Chapter 3
Nakatulog na si Sofia nang makarating ang Daddy niya sa bahay nila.
" Si Sofia? " tanong ni Manuel sa asawa ng salubungin sya ni Luisa sa entrada ng pintuan nila.
" Nakatulog na ang anak natin. " sagot nito kay Manuel. Pagkapasok nila sa loob ng bahay ay dumiretso sila sa sala at naupo roon.
" Mabuti at nagawa mong ipabukas kay sofia ang pintuan ng kwarto niya. Napakain mo ba ang anak natin? " nalulungkot na saad ni Manuel na pahawak sa sentido nito.
" Oo, bago siya nakatulog napakain ko naman hindi nga lang naubos ang pagkain na dinala ko para sa kanya. " wika ni Luisa sa asawa na nilapitan ito at nagtungo sa likuran ni Manuel at minasahe ang sentido nito.
" Masakit na naman ang ulo mo? Wag ka masyadong magpaka stress mahal ko. Magdasal lang tayo malagpasan ng anak natin ang pinagdaraanan niyang pagsubok. Naniniwala ako na hindi magtatagal ay papayag rin ang anak natin na magpa opera. Manalig ka lang din at wag bibitaw. " ani ni Luisa sa asawa.
Hinawakan naman ni Manuel ang isang kamay ni Luisa at inilapit sa kanyang labi.
" Aaminin ko na pinanghihinaan na ko ng loob sa tuwing makikita ko si Sofia na nasasaktan at nahihirapan. Hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa akin na sisihin ko ang sarili ko sa mga nangyare sa kanya. " mahinang sambit ni Manuel na ikina hugot pa nito ng malalim na paghinga.
" Hindi ba't sinabi ko na sayo na dont blame yourself!. Ang anak mo ang nangulit na mag drive ng kotse, pinagbigyan mo lang naman ng pumayag ako hindi ba? kaya kung patuloy mong sisihin ang sarili mo siguro dapat ay sisihin ko rin ang sarili ko!. " saad ni Luisa na ikinatahimik na lang ni Manuel at tumingin sa mukha ng asawa niya.
" Wala naman dapat na sisihin sa atin. Aksidente yon at walang gustong mangyare na madisgrasya tayo na naging dahilan ng pagkabulag ng anak natin. " Pagpapaintindi pa ni Luisa kay Manuel.
" Kung hindi lang hiniwalayan ni Carl si Sofia hindi magkakaganyan ang anak natin.
Ang walang hiyang yon! Huwag na wag kong makikita ang pagmumukha non dahil baka kung ano ang magawa ko sa duwag na lalaking yon! "
Galit na wika ni Manuel na ikinatahimik na lang ng asawa niya.
" Nga pala pinatanggal ko na kay kuya Loreto ang lock sa loob ng kwarto ni Sofia. Natatakot kase ako na baka mag double lock uli siya ng kwarto nya at baka sa susunod hindi na talaga nya tayo pagbuksan pa. Buti ng nakakasigurado tayo. " ani ni Luisa na ikinatango ng mister niya.
" Kumusta nga pala ang lakad mo? Nakausap mo ba si Rodrigo? " usisa na ni Luisa.
" Nagkausap kami naipakita ko sa kanya ang medical records ni Sofia at sabi niya ay may kilala siyang ophthalmologist at eye surgeon na mapagkakatiwalaan niya. Tanda mo pa ba mahal ko sina Marie at Gilbert Austria? Ang anak nila ang tinutukoy ni Rodrigo na ini refer niya sa atin na magaling na eye surgeon sa ospital nila Rodrigo. " pahayag ni Manuel na nasa tono ng pananalita ang pagka proud sa anak ng kaibigan niya.
" Oo naman! Hindi ba't barkada mo noon si Gilbert kayo nila Rodrigo? Nakilala ko naman si Marie dahil naging magkaklase noong kinder ang anak nila at si Sofia natin. Sayang nga lang at maagang pumanaw ang mag asawa na yon! " sagot naman ni Luisa na inalala pa ang nakaraan.
" Sinong mag aakala na ang anak nila Gilbert ang magiging doctor ng anak natin at dati pa pala sila na magkakilala. " ani pang wika ni Manuel.
" Pupunta nga pala rito si Doctor Austria bukas para matignan ang mga mata ni Sofia. Nasabi ko naman na kase ang dahilan kung bakit hindi si Sofia ang makakapunta sa ospital, na naintindihan naman ni Rodrigo at sinabi niya sa kanyang inaanak. Yung anak nga nila Gilbert na sinasabi nya. " Pag inform pa ni Manuel sa asawa.
" Sige, paghahandaan ko ang pagdating ng Doctor ni Sofia bukas. Mabuti at mukhang mabait ang inirecommend sayo ni Rodrigo. " Nakangiti ng saad ni Luisa sa asawa.
Kinabukasan nga ay maaga pa lang ay inayusan na ni Luisa ang anak na si Sofia. Hindi pa muna nila sinabi na may doctor na pupunta sa bahay nila upang tignan ang mga mata ni Sofia. Naisip kase ng mag asawa na baka tumanggi si Sofia at hindi harapin ang doctor niya.
Si Arjay naman ay kasalukuyan ng nasa byahe at nagmamaneho ng kanyang sasakyan ng tawagan siya ng kanyang ninong Rodrigo.
" Good morning Nong, May emergency ba sa ospital? " nakangiti niyang bati sa kausap kahit na hindi naman siya nito nakikita.
( On the way ka na ba sa bahay nila Manuel? )
Seryosong tanong ni Rodrigo sa inaanak.
" Malapit na ko sa kanila. Why, may ibibilin ka ba? Mga 10 minutes siguro naroroon na ko. " sagot ni Arjay.
( Manuel call me and he said na hindi nila sinabi sa anak nila na daratng ang doctor niya. Nangangamba kase ang mag asawa na baka tanggihan ni Sofia ang pagsusuri mo sa kanyang mga mata. ) ani ni Rodrigo.
Natahimik si Arjay at saglit na nag isip. Itinabi na muna nya sa kalsada ang kanyang kotse at pinatay ang makina.
( Arjay, nakikinig ka ba? Na ge gets mo ba ang ibig kong sabihin? ) wika pang muli ng kanyang ninong.
" Yes Ninong. Iniisip ko lang kung papaano ko susuriin ang mga mata niya ng hindi siya makakahalata. " ani ya sa ninong Rodrigo niya.
( Kaya mo yan iho! i know you very well. Just do your best! Magpakilala ka na lang na anak ng kaibigan ng Dad niya at siguro makakabuti na tumira ka na rin muna pansamantala kina Manuel at wag mo na munang sabihin na doctor ka iho. ) pagbibigay suhestiyon pa sa kanya ni Rodrigo.
" Tsk! Parang ganoon kadali ah? Napag usapan nyo na ba ng kaibigan mo ang plano mong yan!? Ah ah, sure ako na pinag isipan nyo na ang bagay na to! " pangunguwestiyon ni Arjay dahil sa kilala din niya ang ninong nya.
( Arjay, anak ng kaibigan ko ang nangangailangan ng tulong at hindi ko kayang hindian si Manuel gayong alam kong maaari naman, sa tulong mo nga lang din. Mahihindian mo ba kami iho? ) paliwanag ni Rodrigo na parang mangungunsensya pa ata kung hindi niya susundin ang nais nito.
" Okay, okay! On the contrary naging kaibigan din naman talaga ni Dad si Tito Manuel ang sabi mo. Kaya sa part na yon ay hindi na kailangan pang mag sinungaling ililihim ko lang naman ay ang propesyon ko. " saad niya sa kanyang ninong.
( Thank you Arjay. Im sure na proud sayo ngayon ang parents mo. Napaka swerte nila to have you. ) pang uuto ng ani ni Rodrigo na hindi naman kaila kay Arjay ang bagay na yon.
" Matagal ng proud sa akin ang mommy at daddy ko ninong. Nanalo ka na nga, nang uuto ka pa! I give you a call kapag nakarating na ko sa bahay ng mga Alcantara. " natatawa pang sabi ni Arjay.
Pagtapat ng kotse ni Arjay sa bahay nila Sofia ay natanaw na niya ang mag asawa sa labas ng bahay ng mga ito na halatang inaasahan ang pagdating niya.
Nilapitan sya agad ni Manuel paglabas nya ng kanyang sasakyan. Nagpakilala siya sa mag asawa at inaya na siyang pumasok ng bahay.
Ilang minuto pa silang tatlo na nag usap na muna at saka lang pinuntahan ni Luisa ang anak sa kwarto at nagpaalam naman si Manuel na aalis lang saglit at may importanteng gagawin.
At habang naiwan sa sala si Arjay ay inilibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng bahay at nakita nya ang isang malaking family picture.
Si Manuel, Luisa at si Sofia. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi dahil para siyang nabighani sa ganda nito.
" Mom ayoko nga! Wag mo na kong pilitin mom na lumabas. Hindi ako lalabas dito. Ayoko..! Dito lang ako! " pasigaw na saad ni Sofia na nadinig ni Arjay. Sinundan nya ang tinig kung saan nanggagaling ang tinig ng dalaga. Hanggang sa matapat na nga siya sa kwarto ni Sofia. Dahil sa bahagyang nakaawang ang pinto ay mas malinaw niya ng napapakinggan ang pag uusap ng mag ina.
" Saglit lang naman Sofia na pakikiharapan mo ang kababata mo na anak ng kaibigan pala ng Dad mo. Sige na anak, tara na sa labas. " pagsusumamo ni Luisa sa anak.
" Bakit kase narito sya!? Hindi naman kami close non Mom. Isa pa mamaya pagtawanan o kaawaan nya pa ko kapag nakita niya ako sa ganitong sitwasyon. " dinig pa ni Arjay na ani ni Sofia.
" Anak siya ng kaibigan ng Dad mo. Ilang days siyang mananatili rito sa bahay dahil ang Dad mo ang nag invite sa kanya. Nakakahiya naman na hindi mo pakikiharapan yung tao kahit saglit lang. Mabait din si Arjay at alam kong hindi mangyayare ang iniisip mo. " muling saad ni Luisa sa anak.
Kumatok ng mahina si Arjay sa pinto at nag sign kay Luisa na wag maingay . Tumango si Luisa kay Arjay ng mag paalam na papasok sya sa room ni Sofia.
At sa pagkakataon na yun nakita ni Arjay si Sofia ng personal at malapitan.
Tumikhim ng ehemm si Luisa ng mapansin niyang parang na mesmerised ang binata sa anak niya ng matagalan ang pagtitig sa mukha ni Sofia.
" Mom, may ibang tao ba sa silid ko? "
" Wala iha tayo lang ang narito. Bakit? "
" Parang may naamoy akong panlalaking pabango mom. Nakabukas ba ang pinto ng kwarto ko? " nagtatakang tanong pa ni Sofia.
" Ah baka pabango ng Dad mo ang naaamoy mo. Baka aalis siya kaya gumamit ng pabango. "
Patuloy lang ang ginagawang pagkausap ni Luisa sa anak habang si Arjay ay sinisipat ang mga mata ni Sofia gamit ang medical pen light na dala niya.
Nang matapos sa ginagawa si Arjay ay nag okay sign na siya kay Luisa. At nagpaalam na lalabas na ng silid na ikinatango nito sa kanya.
Dahan dahan na humakbang papalabas si Arjay ng marinig na naman niyang nagsalita si Sofia.
" May tao ba diyan? Alam kong may ibang tao rito sa room ko mom at hindi si Dad yon dahil alam ko ang gamit na pabango ni Daddy. "
" Sino ka bakit ka pumasok dito sa silid ko!? " ani pang saad ni Sofia na galit ang tono ng pagtatanong.
" Sofia, napadaan lang si Arjay. Iho, pumasok ka!" palusot ni Luisa sa anak.
" Mom! " angal ni Sofia sa ina.
" Sorry Tita, narinig ko ang pag uusap nyo ni Sofia nakabukas kase ang pinto kaya lumapit na ko. " hinging paumanhin ni Arjay na nakatingin kay Luisa.
" Hindi magandang ugali ang pakikinig sa usapan ng iba mister. " ani ni Sofia.
" Sofia " awat ng ina niya sa kanya.
" Dont stop me mom! Bakit mo siya pinapasok rito sa kwarto ko? Ayokong may ibang tao rito. Palabasin mo na siya mommy. " Asik ni Sofia at inutusan pa ang ina.
Tumingin si Luisa kay Arjay at tinanguan naman ni Arjay ang mommy ni Sofia.
" Ang sabi ng parents mo mapagmahal at mabait kang anak. Nawalan ka lang ng paningin pati ata pagmamahal at respeto mo sa magulang mo ay nawala rin. Iniwanan ka ng boyfriend mo pero ang mommy at daddy mo ay nasa tabi mo pa rin. Maswerte ka dahil nandiyan sila lumalaban para sayo pero ikaw nagmumukmok at ayaw makakitang muli kahit may chance na maibalik ang paningin mo ay ayaw mo dahil lang sa hiniwalayan ka ng boyfriend mo. What a shame Sofia Alcantara, hindi lang iisa ang lalaki sa mundo. Isipin mong blessing in disguise ang pagkawala ng paningin mo dahil napatunayan mo kung gaano lang ang pag ibig sayo ng lalaking duwag na katulad ng boyfriend mo. Hindi ka niya lubos na mahal dahil kung mahal ka nya hindi ka iiwanan non sa pinagdaraanan mo bagkus ay aalagaan ka at pipilitin na mag pa opera. Ang tanga ng boyfriend mo pero nakikita kong bagay nga ata kayo pareho kayong tanga! "
Napaawang ang labi ni Mrs. Alcantara sa narinig niyang sinabi ni Arjay kay Sofia.
Namula naman sa galit si Sofia kaya inabot nito ang mga unan at ipinagbabato sa harapan niya.
" Lumabas ka rito , labas! " galit na galit na utos ni Sofia.
" Tita, sa sala na po muna ako. Sana matauhan yang pinakamamahal ninyong anak na kinalimutan ata kayo ni Tito Manuel dahil lang sa na heartbroken siya. Ayaw niyang kaawaan siya ng ibang tao pero siya mismo kinakawawa ang sarili. Tsk hindi na pagkabulag ang problema mo rito Sofia kundi ang sarili mo. Hindi ko kakaawaan ang tulad mo. Kung may kaawaan man ako rito siguro sina Tito Manuel at Tita Luisa na lang kaysa sayo na hindi sila pinapahalagahan. " Seryoso pang wika ni Arjay kay sofia atsaka ibinaling ang tingin kay Luisa na nginitian nya, na tinanguan naman sya ng ginang.
" Bwiset kang lalaking pakialamero! Umalis ka rito antipatiko ka!. Wala kang alam sa nararamdaman ko, Mom paalisin mo na sya! " pa asik muling sabi ni Sofia na dinig pa rin ni Arjay kahit nakalabas na siya ng silid ng dalaga. Napapailing na lang si Arjay na bumalik sa sala.
" Naka alis na siya Sofia. Tama na anak! " pag aalo ng ina sa kanya. Na ikinahinahon na niya ng malaman na wala na ang lalaki sa silid nya.
" Mom, iwan mo muna ako, gusto kong mapag isa. " hiling ni Sofia sa ina.
" Okay sige, kung may kailangan ka tawagin mo lang ako anak ha. Mahal ka namin Sofia ng Daddy mo kaya naiintindihan ka namin. " humalik pa ang ina niya sa kanyang noo bago siya iwan nito sa kwarto niya.
Dumiretso si Luisa sa sala at nakita niya si Arjay na pinagmamasdan ang solo picture ng anak niya.
" Ang ganda nya di ba? " nakangiting saad ni Luisa kay Arjay na mabilis na inilapag ang photo frame sa kinalalagyan nito kanina.
" Tita, sorry kanina sa mga sinabi ko sa anak nyo. Alam kong mahal kayo ni Sofia pero dahil sa sakit na nararamdaman niya ay hindi na nya kayo naiisip pa. Ginamitan ko siya ng psychology kung hindi gagana sa kanya i re reverse ko hanggang sa maka realize siya. Sana naintindihan mo Tita Luisa na para kay Sofia ang lahat ng sinabi ko para matauhan siya. " hinging paumanhin at pagpapaliwanag ni Arjay.
" I know what you did Arjay and thank you. Salamat, dahil sayo ay naiparating kay Sofia ang nararamdaman naming mag asawa. Wala kaming lakas ng loob ni Manuel na sabihin sa anak namin ang mga sinabi mo. Gusto ko man magdamdam sa kanya ay hindi ko magawa dahil saksi ako sa pagmamahal ni Sofia kay Carl. Handa na nga siyang maikasal sa nobyo nya, hinihintay lang nya na alukin siya nito ng kasal.
Tama ka rin sa sinabi mo na baka nga ipagpasalamat pa ni Sofia ang pagkabulag nya pagdating ng araw. Dahil sa ginawa ni Carl ay nalaman namin na hindi siya talaga mahal nito. " pahayag naman ni Luisa kay Arjay.
Nagpamulsa si Arjay at muling pinagmasdan ang larawan ng dalaga sabay buntong hininga.
" Hindi deserve ng lalaking yon ang pagmamahal ng anak nyo tita!. " saad ni Arjay na may halong inis sa pagsasalita.
" Kumusta ang pagsusuri mo sa mata ni Sofia? "
" Base on her records she needs an eye operation. Kailangan nya ng donor para maisagawa ang operasyon tita. Malaki ang na damage sa mata nya at tanging corneal transplant lang ang solusyon para makakita siyang muli dahil malala ang damage ng kanyang mga mata at kung hindi maagapan baka tuluyan nanga niyang ikabulag. Kailangan natin na mapapayag agad si Sofia na magpa opera. Tutulong kami ni ninong Rodrigo na makahanap ng eye donor sa ospital. " ani ya sa ginang na ikinatango tango nito.
" Sana ay pumayag na si Sofia ng hindi na siya nahihirapan pa. Nasasaktan akong makita siyang ganyan na gusto ng sukuan ang buhay dahil sa pagsubok na dumating sa buhay niya. Tulungan mo kami Arjay na mapapayag ang anak ko. pakiusap! " ani ni Luisa.
" Hindi nyo na po kailangan na makiusap sa akin. Ill do my best para matulungan kayo ni tito Manuel, tita. " saad ni Arjay.
Samantala si Sofia naman ay tapos na sa pag iyak. Natauhan siya sa sinabi ng lalaki sa kanya kanina pero nagpupuyos pa rin ang kalooban niya para rito. " That bastard! ang lakas ng loob na pagsabihan ako. Ang kapal ng mukha niya! " inis na wika niya sa kanyang sarili.