Chapter 25 It is still hurt

1597 Words
Nauna nang magising si Edward sakin at kung anong oras iyon ay hindi ko na alam.Maayos naman ang naging tulog ko kahit na dinaanan ako ng matinding kalungkutan kagabi.Bumangon na ako at dumeretso na sa Cr para maligo.Naninibago pa din ako sa bahay na kinaroroonan ko ngayon.Gayunpaman kailangan ko na sanayin ang sarili ko sa bagong mundo na meron ako ngayon.Mahirap Pero kakayanin dahil kailangan.Wala ng urungan dahil andito na din naman ako ,wala ng mababago. Naabutan ko si Edward na may dala -dala ng tray ng pagkain para sa almusal sa kwarto. "Good Morning."Nakangiting bati nito. Ngumiti din ako dito bilang tugon habang deneretso ko ang pagsusuklay ng aking buhok. Ibinaba nito ang tray ng pagkain sa center table. "Ready na ang almusal natin ,patapos ka na ba?"tanong nito sa akin "Oo malapit na..Dapat di mo na inakyat dito ..Bumaba na lang sana ako ." "Syempre gusto ko naman muna pagsilbihan ang asawa ko bago ako umalis bukas "Sambit nito habang malaki ang kaniyang pagkakangiti. Dapat kiligin ako sa mga ganitong pagkakataon pero di ko yun maramdaman gayunpaman ngumiti naman ako sa kaniya. "Salamat na appreciate ko...pero sana di ka nag-abala.Dami ko ng abala sayo." "Ok lang yun ....Masaya naman ako sa ginagawa ko.Sige na tapusin mo na yan.Wait kita." Lumapit na din naman ako sa kaniya pagkatapos ko sa aking ginagawa.Sabay na kami nagalmusal at di ko alam kung kailan ako masasanay sa presensya ni Edward. Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba ang pag-alis nito bukas o hindi.Kasi gustuhin ko man na masanay at matutunan ko ang buhay kasama niya hindi pa din naman yun kaagad mangyayari dahil nga sa malayo naman ang work nito. "Oo nga pala wait lang.."Sabi nito.Tumayo ito at may kinuha sa labas.Maya-maya naman ay pumasok na din ito at may bit-bit na bouquet ng magkahalong white and pink roses.Iniabot niya iyon sa akin ng nakangiti. "Para saan naman to..Bakit kailangan mo pa ako bigyan ng mga ganito.?"tanong ko sa kaniya. "Syempre first day mo dito sa bahay bilang asawa ko..Pawelcome lang." "Edward..You don't need to do all of this.Yung sinalba mo ako sa mga magulang ko at sa kahihiyan ay sapat na.Hindi ko kayang tumbasan o maibalik ang lahat ng ginagawa mong ito para sa akin." "Oo alam ko naman....Sa ngayon hindi mo ako kayang mahalin kagaya ng pagmamahal ko ...Hihintayin ko dumating ang araw na yun..Pero hayaan mo ng iparamdam ko sayo ngayon na asawa kita." "Edward unfair na ako sayo.Hindi mo deserve ang kagaya ko.Im sorry ...Kung nadamay ka pa sa akin"Gusto Kong pigilan ang mga luhang sanhi ng ibat-ibang emosyon na aking nararamdaman.Halos di na ako makakain ng ayos dahil sa pagtitimpi ko sa damdamin ko. "Never ko nafeel na unfair ka sakin.Ganon naman kapag nagmamahal di ba.Di mo kailangan na sukatin kung ano ang kaya at hindi kayang ibigay ng partner mo.And ang totoo never ko pagsisihan na andito ako sa sitwasyon na napakasal sayo..Mahal kita Felicity alam mo yan ...matagal na ...Kahit di mo pa ako mahalin pabalik...willing akong maghintay sa araw na yun.Okey...Siya enough na tayo for this drama..."Lumapit to sa akin at niyakap ako. "Thank you sa lahat."tanging nasabi ko sa kaniya.Sobrang napakabait na tao ni Edward.Kaya yung sinasabi ko sa inyo na reason ko kung bakit di ko siya nasagot dati..Totoo yun...ayaw ko talaga na papasukin siya sa buhay ko Kasi pakiramdam ko masasaktan ko lang siya. "You're always welcome..Tapusin na natin pagkain natin."pagkuway sabi nito . Itinuloy na namin ang pagkain hanggang sa matapos kami. Pagkatapos naming kumain ay nagsimula na siya magimpake ng kaniyang mga gamit na dadalhin para bukas.Hindi na niya ako pinagtulong para daw wag ako mapagod. "Wala naman tayo gagawin ngayon pagkatapos ko nito di ba..Ok lang ba lumabas tayo..Magsimba at kumain para naman naidate kita bago ako lumipad."Sabi nito habang nagiimpake na ng kaniyang mga gamit sa maleta. Napaisip ako.. "Wala Naman.sige ikaw bahala."Nakangiting sagot ko naman sa kaniya. Lumabas din kami ngayong araw.Sumimba at kumain sa labas.Sinamahan niya din pala ako magpacheck up Kasi gusto niya daw na kahit isang beses ay naexperienced niya na masamahan ako sa OB.Actually hindi ko pa naman time for check up pero siya lang mapilit gusto ay magpacheck up ako .Ayos naman ako at si baby. "Mister,ayos naman po ang lagay ng baby niyo . Kailangan lang kumain ng kumain ng misis niyo dahil para lumaki si baby."Explain ni doktora "Oh Hon , kailangan mo daw kumain ng kumain.Maggrocery tayo mamaya ng madami para may stocks ka sa bahay."Sabi nito na talagang tinawag pa akong Hon. Nakakainis lang sa sarili ko bakit di ko magawang kiligin man lang sa mga sinasabi nito.Naappreciate ko lahat ng ginagawa niya. Palagi na lang ako natameme at ayaw ko magresponse sa mga ganyang way niya ng pananalita niya sakin dahil di ko alam kung paano.. Tinawag niya akong Hon..Hon na din ba dapat ang tawag ko sa kaniya kahit di ko siya gustong sabihin.Mahirap para sa akin na gawin yun dahil hindi siya galing sa puso ko..kaya malimit di na lang ako nakakapagresponse sa mga sinasabi nito. Pagkatapos namin sa OB ay dumaan muna kami sa grocery. "Edward dami naman ng mga pinamili mo.Bukas paalis ka na.Tatlo na lang kami sa bahay.Mauubos ba namin to?"tanong ko dito. "Hon it's okey..Sabi ni doktora kumain ka daw ng kumain para mabilis lumaki baby natin."Di ko naiwasan ang mapatingin sa kaniya.Baby natin....He always claim baby namin...Nakaramdam na naman ako ng sakit sa puso ko.Mas may pakialam pa si Edward na Hindi naman totoong ama kaysa kay Davis na siyang tunay na ama. "Bakit Hon?"napatulala na Kasi ako sa kaniya. "Ha....a-a wala ...medyo pagod na lang ."pagsisinungalin ko. "Sandali na lang to..Uwi na din tayo." Umuwi na din kami pagkabayad namin ng aming grocery.Nawala na naman ako sa mood dahil sa naaalala ko kanina.Bumalik na naman sa akin ang lungkot ng pag-iwan ni Davis.Naiinis na minsan ako sa sariling puso at isip ko Kasi kahit gusto ko ng makalimot kay Davis ay hindi ko pa din magawa. Last night na naming magkasama ni Edward at siguro lalo na akong nalungkot pag mag-isa ako sa bahay nila. Nahiya man ako pero sinubukan na magpaalam dito na kung maaari ay uuwi ako sa bahay paminsan minsan. "Ah Edward ok lang ba na umuwi ako kina mama paminsan -minsan kapag umalis ka na?"paalam ko dito. "Oo naman .Mabuti yun para di ka mainip sa bahay.May driver naman sina mama pwede ka magpahatid sa kanila .Kung maaari wag ka muna magdrive ngayon. At saka nga pala, heto sayo na to.Iwan ko yan sayo.Gamitin mo yan ."Inabot niya sa akin ang isang passbook at ATM na kinuha niya sa bag niya. "Bakit ibibigay mo sa akin to?May pera naman ako." "Syempre asawa kita at responsibilidad ko kayo ng anak natin .Ako bahala sa inyo kahit mapapalayo ako."Sabi nito at lumapit pa sa tiyan ko at hinimas himas iyon habang nakatingin sa akin. "Baby ,,wag mo pahirapan si mommy ha..Behave ka lang dyan ...See you soon..Love you anak.Alis muna si Daddy ."Tumingala ako Kasi feeling ko babagsak na yung luha ko kaya kailangan ko pigilan. Pero kahit anong gawing pigil ko di ko matiis kaya hinayaan ko na lang ang mga luhang dumaloy sa aking mga pisngi.Napansin iyon ni Edward at hindi ko na nakayanan na itago iyon sa kaniya . "Hon...May nasabi ba akong Mali?Sorry na ..."Nag-aalalang tanong nito. Umiling ako sa kaniya. "Oh bakit ka umiiyak?" "Naisip ko lang yung tunay na ama ng batang ito.. Masakit sa akin na iniwan niya ako .Masakit na Hindi niya minahal ang batang ito.Alam ko dapat umpisa pa lang possible na dumating sa puntong ganito...pero nagmahal lang naman ako Edward ... Minahal ko lang naman siya...Sana umpisa pa lang umiwas na lang din siya sa akin para hindi ako nagassume na pwede pa ...na baka sakali magkaroon ng kami..."Hagulhol ko kay Edward .Di ko napigilan ang sarili ko na iconfest ko sa kaniya ang nararamdaman ko.Alam ko asawa ko na siya at dapat Hindi na niya nalalaman na naiiisip ko pa ang ibang lalaki pero Hindi naman agad mawawala sa isip ko ang lalaking unang pinag-alayan ko ng buong pagkatao ko. I'm sorry....Hindi mo na dapat nalalaman pa to."Sabi ko at tumayo na ako para pumasok ng Cr. Inilabas ko ang lahat ng sama ng loob ko sa pag-iyak.Kinakatok ako ni Edward pero di ko binubuksan ang pinto. Dumagdag pa sa isipin ko ang pagkaguilty dahil alam ko naman na kahit di sabihin ni Edward nasasaktan pa din siya dahil kahit anong gawin niya di ko maibaling sa kaniya ang pagmamahal na narararapat sa kaniya. Huminto lang ng ilang minuto ang Hindi pagkatok pero maya-maya ay bumukas din ang pinto ng Cr. Nabuksan na pala nito iyon. "Hon...." "Please...wag mo muna akong tawagin ng ganiyan..." "Alright .. Felicity ... Kalimutan mo na siya ...Di siya karapat -dapat sayo.Promise Ako bahala sa inyo ng anak mo...ANAK NA NATIN.wag mo ng sasabihin na Hindi ako Ang ama nito..OK...Siguro ngayon mahirap Gawin na kalimutan siya pero alam ko makakalimutan mo din siya..Please...enough for crying ..di yan makakabuti sayo..Alam ko at ramdam ko naman na hindi ka pa nakakamove on sa kaniya pero sana tulungan mo din naman ang sarili mo na makawala ka sa kaniya..Ok..."Litanya nito at niyakap niya ako ng mahigpit. "Naiintindihan kita..Naiintindihan ko ang nararamdaman mo..Valid yung feelings mo...Don't worry everything will be ok..Magpakatatag ka lang please..okey...Aalis na ako bukas..Palagi kitang tatawagan ...Hindi na kita madadamayan personally kaya please ...Be strong...Para dito..."At itinapat niya ang mga palad niya sa tiyan ko. Tumango ako sa kaniya kahit punong -puno ng luha ang aking mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD