Chapter 23 Taking Responsibility

1496 Words
Pagkatapos ng paguusap naming pamilya kanina pati ni Edward ay pumasok muna ako sa kwarto ko para sana makapagpahinga.Pakiramdam ko pagod na pagod ako kahit wala naman ako ginawa. Nakailang minuto na akong nakaharap sa bintana ng aking kwarto habang nakatuon ang pansin ko sa aking phone na hindi ko naman alam kung ano ang aking ginagawa. Bumukas ang pinto ng kwarto ko kaya napalingon ako doon. "Kamusta ka?"tanong nito. "Okey lang naman ako.Gusto ko lang sana mapag-isa at makapagpahinga."Walang ganang tugon ko dito "Sabi pala nina Tita..ay oo nga pala tawagin ko na daw silang mama at papa...dito ka muna daw..Balik na lang daw ako at isama ko sina mama at papa ko para pagusapan ang kasal natin."Sabi nito at umupo pa sa kama ko.Di nagsisink-in sakin Ang kasal namin ni Edward dahil ang isip ko at puso ko ay nakatuon pa din kay Davis at sa ipinagbubuntis ko "Sige lang..Ingat ka pag -uwi mo.Salamat ."Sabi ko dito. "Lumabas ka na maya-maya at kumain ka muna.Wag ka papalipas ng kain..Kawawa ang baby natin ."Sabi nito at hinimas pa ang tiyan ko.Napatingin ako sa kaniya Kasi di ko inexpect na aakuin niya agad ang anak namin ni Davis ay hindi pa naman kami kasal. "Pasensya ka na.. Kailangan ko lang sanayin ang sarili ko na ako talaga ama ng batang iyan.. Practice lang."Nakangiting sambit nito. Nginitian ko naman siya bilang pagsang-ayon.. "Okey lang..Salamat ulit."tipid na tugon ko dito. Kinabukasan ay bumalik muli si Edward kasama ang mga magulang nito. Kung kahapon ay hindi nagsisink-in sakin na ikakasal na ako ngayon ay parang natauhan ako at nagising sa mga nangyari.Hindi pala ito basta napagusapan lang namin ni Edward ,totoo pala iyong mangyayari. Dumating ang pamilya ni Edward at ngayon ay magkatabi kami ni Edward na nakaupo at nasa harap nilang lahat pati ng pamilya ko at pinaguusapan ang tungkol sa kasal namin ni Edward. Sila sila yung mga excited at tuwang -tuwa para sa kasal namin.Agree lang naman ako ng agree sa kanila.Si Edward ang malimit sumasagot kapag tinatanong kami.Hindi pa din talaga ako makapaniwala na dahil sa ayaw ko mapagalitan ng magulang ko ay magpapakasal ako kay Edward. Tanggap na tanggap din ako ng pamilya ni Edward at kung tutuusin napakaswerte ko dahil napakabait ng pamilya nito.Hindi na sila makapaghintay na maiuwi na nila ako sa kanilang bahay kaya naman minadali nila ang aming kasal. Next month ang aming kasal ayun sa napagkasunduan ng parehas na partido.Syempre hindi naman ako tumutol doon alam ko para sa ikakabuti ko iyon. Hindi muna ako sumama sa bahay ni Edward Ayun na din sa kagustuhan ni mama dahil mukhang nahihirapan daw ako maglihi.Kaya ang nangyari si Edward na lang muna ang titigil sa amin. Panay ang bilin sakin ng aking magiging byenan na mag-ingat daw ako.Papadala daw sila ng mga pagkain na gusto ko sabihin ko lamang daw kung ano ang naiibigan ko.Nakokonsyensya naman ako Kasi sobrang bait nila tapos di naman nila ito tunay na apo. Pagkatapos ng pagpupulong umalis na din sila . Minabuti ko na Naman ang mag-isa.Hindi na ako sumama kay Edward mag-ayos ng mga papel para sa kasal namin dahil gusto ko ng pahinga.Pumayag naman ito para daw Hindi ako mapagod. "Anak pwede ba tayo mag-usap?" Si mama na pumasok sa aking silid "Sige po mama.Bakit po?" "Akala mo ba hindi ko napapansin na hindi ka masaya sa pagpapakasal mo kay Edward."malungkot na Sabi ni mama "Mama.....Masaya po ako.Siguro Akala niyo lang di ako masaya dahil sa hitsura ko.Ewan ko ba naging ganito na ako simula nung magbuntis Ma..."Pagsisinungalin ko kay mama "Alam mo ba pangarap ko na kung makakasal ka sana yung Masaya ka...Alam ko simulat sapul hindi mo mahal si Edward.Kaya nga hindi ka na namin pinipilit na sagutin siya kahit gusto namin siya para sayo." "Sigurado nga po mama...Hindi ko mahal si Edward..Pero madali naman po siya mahalin kaya alam ko matutunan ko din siya mahalin." "Sigurado ka na ba sa pagpapakasal sa kaniya.?"Paniniguro ni mama. Hindi ko napigilan ang mga luha sa aking mga mata.Napakabuti ni mama at ayaw kong masaktan ko siya kung malalaman niyang nabuntis ako ng may asawa na.Alam ko sobrang masasaktan si mama kaya kahit Ako pa ang masaktan okey lang. "Mama opo naman ,, Sigurado na ako...Magkakaanak na po kami ni Edward.Alam ko po Hindi niya ako pababayaan ...Kaya wag po kayo mag-alala.Kung nakikita niyo po ako ngayon na parang walang gana baka po dala lang ito ng pagbubuntis ko."Niyakap ko si mama ng mahigpit at inassure ko sa kaniya na ok lang ako. "Ma.. Salamat po...Wag po kayo