"Edward ,You may now kiss your bride."Anunsyo ng pari.
Dahang-dahang itinaas ni Edward ang aking Belo kasabay ng paglapit ng mukha niya sa akin.
Naramdaman ko mabilis na pagdampi ng labi niya sa labi ko.Nagpalakpakan ang mga taong nandoon at bakas sa mukha ng bawat isa ang kasiyahan.
Naipakita ko naman sa kanila ang mukha ng masayang bagong kasal ngunit sa loob -loob ko andun pa din Ang lungkot.Hindi ko inexpect na ganito ang kahihinatnan ng buhay ko at magiging ganito kabilis ang pag-aasawa ko.
Pagkatapos ng reception ay sa bahay na ni Edward ako umuwi.Wala na kaming honeymoon na kagaya ng sa ibang mga bagong kasal.Kapag may nagtatanong sa amin kung deretso na ba kami sa honeymoon ang nagiging sagot na lamang namin ay nauna na po ang honeymoon sabay himas sa aking tiyan.
Dalawang araw na lang din kasi ang ititigil ni Edward sa Pilipinas dahil paalis na muli papuntang ibang bansa.Nagextend nga lang siya ng 2 weeks para sa kasal namin.
"Iha welcome to the family..Sa wakas may babae na din dito sa bahay."Malugod na pagwelcome sa akin ni Mama Gina.Niyakap ako nito at gumanti Naman ako ng yakap dito.Kami -kami na lang ang nasa bahay at nakaalis na ang ibang mga kamag-anak nila na sumama pa talaga sa amin.
"Salamat din po mama at malugod niyo akong tinanggap sa pamilya niyo."sagot ko naman dito.
"Syempre Naman iha...Ang mahal ng anak ko ay mahal na din namin.Kaya kapag nagluko si Edward ako dapat ang una makaalam iha..Okay..",Sabi nito na tumingin pa sa anak na si Edward.
"Ma....Hindi ako kailanman magluluko ...Sa takot ko na lang sa asawa ko.."Sabi nito na ngumiti pa sa akin.Ikinakilig naman ng mama ni Edward ang sinabi niya.
"Dapat lang anak...Ang Papa mo kailanman ay hindi nagluko sa akin ..Lagi kayo maguusap mag-asawa kapag may problema.Iha Felicity kapag may kailangan ka dito sa bahay sabihin mo lang okay..lalo na pag nakaalis na ang asawa mo.Kami na lang ng papa mo ang makakasama mo dito.Wag ka mahihiya sa Amin."
"Opo mama.. Salamat po."Nakaramdam ako ng guilty sa sinabi ni mama dahil ngayon pa lang alam Ko na kung may magdudulot man ng problema sa Amin ni Edward ..Ako yun...
"Hay naku Mama...Kayo talaga..Syempre mahalan lang kami ng asawa ko.Kayo na po bahala kay Felicity kapag umalis na ako Ma..Wag niyo papabayaan ang mag-ina kom",bilin ni Edward sa Ina.
"Don't worry anak..Kami ng Papa mo ang bahala sa kaniya.Siya paano magpapahinga na kami ng Papa niyo.Magpahinga na din kayo.Pinaayos ko na kwarto niyong dalawa.Magpahinga na din kayo ..Lalo ka na iha at alam Kong napagod ka kanina."
"Sige po mama."Halos Panabay na sagot naming dalawa.
Iginiya naman ako ni Edward sa kwarto niya.First time ko nakapasok sa kwarto nito.Para po sa kaalaman ng lahat mas may kaya or mas nakakaangat ang buhay ni Edward kaysa saming pamilya.Kaya kung tutuusin ay napakaswerte ko na dahil may lalaking tanggap ako at siguradong kaya kaming buhayin ng anak ko.
"Umupo muna ako sa gilid ng kama para maipahinga ko ang aking katawan.Naninibago ako sa ambiance ng bahay.Di pa din ako makapaniwala na asawa na ako ni Edward.
"Nakahanda na pala ang mga kailangan mo sa Cr kung maliligo ka.Tapos yung mga gamit mo nailagay na din ni Manang si closet."Basag ni Edward sa katahimikan naming dalawa.
"Sige salamat ."Tumayo na din ako upang magpunta ng walk-in closet.Kumuha ako ng isang ternong panjama pagkatapos ay dumeretso na ng Cr para maligo.
Nakakapanibago dahil hindi ko akalain na nasa bagong bahay ako ngayon kasama ng ibang pamilya na ngayon ay pamilya ko na din.
