Course

2155 Words
“Jordi, anong feeling? Masarap ba? Malambot? Ano? Magsalita ka naman!” Pangungulit ni Luz sa akin. Seryoso ba siya? Tatanungin niya ako kung anong naramdaman ko noong aksidenteng naghalikan kami noong lalaking iyon? “Stop asking about the feeling Luz, if you want to know it maghanap ka ng boyfriend mo.” Inis ang pagkakasabi ko noon dahil sa nangyari. “Ayon nga ang problema Jord, walang nagbabalak maging jowa ko kaya sagutin mo na ang tanong ko.” Parang bata pa ring usal niya. “Anong feeling?” Tanong ko pabalik, tumango naman siya ng tatlong sunod-sunod na tango na tila talangang interesado siya. “Wala, gulat…ganun” Sabi ko. She rolled her eyes in disbelief. “As in wala kang na-feel na slow-motion? Ano ba yan bato ka ghurl? Wala ka bang kipay?” Sabi niya pero tinampal lang siya sa braso ni Rixi ngunit tinawanan niya lang ito. “Ewan ko sayo ang tino mo rin kausap minsan. Pasok na ako” Sabi ko sa kanila at dumiretso na sa building ko. My phone vibrated and there was a text coming from papa. Papa: Umuwi ka agad after school, punta tayo sa birthday ng tita Helen mo. Ako: Titingnan ko po pa. Birthday pala ni Tita Helen, isa sa paboritong tita ko bukod kay Tita Jay. Mabait sila sa akin, naiintindihan nila ang punto ko, iyong mga hinaing ko, hindi sila judgmental sa perspektibo ko. Minsan sila pa bumibili ng mga damit ko, I don’t find it necessary for them to buy something for me pero hinahayaan ko na lang. Sana naman hindi kami mag-overtime ngayon para makasabay at makapunta ako kahit pa sabihing posibleng nandoon si Tita Britney at Tito Damian. Napabuntong-hininga na lang ako. Sa limang kapatid ni papa, sina tita Helen, Tita Jay, Tito Damian at Tita Britney ‘yong nakakaangat sa buhay, I mean mayaman pala. Si papa naman syempre maagang nagkapamilya, siya rin iyong panganay, pero atleast nakayanan niyang ipasok ako sa magandang eskwelahan. Graduate naman silang lahat na magkakapatid, pero si papa lang ‘yong na-late grumaduate, because he had to deal with me first. Hindi naman kami ganoon kahirap at hindi rin ganoon kayaman, tama nang sabihin kong medyo may pera naman kami. “Today’s topic is kind of relatable among you, I know this generation are almost into the idea of love, not the romantic love but the love about our culture. We will just talk about it a little, but the primary aim for this is for you to create a critical analysis paper through the different perspectives and ideas of Philippine culture from different students of the education department. The face-to-face interview will have to be recorded as evidence that you really did it.” Ani sir Daf. “Sir grabe naman ‘yong recording, okay na po iyong analysis paper lang.” sabat ng kaklase kong si Kim. “No buts everyone, wala kayong magagawa dahil ako ang teacher dito.” Sambit nya. Napuno ng bulong-bulongan ang loob ng silid namin, ang iba’y nagrereklamo at pilit na pinababawi kay Sir ang video recording. “You are all going to be a teacher here someday, and for you to have a wide knowledge about certain things, do everything a teacher wants you to do because that will also serve as your experience. Hindi umaayaw ang mga guro, tanggap lang sila ng tanggap…Pero minsan nakakagago rin dahil halos na lang lahat sakop ng pagiging guro.” Sambit ni Sir Daf sa amin na natatawa na rin dahil sa ginamit niyang salita. “Ang kyot mo talaga sir kapag nagmumura ka.” Ani naman ni Andrea sa kanya, and the whole student body seconded on that idea. “Nadali mo kami sa last line mo Sir!” Sabat naman ni Eric. “Nawa’y lahat cute kapag nagmumura.” Bwelta naman ni Sir Daf at natawa na rin. Napuno pa ng asaran at tawanan ang silid namin bago tuluyang mag-umpisa ang topiko. My family on the side of my father again once said, bakit education lang ang kinuha kong kurso, bakit daw ba hindi na lang legal management, architecture, doctor? I mean, who are they to say something about what I want in the future as a professional? Tapos sasabihin nilang “education lang?” seryoso ba sila sa salitang “lang”? It should be education as it is at hindi education lang. Ang babaw talaga ng utak ng ibang kapatid ni papa. Tingin yata nila mas angat kapag ganoong mga kurso ang kukunin. Based sa experienced ko kahit hindi pa man ako nagkokolehiyo noon, mababa ang tingin ng nakararami sa ganitong kurso at ‘yon ang hindi ko maintindihan. Pero in the end wala tayong magagawa, yan ang realidad ng mundo, hindi lang sa kursong edukasyon kundi sa ibang kurso din, and we cannot please everybody. Bakit nga ba ganito dito sa bansa natin, masyadong mataas magbigay ng parangal sa ibang mga kurso. I just realize this on college, that no matter how many opportunities relies in your chosen course, idadown ka pa rin ng tao dahil sa maling pananaw at paniniwala nila. Misconceptions. But then at the end of the day, sariling pananaw mo pa rin ang dapat na mangibabaw at hindi iyong kanila. Makapagsalita kasi sila minsan akala mo may ambag talaga sa kursong kinuha mo. Nakakairita. “Happy birthday Tita Helen!” Masayang bati ko sa kanya kasabay ng yakap niya. “Jordi! I thought you won’t come because you’re busy sabi ng papa mo?” Asal ni tita, biglang nangunot ang noo ko at tiningnan panandalian si papa. But I don’t get anything aside from his forced smile. “Pwede ba ‘yon eh birthday mo ngayon? I’ll always make time if it’s you Tita.” Sabi ko naman. “Sabi mo kasi kanina titingnan mo pa kaya tinext ko ‘yon sa tita mo.” Sabi ni Papa, and I just nodded my head. Oo nga pala. Kapag ganitong may pagtitipon-tipon, nagdadalawang isip si papa na pumunta, feeling daw kasi niya ang liit niya sa mga mata ng mga kapatid niya dahil parang naiiwanan daw siya ng panahon, at para na rin daw sa akin dahil baka punahin na naman daw ako nila Tita Britney at Tito Damian. Nakita ko ang mga tinging ipinukol ni Tita Britney sa akin ng matanaw ako.. Heto na naman po tayo sa panibagong session. Pumunta ako sa pwesto niya sa sala at nagmano. My cousins are on the pool area right now at kinakawayan ako, sumenyas na lang ako na mamaya na ako pupunta roon. Tingin ko’y ako lang yata at si papa ang nahuli. “How’s school Jordi? Hindi ka pa rin ba nagshi-shift ng course?” Tita Britney asked me in her normal tone. “Hindi po tita,” Sagot ko naman sa tanong niya. Umangat ang kilay niya rito, expected ko na rin naman iyon, hindi na bago sa akin. “What? I told you to shift course right? You should take law school instead just like Kale, and seriously a teacher? Jordi come on, you are more than that, hindi ka mapapansin sa kurso mo, mababa pa ang sweldo.” Tita keeps on nagging me about the putanginang kursong gusto niya para sa akin. Naikuyom ko na lamang ang mga kamay ko ng patago, baka kasi hindi na naman ako makapagtimpi at kung ano pa ang masabi ko rito. Baka sabihin pa niyang napaka-ingrata ko at walang galang na naman. Ayokong sinasabihan ng ganoon, because my father raised me well, enough to show respect to any person I am with. “Britney stop it! Jordi’s course is as good as any course in this world. Do you think doctors, lawyers, and engineers became like that if it weren’t for teachers?” Pagtatanggol naman sa akin ni Tita Helen. Gusto ko na lamang mag-walk-out. “I do agree with Helen, no course is above on any other courses Brit, you have to stop belittling her course. Just support our niece instead, that’s the least we can do.” Sabi naman ni Tita Jay na kalalabas lang ng kitchen area. Agad naman akong lumapit sa kanya at nagmano na rin. “Thank you tita.” Sambit ko, she just gave me an assurance smile that everything will be okay. “I don’t know with you guys, I just want the best for Jordi’s future! If Damian’s just here, we have the same preposition on this matter.” Tita Britney fired back bago naglakad palabas at pumunta sa pool area. Ako dapat ang unang mag-wawalk-out eh. I sighed hard, tangina ang hirap pumigil ng bibig kapag kating-kati ka magsalita. “Hayaan mo na ang tita mo, just understand her side.” Usual line naman ni papa kapag ganito ang nangyayari. Wala na akong magawa kundi ang tumango na lamang. Yeah right, f*****g understand her side? Paano naman ‘yong side ko? Mahirap ba ‘yon intindihin para sa kanya? Pumunta na muna ako sa pool side ng bahay at nakipag-bonding kasama ang mga pinsan kong sosyalin. “I miss you Jord, kung hindi pa birthday ni mama hindi ka pa magpapakita sa amin.” Sambit ni Willow na ngayo’y nakanguso, siya naman iyong bunsong anak ni tita Helen. “Grabe ka mambintang parang ‘di tayo magpinsan. Busy lang sa school.” Sambit ko. “Yeah right, now that you mentioned school sumasakit na naman ang ulo ko sa recit na mangyayari sa Friday. Ugh! I can’t even!” Maarteng saad ni Willow. Don’t get me wrong, maarte sila pero mababait naman ang mga pinsan ko. Isa lang talaga ang hindi ko makasundo sa kanila, si Leonara. “Instead of hanging out kasi better do your part as a student who takes up medical course.” Leonara said out of the blue. Speaking! Kasunod nito si Kale sa likod dala ang dalawang bote ng Black label. “Just said that you are KJ on that part Leo,” Willow said while rolling her eyes. “Hey favourite cousin.” Kale showed up at my side. “Yeah hello too demon.” Sabi ko sabay halakhak niya. Kale who claimed to be my favourite cousin ‘daw’ keeps on telling stories about his irritation in this certain girl in their department, masyado raw maarte at tinalo pa ang kaartehan ni Willow. Past eleven already, papa’s still talking with tita Helen. Umuwi na rin si Kale dahil may recit raw sila kinabukasan at magre-review pa siya. Umalis ako saglit para pumunta sa isang Coffee house sa labas ng subdivision, malapit lang naman iyon kaya nilakad ko lang. I suddenly wanted to take caffeine. Pagkatapos umorder, umupo ako sa isang bench malapit sa puno ng narra. “Nakakapagod.” Sambit ko habang iniinom ang inorder kong kape. Inisip ko ang pagtatalong naganap kanina. Kailan kaya ni tita Britney marerealize iyong punto ko? Nakakapagod mag-paintindi sa kanya. “I think so.” A man sit on the other side of the bench. Naamoy ko agad ang matapang niyang pabango, hindi siya masakit sa ilong, pero gusto ko iyong tapang na dala nito. “Sorry nga pala noong nakaraang araw.” Sambit ng lalaki. “Ha?” sabi ko naman, nalilito, dahil hindi ko naman siya kilala. He wears a cap kaya hindi ko maaninag ang mukha niya. “Hatdog,” Ani niya at tumawa. Ultimo pagtawa niya ang ganda ring pakinggan. Wait was that a compliment? Talaga ba Jordi? “May ubo ba utak mo po?” Naiinis na sambit ko sa kanya at napakunot ang noo. “Silly..’yong kiss noong nakaraan, sorry.” Pagkasabi niya noon, agad kong napagtanto ang sinasabi niya, pinasadahan kong muli siya ng tingin at napagtanto kung sino, siya ba ‘yong number 7? Tangina siya nga! Muli kong pinasadahan siya ng tingin, mula ulo hanggang paa para makasigurado. “Done checking me out brown haired girl?” he teased showing his perfect smile and perfect teeth. Anong toothpaste nito? “Ang kapal naman ng mukha mo para sabihin yan.” “Ang sungit mo. Bakit ka nandito?” Tanong niya na parang walang atraso sa akin noong nakaraan. Technically, hindi naman talaga niya kasalanan, iyong mga ungas niya lang na ka-teammates. “Magpapahangin sana, kaso masamang hangin ang dumating.” Banggit ko. “You are so hard on me..” Sambit niya at kinagat ang pa ang ilalim ng labi nito. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay namula agad siya at kinamot ang gilid ng kaliwang kilay niya. “I mean…ang s-sama mo sakin.” He stuttered and almost struggling to finish what he was trying to say. Doon ko lang din napagtanto ang unang ibig sabihin niya kaya ako naman ang pulang-pula ngayon. “Inamo ang bastos ng bibig mo.” tanging nasambit ko at dali-daling naglakad pabalik sa bahay nina Tita Helen. Rinig ko pa ang sigaw niya pero hindi ko na rin nilingon. Bahala siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD