6 months later Anim na buwan din na hindi nakauwi si Edward.Pinili niya ang magextend na sa work para daw sa mismong kabuwanan ko ay andito siya sa Pilipinas para masamahan niya ako sa aking panganganak. Kakatapos lamang ni mama magluto ng ilang putahe ng ulam na favorite ni Edward.Nakasanayan daw Kasi ni mama na tuwing uuwi ang anak ay ipagluluto niya ito.Dahil sigurado daw namiss nito ang lutong Pinoy. Nakaupo ako ,si mama at papa sa sofa habang hinihintay namin ang pagdating ni Edward.Nagupdate Kasi ito na in 30 minutes ay darating na siya. Kabuwanan ko na ngayon at talaga naman ang laki laki na ng tiyan ko.Sobrang likot na din ng batang nasa loob nito at pakiramdam ko sobrang lapit na nitong makita ang mundo.Medyo nahihirapan na din kasi ako kumilos. "Iha anak..kaya pa bang tiisin