Hindi ko alam kung kaya ko bang magpakaasawa kay Edward sa kabila ng kailanman ay kaibigan ang turing ko dito.
Alam Kong hindi mahirap mahalin si Edward pero hindi ko talaga mahanap sa puso ko ang mas higit na pag-ibig na para sa kaniya.
Sa totoo lang si Edward kasama ko ngayon pero ang nasa isip ko ay si Davis pa din.Naghahanap pa din ako ng Davis na magpapaliwanag sa akin at hihingi ng tawad sa kaniyang ginawang pambabaliwala sa akin.Para gusto ko siyang makita ngayong oras na ito at sumbatan na siya ang may kasalanan kung bakit andito ako sa sitwasyong ito.
Hindi ko na naman napigilan ang mapaiyak sa mga isiping iyon.Wala na akong magagawa dahil nangyari na . Kailangan ko na itong panindigan kahit di ko alam kung paano.
Inabot na ako ng katok ni Edward sa loob ng Cr.Siguro natagalan na sakin .
Binilisan ko na lang ang kilos ko at lumabas na din ako kahit di ako sigurado kung hindi na ba halatang galing ako sa pag-iyak.
Ayaw ko pa naman na makikita ni Edward na umiiyak ako baka isipin niya pinagsisihan ko ang pagpapakasa sa kaniya samantalang pabor naman iyon para sa akin.
Alam ko ay walang ginawang masama sa akin ang tao kaya dapat bigyan ko din naman ng konsiderasyon ang damdamin nito kahit pa sabihing di ko ito mahal.
Pagkalabas ko ay tinging tingin ito sa akin at tila pinagmamasdan ang aking hitsura at kilos.
Pero di ko na yun pinansin pa para hindi na ito magtanong pa ng kahit na ano.
"Okey ka lang?"Tanong nito sa akin.Akala ko hindi na ito magtatanong pero siguro talagang halata sa aking hitsura na Hindi ako okey kaya napatanong ito.
"Oo okey lang.Kailangan ko na siguro magpahinga.Pwede na ba ako mahiga dito sa kama mo."Tanong ko sa kaniya.Wala naman ako ibang choice na pwede higaan kundi sa kama niya.
"Oo naman..Make yourself comfortable...Pwede mo pakialaman lahat ng andito sa loob ng kwarto . Pahinga ka na ...Maligo lang ako ."Pagkuway sabi nito .
"Salamat ..."matipid na sagot ko sa kaniya.
"Pahinga ka na..Ano man yung iniisip mo,isipin mo magiging okey din lahat ..Saka pwede mo din sabihin sa akin kung ano bumabagabag diyan sayo para matulungan kita."pahabol nito
"Ok lang ako.Maligo ka na para makapahinga ka na din."walang Buhay na sagot ko sa kaniya.
"Sige.."Tanging naisagot nito kahit alam ko na hindi ito kumbinsido sa naging sagot ko .
Pagkapasok ni Edward sa Cr ay bumagsak ang luhang kanina ko pang pinipigilan.Naglahok -lahok na Kasi ang aking nararamdaman.Yung sakit sa pag-iwan at hindi pagpili ni Davis sakin,yung lungkot dahil nag-asawa na ako kahit di ko naman mahal ang taong pinakasalan ko ,tapos yung guilty dahil kahit si Edward na kasama ko si Davis pa din nasa puso at isip ko.
Ewan ko ba sobrang emotional ko ngayon dapat masaya ako dahil bagong kasal ako .Hindi ko man lang naramdaman yung excitement ng bagong kasal at isa pa yun sa ikinakaguilty ko dahil di ko man lang maiparamdam kay Edward na may asawa siya.Alam ko naiintindihan niya ako dahil sa ngayon wala talaga ako maiibigay sa kaniya dahil pakiramdam ko kahit sarili ko hindi ko na kayang mahalin.
Naramdaman ko ang pagtunog ng pinto kaya pumikit na lang ako kahit yung luha ko ay andun pa din sa pisngi ko.Naramdaman ko ang katahimikan at hindi ko alam kung ano ginagawa ni Edward.
Di ko alam kung pinapanood niya ba ako o ano.Pinanatili ko lang ang sarili ko na sa kung anong pwesto ko habang nakapikit pa din.Saka ko pa lang naramdaman ang pag-uga ng kama tanda na sumampa na ito.Ikinumot din nito sa akin ang comforter at hinaplos pa ang aking buhok.Sandali lang iyon at maya maya umagwat na din ito sa akin.