TYRON POV Isang buwan kaming isinalang ng baby impaks ko sa mga training niyang nakakamatay. Narito parin kami sa Quezon at sa tabing dagat kami madalas mag-ensayo. At take note nyo toh, madalas rin kaming lunurin ng baby impaks ko. Maging si Basty ay nakaranas ng kalupitan kay impakta. Nangailangan pa nga ito ng CPR dahil sa hindi ito nakatagal sa tubig. Ang dami kong tawa sa kanya!! Pero alam kong hindi naman yun mamamatay dahil masamang unggoy yun!!! Bwahahhahaha! Di parin ako makamove on! Nalunod ang gago! Pero siempre si Mike ang nagCPR at hindi si impakta ko!!! Ano sya!? siniswerte? To the rescue si Mike ofcourse! Mawawalan siya ng bodyguard kung hindi nya bubuhayin ang kabuddy niya. May pagkapilyo lang rin talaga ako dahil sa si impaks naman talaga ang magccpr nun

