“Bakit dalawa account mo?” Takang tanong ko kay Luz.
“Yung isa para sa marangal kong katauhan, yung isa para sa kagaguhan ko sa buhay,” sagot naman niya ng pabalang kaya binatukan ko.
“Just say you wanted to stalk that cold guy Luz,” Sabi naman ni Rixi habang pinapalibutan ng sandamakmak na libro ang lamesa niya. We’re currently at the library, may same break time kami tuwing miyerkules kaya nagkikita kami dito sa lib madalas.
“Duh Rix? Anong tingin mo sa akin magiging crush ko iyon? Puwes…hindi ka nagkakamali.” Luz then giggled after saying that. Rixi just rose a smile and look at me. I just then shrugged at ngumiti na lang din.
“Mabait naman siguro yan diba?” I asked.
“Di ko alam, kaya nga kinukulit ko pa.”
“Sige, keep it up.” Tanging nasambit ko sa kanya.
“Number 1 fan talaga kita!” Aniya at tinadtad ako ng sapak sa balikat. Parang tanga.
Among us, Luz is more of the consistent one, noong umulan yata ng consistency siya lang iyong hindi tulog. When she says she’s going to pursue that thing, she’s going to do it really with perseverance. She picked up pieces and just kept going. But despite many people who often tell her how they admired Luzi’s fortitude and strength, she would just nod and smile. But that smile was always accompanied with storms.
“Before I left, I just want to announce that I changed the guidelines regarding the said analysis paper. The interview shall be only applicable on engineering students and architecture students’ dito sa school natin. Alam kong aangal kayo, but I think it’s more an extra challenge for you to reach out students that you don’t know, it would enhance your communication skills as a teacher and basically dapat sa mga hindi niyo kilala, and in that form, you’d do that in a more formal way.” There’s a finality and authority the way Sir Daf states his purpose of changing the guidelines.
Gusto ko rin sanang umangal, kasi tingin ko mahihirapan ako, wala pa naman akong kakilalang engineering o architecture man dito sa school. Si Isaac sana pero hindi naman iyon dito nag-aaral.
“Sir, okay naman sana ‘yong sa kakilala talaga namin because that would make us more comfortable right?” Sabi ni Serna, sumang-ayon naman kaming lahat sa nasabi nito.
“I know that, kaya mas naging hindi komportable kasi alam ko mostly kapag kakilala niyo ang napili niyong interviewhin bardagulan ang magaganap sa analysis paper niyo, and I don’t want that.” Sabi ni Sir Daf.
May point nga naman, medyo maloko pa naman ang mga kaklase ko. In the end, we can’t do anything but to agree with Sir Daf. Ang pinoproblema lang namin as of the moment ay kung sino ang iinterviewhin. I don’t know anyone.
Sunod-sunod akong nagpakawala ng mabibigat na buntong hininga.
“What’s the problem Jord?” Ani Rixi kaya napatingin ako sa gawi niya.
I am struggling in finding an engineering or architecture student. May inirekomenda sa akin si Serna na isang Archi student, pero tangina naman nun, imbes na makinig sa akin habang nagpapaliwanag ako incase na pumayag nga siyang interviewhin, busy siya kaka-cellphone at selfie, halatang napilitan lang sa request ni Serna sa kanya kaya hindi ko na rin pinatuloy, nakakawalang respeto.
Ang gago ko lang sa part talaga na nagsayang talaga ako ng laway para sa babaeng iyon. Sayang oras.
“Analysis paper kay Sir Daf, naghahanap ako ng Archi or engineering student.” Banggit ko naman sa kanya, magsasalita na sana ulit si Rixi nang biglang ginulat siya ni Luz sa likod. Halos sampalin na ni Rixi si Luz dahil sa gulat.
“Oy anong naghahanap? Sinong hinahanap mo Jords? Pag-ibig?” Biglang sabat ni Luz, hindi ko alam kung saan sumusulpot-sulpot si Luz. Ang hilig din niya talagang gulatin si Rixi, naging favourite part yata ng araw ni Luz ang gulatin si Rixi.
“Bakit late ka?” I asked.
“Hinabol ko lang saglit iyong pangarap ko.” Saka siya ngumisi ng nakakaloko. If I know crush lang naman niya ang hinahabol niya.
“Bakit saglit mo lang hinabol?”
“My gad Jordi, of all people dapat alam mo iyon. Syempre ganito, hindi lahat ng pangarap nakukuha agad, syempre pinaghihirapan ‘yon para masungkit. Because you’ll never going to achieve your dreams if it weren’t for a single and humble steps. Gets mo sa part na iyon Jord? Rix?” Tanong niya. We just both nodded our head to her.
“Wait lang grabe, isang straight English sentence iyon ha. Leche talaga ang swerteng dala ng pag-ibig nakakatalino sa English bigla.” Dagdag pa niya. Nafe-fake pa na kunyareng naiiyak.
“Wala ka pa rin bang crush dito sa school Jord? Kasi si Rixi parang mayroon na, natututo na yang lumande Jord, ikaw na lang iyong napag-iiwanan sa grupo.” Ani Luz habang inaayos ang buhok niya. Sinamaan naman siya ng tingin ni Rixi.
“Funny ‘yon?” Sabi naman ni Rixi sa kanya.
“O mamsh, huwag naman po tayong defensive, napaghahalataan po tayo.” Sabi naman nito at itinaas ang dalawang kamay na tila nang-aawat.
“Kailan mo ba kasi planong lumande?” Balik niyang tanong sa akin.
Eversince we became friends, Luz would always asked me if who’s my crush, and I would always says no one. I mean I don’t know, hindi ko lang gusto iyong idea at kung saan ang kahahantungan nito. Ayokong maulit pa ang pangyayari noon, baka magmukha na naman akong tanga.
Nasisiguro ko, kahit kailan man hindi sumagi sa isip ko ang magkaroon nito simula noong araw na nangyari iyon. I don’t even want to experience it, even mentioning the word love is a cringe, and a total joke, but that’s for me…Other teenage girls as my age tells me that I’m quite weird because I don’t have a crush. Like, kasalanan bang hindi magkaroon ng crush? Kasalanan iyon? May batas?
Open naman ako sa idea ng romantic love na sinasabi nila, hindi lang ako naniniwala doon at hindi ko rin gugustuhing maranasan iyon.
But one time, I feel so violated and irritated when an issue in school blows off about me having a crush with Isaac. Halos suungin ko ang buong campus namin noon kung sino ang nagpost sa sss at nagpakalat na may crush daw ako kay Isaac, may picture pa na magkasama kami sa isang coffee shop habang nagtatawanan. Like what the f*****g hell? Isaac is just like a brother to me, barkada namin iyon.
“Wag ka na magtanong, alam mo naman ‘yong sagot.” Sabi ko at nginitian na lang siya. Ngayo’y humahaba na naman ang nguso niya sa amin.
“Ang pangit niyo talagang ka-bonding.” Sabi nito saka napanguso.
“So, what’s your plan on your analysis paper? Mukhang nahihirapan kang maghanap.” Rixi said.
“Hindi ko pa alam, pero sana makahanap agad ako, time consuming ‘yong paghahanap.” Sambit ko, time consuming para sa akin kasi wala akong kilala.
“Teka, diba halos engineering students ‘yong basketball team?” Ani luz, slightly giving an option for me.
“May kilala ka roon?” Sabi ko.
“Wala, pero ‘yong lalaking nahalikan mo engineering iyon, sure ako.” Luz said in a mocking tone.
“Inamo, kailangan talagang e-mention iyong part na halikan?”
“O kalma, iyong puso nagbabaga.” Inirapan ko na lamang siya, pero hanggang ngayon tawang-tawa pa rin ang bruha.
“If you can’t find any engineering students here, for sure zero score mo.” paalala ni Rixi kaya napahilamos ako ng buong mukha. Baka mayroon pa naman, pero kapag wala talaga…..bahala na.
Nagdaan ang buong linggo, hindi pa rin ako nakahanap, isang linggo na lang ang natitira para matapos namin ang analysis paper. Ang iba kong kaklase nasa kalagitnaan na, habang ako naghahanap pa rin. Dumagdag pa halos ang stress ko noong tatlong subject namin ang sabay-sabay na nagbigay ng project.
Tangina talaga…
“Hindi ka pa rin nakahanap?” Serna asked worriedly. Umiling ako sa kanya.
“Sorry about last time sa nirecommend ko, pinagsabihan ko na ‘yon.” She smiled apologetically.
“Okay lang, hindi mo naman kasalanan.” Umiling-iling siya at nagpakawala ng buntonghininga.
“No, it’s not okay, atleast she could be respectful, if she doesn’t want it in the first place she could’ve said it straight.” I nodded, siding her point. Pero tapos naman na, atleast maaga niyang pinahiwatig na ayaw niya.
“Actually Jord, may kilala pa ako, He is a close-friend of my boyfriend, hindi ko lang alam kung papayag iyon kaya ipapatanong ko pa.” Nagdiwang ang kaluluwa ko sa nabanggit ni Serna kahit hindi pa siguradong papayag.
“Okay lang naman siguro sayo kung lalaki diba?” She asked me out of concern.
“Of course, hindi naman ako mapili, mag-iinarte pa ba ako sa lagay nato.” Sabi ko na ikinatawa naman niya.
Pagkatapos noong pag-uusap namin ni Serna, she contacted me noong gabing iyon, delivering a good news. She said na pumayag na raw iyong engineering student sa interview. That news brought light to my dark night.
Pahabol din na sinabi ni Serna na kontakin ko na lang daw sa i********: dahil iyon ang sabi para mapag-usapan ang pagkikita namin at ma-briefing siya sa set-up noong interview.
I searched his IG username, hindi mahirap hanapin kasi sinabi ni Serna na ang icon raw nito ay isang cute na aso. Noong makita ko na, I directly sent a message to him na ako iyong interviewer na nakiusap.
@jordiMargaret: Hello good evening, this is Jordi, the one whom my friend asked you if I could interview you regarding our paper. My friend mentioned that I’ll just contact you through this platform and gave me your username. If you see this thread, please response so we could talk the details regarding the interview. Thank you so much for saying yes, I really appreciate it.
That’s the content of my message. Hindi ko pa naman nakikitang online siya kaya nag-off na muna ako at kumain. Baka mamaya magreply na ‘yon.
Nang matapos na akong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko. Tumingin ako sa relo at nakitang 8:30 na. Nagtaka ako, usually kasi by 7 nakauwi na ‘yon dito si papa sa bahay, saan na kaya siya.
I dialled Papa’s number para tanungin kung nasaan na siya.
“Hello pa, ‘asan ka na?” diretsong tanong ko noong sinagot niya ang tawag ko.
“Pauwi na ako, may dinaanan lang ako saglit.” Sabi ni papa kaya napawi ang pag-alala ko sa kanya. Pero ‘yong boses niya kakaiba, parang mas masaya ang tono niya. Something happen kaya sa trabaho niya? Baka na-promote? I ended the call reminding him to be careful.
Pagkatapos noon, nag-online ulit ako sa IG, tiningnan ko kung may message ba roon pero wala pa, baka busy iyong tao, baka bukas pa ‘to mag-reply.
@jordiMargaret: Good evening again. If you’re busy now, you can just reply tomorrow, I understand. Pupuntahan na lang siguro kita bukas sa department niyo. Thank you!
That’s my last message. I didn’t bother to sent him another message kasi baka busy talaga iyong tao. May kanya-kanya kaming gawain, priority, at kailangang tapusin kaya gets ko sa part na iyon. Pero sana bukas makapag-usap na kami, ilang araw na lang submission na, I badly need the rush.
Bago matulog, nag-check lang ako noong IG, nakita ko roon ang story ni Luz, it’s a picture of her laptop with a coffee on the side. Kay Rixi naman, picture iyon ng mga bituin, and it was beautiful. Nag-scroll pa ako ng ilang beses, sa mga sandaling iyon ay may biglang nag-pop up na message notification, and it was a message from that engineering student.
@rouxsalvatore: Sorry late reply, kita na lang tayo bukas sa Davis Hall. Anong oras free time mo?
@jordiMargaret: It’s okay, naiintindihan ko naman. 3pm pa free time ko, ikaw ba?
@rouxsalvatore: That’s great, it’s settled then. 3pm tomorrow at Davis hall.
@jordiMargaret: Okay, thank you po ulit. See you tomorrow.
The night ended with a smile of relief, thinking that my grade won’t be a total zero. Thanks to Serna’s wide range connections in the university.