ko kayo anong relasyon niyo ngayon?Si Tita pa din .Si Tito naman ay tamang kinig at wari pinagaaralan ang bawat sinasabi namin .
Umiling si Felicity bilang sagot sa kaniyang mama.
Napasapo naman sa noo si Tita sa naging sagot nito.
"Ay kung ipapakasal ka namin dito kay Edward papayag ka ba?"si Tito na Ang nagtanong .
Napatingin na lang ako kay Felicity at hinihintay ko ang magiging sagot nito.
"Pwede naman po."sagot nito.
"Anak hindi pwedeng pwede naman po...Kapag nakasal ka na..Isa na kayo... Nakatali na kayo sa isat -isa."Si Tita ulit.
"Opo papakasal po ako kay Edward." Pinisil ko ang kamay nito para iparating ditong magiging okey din ang lahat.
At iyon na nga ang napagusapan magpapakasal kami ni Felicity.Sinabihan ako ng mga magulang ni Felicity na kailangan ay papuntahin ko sina mama at papa sa kanilang bahay para mapagusapan ang kasal.