mag-alala sa akin..Hindi naman po siguro ako darating sa puntong ito kung hindi ko ito pinag-isipan ng maayos...Alam ko po magiging masaya ako din ako kay Edward.Magiging masaya kaming pamilya..Kaya po wag na kayo mag-alala sa akin.. Okay...."Paniniguro ko kay mama. "Oh siya pano ba yan... Ikakasal ka na din sa isang buwan.Mababawasan na naman kami."Halos Hagulhol na ni mama sa akin. "Ma....Kay kuya ganyan din kayo tapos sakin ganyan din kayo..Hindi po kami mga namatay mama..Andito pa kami... Makakasama niyo pa ako ...Wag ka nang umiyak mama...Bawal ako mastress .."pagbibiro ko dito. "Ay sori sori anak...Oo nga pala buntis ka...Siya magpahinga ka muna..Dito uuwi si Edward mamaya ayusin mo na kwarto niyo at saka itong mga damit niya .Ikaw na bahala dito .Ilagay mo sa bakanteng drawer mo diyan.O ako na lang maglagay nito"bilin nito sa akin. "Ako na lang po mama ang mag-ayos nito.Salamat po." "Ok cge anak.Lumabas ka maya-maya at kumain na." "Sige po mama." Pagkaalis ni mama ay nahiga muna at pakiramdam ko antok na antok ako.Ewan ko ba kung dala lang ito ng pagbubuntis ko o ng pagkabroken ko kay Davis.Bukod sa gusto ko palagi mag-isa , pagod na pagod ako ay antok ako palagi. Nakatulog ako at di ko namalayan na gabi na pala.Nagising na lang ako sa kaluskos ng kung ano sa aking kwarto. Pagmulat ko ay si Edward pala ,inaayos niya ang damit niya sa drawer ko.Kakatapos niya lang ding maligo. Napansin niya akong nagising na. "Gising ka na pala.Kamusta ka? Nilagay ko na nga pala sa bakanteng drawer yung damit ko . Pasensya ka na pinakialaman ko na drawer mo."Paghingi nito ng paumahin. "Okey lang ... Pasensya na dapat ako mag-aayos niyan.Nakatulog na lang ako." "Ayos lang.Hindi ka dapat mapagod.Mabuti at nakatulog ka.Nagluto nga pala si mama (mama ko ang tinutukoy niya)ng sinigang na baboy.Gusto mo ba dalhan kita?" "Hindi wag na.Lalabas na lang ako.Maliligo lang ako." "Okay sige . Hintayin kitang kumain."Tumango lang ako dito. Pagkatapos ko maligo ay lumabas na din ako.Nagsisimula na kumain sina mama at si Edward naman ay hinihintay ako. Naupo na din kaming dalawa sa hapag at sabay na din kami kumain. "Kamusta ang pag-aayos mo ng papel kanina Tol?"tanong ni Kuya. "Ok naman Tol..Este kuya pala ..".at nagkatawanan pa sila."May kailangan lang pirmahan si Felicity ."dagdag na Sabi pa nito at tumingin pa sakin. "Ganon ba sige maya pirmahan ko na ."Sabat ko sa usapan nila. Panaka -naka ay tumitingin sa akin si mama at tila ba hindi siya kumbinsido na okey lang ako sa nangyayari. "Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam ako sa kanila na mag-aayos muna ng kwarto namin ni Edward. Sumunod din naman pala si Edward sa akin. "Okey lang ako dito sa baba kung hindi ka komportable na katabi ako."pagkuway sabi nito habang tinutulungan ako magpalit ng bedsheet. "Hindi pwede yun baka kung ano pa isipin nina mama kapag naabutan nilang sa baba ka natulog.Hindi nga sila kumbinsido na masaya akong magpapakasal tayo." "Hindi naman talaga di ba?"May himig na lungkot sa tono ng boses nito. "Edward...I'm sorry...Alam mo naman...."Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko at nagsalita na ito kaagad "Naiintindihan ko...Alam ko...dahil lang sa inako ko yung responsibilidad ng sira ulong boyfriend mo." "Pwede pa naman natin iurong to?"Sabi ko dahil nakokonsensya ako at nadamay pa siya sa problema. "Talaga!Kung kailang andito na tayo."Medyo napataas ang tono ng boses nito pero tama lang para kaming dalawa Ang makarinig . "Baka lang kasi nagsisisi ka na.Dinamay pa kita sa problema ko.Baka lang napapagod ka na dahil ikaw lang naman tong nagaabala para sa kasal na yan." "Kahit mapagod pa ako okey lang.Pwede naman magpahinga.Totoong masaya ako na ikakasal tayo dahil pangarap ko naman talaga na ikaw maging asawa ko kaya kahit mapagod ako okey lang.Pero hindi ako 100 percent na masaya dahil magpapakasal ka sakin na hindi mo naman ako mahal.Tanggap ko yun ..pero sana ... hihilingin ko sayo na sana pag-aralan mo akong mahalin kahit pa gaano katagal yun hihintayin ko..Basta matutunan mo lang ako mahalin ."Mahabang litanya nito sa akin. Mas nakonsensya ako sa mga sinabi nito.Ramdam ko ang pagmamahal nito sa akin pero kahit katiting sa puso ko ay wala ako mahagilap na pagmamahal para dito. Tumango na lang ako sa kaniya bilang pagsang-ayon sa kahilingan niya. Natulog kaming magkatabi ni Edward pero ni kaunting lapat ng balat nito sa akin ay hindi ko naramdaman.Naramdaman ko ang pagrespeto at paggalang niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD