I was once told myself to be associated with other people aside from Rixi, Luz, and Isaac. But every time I’d feel doing it and approach somebody else, I would always back-out. Because the thought would always strike me out that maybe they can get along my vibes or otherwise. So far, I might consider Serna kaso may iba rin naman siyang circle of friends.
Hindi ko naman sinasarado ang buhay ko sa mga posibilidad na may papasok sa buhay kong mga tao na magiging parte sa akin, siguro hindi pa ngayon, masyado pang maaga.
Maaga akong pumasok sa klase, sumalampak agad ako sa usual spot ko. Halos katabi ko lang si Serna na maaga ring pumasok at katabi naman niya ‘yong magandang mahiyain naming kaklase na si Maren.
She seems to be good, someone who always obey rules and all, mahiyain, magsasalita lang kung may itatanong ka sa kanya o kailangan niyang magsalita, pero bilib ako rito sa kanya, she always extend herself to our classmates who needs help, and she’s smart.
Since maaga pa naman, nagkausap pa muna kami ni Serna kung matutuloy daw ba ang interview ko sa inirekomenda niya. I said yes kasi nagresponse naman siya kagabi sa akin. After that, binisita ko muna ang IG ko para matingnan kung nag-message siya ulit for final confirmation and some details.
@rouxsalvatore: Hey, tuloy tayo mamaya right? Sunduin ba kita?
@jordiMargaret: Huwag na, magkita na lang tayo roon. Reply ko sa kanya, pero na-seen agad iyon kaya alam kong online siya.
@rouxsalvatore: No it’s okay, I’ll pick you up in your room. Serna’s boyfriend had something to give to her kaya pinasabay niya na. Is it okay?
@jordiMargaret: Sige, kung ganoon ay okay lang naman.
That was my last message to him, nakita ko pang nag-reply siya pero hindi ko na nasundan ng reply dahil dumating na ‘yong professor namin which is our major subject.
“Matapos ninyong basahin ang artikulo tungkol sa Ched Memo Order no. 20 Series of 2013, ano ang saloobin ninyo tungkol sa isyung ito?” Tanong ni Ms. Abella sa amin. Ramdam ko agad ang mapanuring tingin niya sa bawat isa sa amin, ang buhok nito’y sumisigaw ng lakas at diin ng pagiging matatag, ramdam ko na rin ang hindi magkumayaw na pagdadasal ng mga kaklase ko.
Well, I know where they are coming from. Terror masyado ang major subject naming ito kay Ms. Abella, dahil bukod sa matandang dalaga siya ay talagang natural na istrikto siya pagdating sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa bansa at sa asignaturang Filipino. Pero higit sa lahat, hindi ko maitatanggi ang angking talino at kakayahan nito, kaya imbes na matakot o manerbyos, pinili kong tahakin ang landas ng katapangan.
Nagtaas ako ng kamay nang maramdamang walang sinuman ang gustong magbahagi ng saloobin nila. Halos kasabayan ko lang din sa pagtaas ng kamay si Serna at Maren.
“Para sa akin bilang isang magiging guro sa hinaharap na magtuturo ng asignaturang Filipino, masyado po itong nakakabahala sa akin at sa lahat ng magiging guro sa Filipino lalo na at plano nilang ipatanggal ang asignaturang ito sa kolehiyo. Tingin ko’y hindi ito makatarungan dahil sariling wika ang pinag-uusapan dito, which is kaluluwa na nating mga Pilipino at isa ito sa mga komplesidad ng buhay natin. Hindi natin dapat isantabi ang wikang Filipino upang makipagsabayan sa ibang bansa at matawag na competitive graduates.” Sabi ko at huminga ng kaunti upang ipagpatuloy ang pagbabahagi ko ng saloobin.
“Ang asignaturang Filipino ay ugat na ng ating kultura, bilang bahagi ng ating kultura ay ang lengguwahe na siyang naituturo lamang sa wikang Filipino. Tayo bilang isang guro sa Filipino ay dapat na maipalaganap ang pagkakaisa gamit ang wikang pambansa na siyang pagkakakilanlan din ng lugar na ating pinanggalingan, kaya sa pagpapalaganap nito, sabay-sabay tayong maging isa sa pakikipaglabang ito.” Dagdag ko at pagkatapos ay naupo na.
“Tama, gusto ko ang hinaing mo at ramdam ko rin ang pinaglalaban mo bilang isang magiging guro sa Filipino. Alam kong iisa ang layunin natin dito, kaya sana’y huwag ibasura ang asignaturang ito o tanggalin sapagkat malaking kawalan at kahihiyain ito sa mga taong naging dahilan kung bakit tayo ngayon may sariling wika.” Sambit ni Ms. Abella at binigyan pa ako ulit ng isang sulyap bago nagpatuloy sa pagtatanong.
Masyadong mainit ang usapin o isyu na inirelease ng Ched Memo kung saan tatanggalin nila ang asignaturang Filipino sa tersyarya. Hindi ko lang makuha agad ang nais nilang ipunto, kasi walang sense kung iisipin. Kahit pa sabihing ituturo nila ito sa senior high, hindi maitatanggi na pahapyaw pa rin ang pagtalakay dito dahil naranasan ko namang maging isang senior high student.
Kaya nakakabahala ang pagtanggal nito sa ibang mga departamento, kawawa ang ibang mga guro na matatanggalan ng posisyon o pagtuturuan, at mapipilitan silang lumipat sa ibang eskwelahan. Akala yata nila ay sapat nang matawag na bihasa o literate sa Filipino ang isang tao kapag nagsasalita nito.
Subalit ang alam ko lang, sa pagtanggal nito sa tersyarya ay siyang pagtanggal sa mamamayang Pilipino ng literasi sa sariling wika.
“s**t! Si Roux ba ‘yan?” Ani bigla ni Kim, ang kikay na kaklase ko, tatlong minuto bago lumabas si Ms. Abella sa room namin after nitong magbigay ng assignment.
“Talaga ba si Roux? Paano naman mapupunta yan dito.” Sabi naman ni Carla, ang bibo naming kaklase habang siya’y nag-aayos ng uniporme nitong medyo nagusot.
“Aba malay ko, pero puchangina siya nga talaga!” Sabi ulit ni Kim na unti-unti nang lumalaki ang mata habang si Carla naman ay kagat na kagat ang labi at halos maglupasay na sa kilig.
“Oh my gad! Bakit nandito siya e wala naman siyang barkada o kakilala sa department natin?” Si Kim na puno pa rin ng pagtataka ngunit nangingibabaw sa mga mata nito ang kilig.
Dahil sa malakas na bulungan nila at halatang pagkakilig, nakiusyoso na rin ang ibang mga kaklase ko pati na rin ang mga lalaking kaklase namin. Hindi ko na sila pinansin pa, inopen ko ang IG account ko para mareplayan ‘yong engineering student na iinterviewhin ko.
Nang mapasidahan kong muli ang username niya ay doon ko lamang napagtanto na ang pinagbubulungan ng halos lahat sa mga kaklase kong pangalan ng isang lalaki ay pareho lamang sa lalaking iinterviewhin ko. Posible kayang –
@rouxsalvatero: I’m outside your room.
Pagkabasa ko noon ay agad akong napalingon sa pintuan ng room namin. Ngunit hindi ko siya agad makita dahil natatabunan siya ng mga kaklase ko.
Nilingon ako ni Kim nang halos puno ng pagtataka at pagkagulat.
“Jords, hanap ka raw ni Roux?” Ani Kim sa paraang patanong na parang confuse pa sa nangyayari. Tumango ako sa kanya at kinuha ang bag ko.
Nahawi ang mga kaklase ko sa pintuan nang dumaan ako at nakita roon ang sinasabi nilang Roux, and the Roux that they are admiring and the man who wore Jersey number 7 is the same person that I am looking forward to have an interview with.
“Hi.” Sambit niya at ngumiti sa akin. Kitang-kita ang lalim ng dimples niya sa magkabilang side. Dinig ko agad ang pagsinghap ng mga kaklase ko sa ngiting iginawad niya kaya napalingon ako pero ibinalik ko rin ang tingin ko sa kanya.
“Uh, kanina ka pa sa labas?” tanong ko sa kanya. Tango lang ang nakuha kong sagot sa kanya. I nodded at him too.
“Paano mo nalaman ‘yong room ko e hindi pa naman ako nakareply kanina?” Takang tanong ko.
“Nagtanong ako kay Jack.”
“Sana hindi ka na nag-abala pang sunduin ako rito.” Sabi ko.
Umiling siya sa akin at ipinakita na naman ang dimples niya. Pero napagtanto kong natural lang na lumalabas ‘yong dimples niya kapag nagsasalita. Ibinigay na rin niya kay Serna ang ipinadala sa kanya ni Jack.
“Wala ‘yon. Tara na ba?” Tanong niya sa akin.
“Okay, kunin ko lang saglit ‘yong mga gamit ko.”
“Sige lang, take your time.” Sabi niya. Umalis na ako at bumalik sa upuan ko para ligpitin ang mga gamit ko at makaalis na. Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang pasimpleng pagsipat ng mga mata ng mga kaklase ko sa akin na tila baga nagtatanong gamit ang kanilang mga titig. Nagkibit balikat na lamang ako sa kanila at lumabas na pagkatapos, sumunod naman siya sa likod ko.
“Saan mo ako iinterviewhin?”
“Sa tahimik na lugar sana.”
“Let’s go buy snacks? Para naman during the talk may kinakain tayo. Okay lang ba?” He asked and I nodded. Pumunta muna kaming cafeteria para bumili, pero tahimik lang ang paglalakad namin papunta roon. Hindi rin naman nakaligtas sa akin ang tingin ng ibang estudyante sa aming dalawa, preferably dito sa kasama ko.
Parang instant eksena agad ang ideyang magkasama kaming dalawa. Big deal ba makasama ang lalaking ito? And at that moment, I think he was really famous, kasi kahit saan pinagtitingan siya. Nakakahiya tuloy, at isa pa, I don’t like spotlight. I like to be in the shadow but still witnessing savage attacks from people and aware of their actions.
Wala pa kami sa mismong café na gusto kong puntahan namin ay pinag-usapan na namin ang mga basic questions na ibabato ko hanggang sa major questions para prepared siyang sagutin lahat ng ‘yon before ko i-record lahat. Nadaan pa namin ang mga kaklase niyang papasok din sa cafeteria.
“Iced coffee?” Umiling ako sa kanya.
“Sorry, I don’t drink coffee.” Sabi ko, but that wasn’t true, umiinom naman talaga ako ng Kape, panlaban ko pa ‘yon sa antok. Iba lang nasabi ng bibig ko.
He pursed his pinkish lips and quickly bit it.
“Sorry, I didn’t know. Sandwich then?” Sabi niya, doon ay tumango na ako. Sakto at ramdam ko na ang gutom, naamoy yata ng mga bulate ko sa tyan ang pagkain kaya nagpaparamdam na.
He actually insisted to pay for me dahil siya raw ang nag-aya. But I refused, hindi naman ako pulubi, hindi rin naman kami magkaibigang dalawa para ilibre niya ako.
On the other hand, I should supposedly treat him because I owe him something for saying yes to this interview and not the other way around.
Pagkarating doon sa café, doon namin napagdesisyunan na pumwesto sa dulo dahil maganda ang lighting doon kapag nag-record na sa camera. May mga estudyante rin naman sa loob ng café pero hindi ganoon karami at sakto lang, sa tingin ko’y mga law students iyon dahil ang kakapal ng mga libro sa mga lamesa nila.
Nangamusta pa siya sa table na nadaanan namin bago makapunta sa dulo na pupuwestuhan namin. I realized he has a lot of friends, I bet if he will run as an official candidate for student council he’ll probably ace it.
Dahil nag-order na siya nang sandwich for the both of us. Ako na ang nag-order ng drinks namin at nag-order na rin ng dalawang pirasong cake para sa aming dalawa.
“You don’t have to buy this for me.” He said pero umiling na lang ako. Hindi ako mapakali basta’t may utang na loob ako sa isang tao. As much as possible I want to return the favour given to me.
“It’s on me. It’s my way of saying thank you so don’t bother.” Ani ko. Mukhang napapadalas na ang pag-i-ingles ko.
“Fine, just this one. Ayaw ko kasing babae ang nagbabayad para sa isang lalaki.”
“Ego?” I asked.
“Sort of pero hindi. Our family believed that it’s completely rude to let a girl pay for a meal.” He explained. I just simply listened and nodded continuously.
After that, I prepared my laptop, notebook, my pen, the camera and its stand for recording. We didn’t even introduced ourselves officially yet pero heto at uumpisahan ko nang tanungin siya.
I have already briefed him about the flow. He asked me if he could answer in English medium and I said yes because Sir. Daf said we could allow the interviewee to speak what medium they are comfortable with, but as much as possible if they can speak in Filipino, then so be it
“Magsimula muna tayo sa tanong na bakit. Bilang isang mamamayang Pilipino, bakit kailangan nating malaman ang ating kultura?” Unang tanong ko sa kanya.
“Well, para sa akin, kailangan nating malaman ‘yong kultura na mayroon tayo because that makes us who we are. It’s our great stories that is made out of sacrifices, love and bravery,” He said. I nodded and made some notes.
“Tingin ko, hindi pa ‘to nare-realize ng ibang mga tao kung gaano kalawak ang sakop ng kultura, na hindi lang ito itinuturo sa klase, kundi isang life changing story of the diverse cultures in the Philippines. I mean, with the culture we have, we could seek an answer to what we have been looking for right? That’s why we should know our culture, nakakahiya sa mga bayani nating nagbuwis ng buhay para lamang isantabi at hindi maunawaan ang kultura natin.” He answered without flaw. I actually like his answer but I had to have a follow-up questions after para malawak ang scope ng paper na gagawin ko. Mabuti nang nakakasigurado.
Medyo naging mahaba ang interview na ginawa ko. Akala ko magrereklamo na siya pero nakikita ko namang interesado siyang sagutin lahat ng mga tanong na ibinabato ko sa kanya. Tanong lang ako nang tanong sa kanya at nag-eenjoy ako sa mga sagot niya, I can see that he’s very opinionated person.
“Okay, huling tanong. Paano mo maipakikita ang pagmamahal mo sa bayan?” He pressed his lips together. His hands were on the table and he’s tapping all of his fingers on his right hand but with no sounds at all, being sensitive that he might ruin the peaceful sound on the recording video.
“Simply, sing the national anthem with pride and honour, with humility, remembrance, and that standing loud and proud.” He said with finality. I like how smooth he answers the questions I like how natural he is.
After that, I ended the recording video. Nagpasalamat ako sa kanya, nagligpit lang ako sandali ng mga gamit ko, siya na rin ang nag-fold ng stand ng camera kahit sinabi kong ako na ang gagawa kasi gamit ko naman ‘yon. Paglabas namin ay pababa na ang araw, 6 pm na rin kami natapos, nagpasalamat ulit ako sa kanya for the last time.
“Thanks, Roux,” sabi ko saka siya nginitian.
“You’re welcome Mags.” He said and smile.
“Mags who?” Kunot-noo ko siyang tiningnan.
“Your name’s Jordi Margaret right? It say’s in your ID. Margaret’s too long so I’ll just call you Maggy or Mags. Well that if it’s okay with you?” Nagtataka man ay tumango na lamang ako sa kanya.
He insisted on bringing me home but I refuse. I’m an independent woman and I can take care of myself. Hindi rin naman siya obligadong ihatid ko, but I appreciate his gesture anyway. But before we parted ways he asked me something.
“Hey Mags, can I follow you in i********:?” He asked and scratch the back of his neck.
“Ikaw bahala.” Sabi ko, bago pa ako tumalikod ay nasilayan kong muli ang paglitaw ng dimples niya.
At that moment, I felt like it was a sink hole, tila baga nanghihigop. But before that hole swallows me, I already left the parameter and secured myself.
Minutes after me getting a grab car. A notification pops up.
@rouxsalvatore follows you