bc

MY BEAUTIFUL BODYGUARD S1

book_age18+
5.2K
FOLLOW
18.7K
READ
arrogant
sporty
mafia
gangster
heir/heiress
sweet
bxg
sword-and-sorcery
crime
discipline
like
intro-logo
Blurb

My Beautiful Bodyguard

Ang kanyang pamilya ay nabibilang sa isang organisasyon na nagbibigay serbisyo sa mga mayayamang tao na nangangailangan ng proteksiyon maging sa ahensya ng anumang gobyerno. Ang organisasyon na ito ay kilala sa tawag na ACES TARGET sa bansang France.

Isa si Adira Jones na nag-iisang anak ng president ng organization na sinanay ng kanyang angkan upang maging mahusay at mabilang sa mga aces of agent. Hindi maikakaila ang liksi at talinong taglay niya sa lahat at bukod dito ay may natatangi siyang gandang nakatago sa likod ng kanyang maangas niyang mukha.

At sa kauna unahang pagkakataon ay papasok siya bilang bodyguard sa bansang Pilipinas sa isang young heir master ng Smit family. At magagawa nya lamang ito sa pamamagitan ng pagbuntot niya sa binata sa loob ng university.

Paano niya proprotektahan ang kanyang amo na walang ginawa kundi ang lagi siyang takasan at minsan naman ay siya ang laging pinagtritripan?

"Para siyang hipon na ang sarap pugutan ng ulo at sipsipin ang bawat katas nya ghhhrrrr! Kupal na bugok ang itlog! Ito ka sakin! " sigaw ng isip ni Adira na itinaas pa ang mga kamay niya sa posisyong f**k you.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"Adira! Make it faster! Move! " sigaw ni Andrew. "Move! Run! Another 10 kilos!!! Make it again! 10 more rounds!" sigaw ni Andrew sa kanyang anak habang pinatatakbo ito sa dalampasigan na may kasuotan na nagtitimbang ng fifty kilos na bukod pa ang 30 kilos na bigat ng gulong na hila hila niya habang tumatakbo. Seryuso naman ang mukha ni Adira sa kanyang ginagawa at tagaktak na ang pawis nito sa kakatakbo. Mas lalo kasi niyang pinagbubuti ito dahil ang kanyang ama na mismo ang nagsasanay sa kanya. Ito ay isang paghahanda para sa kanya dahil sa isang napakayaman at makapangyarihan ang kanyang babantayan, at sa kanya naatasang ibigay ang trabahong iyon ng kanyang ama. Lahat ng miyembro ng Aces Target ay nagtataglay ng pambihirang lakas at talino. Isa si Adira sa pinakamahusay na trainee ng Aces Target Organization. Bihasa ito sa paggamit ng baril lalo kung malayuan ang target. Kung gaano kabilis kumilos ang kanyang katawan ay ganun rin kabilis ang kanyang mata sa lahat ng bagay tulad ng isang agila. Isa rin siyang black belter taekwondo. Lahat na ata ng martial art nito ay nagtataglay ng kakaibang liksi at lakas. At may isa pa siyang pambihirang kakayahan sa lahat. Ito ay ang galing nitong lumangoy at sumisid na kayang niyang tumagal sa ilalim ng tubig ng hindi humihinga ng tatlumpong minuto kumpara sa normal na tao na dalawang minuto lamang ang kayang itagal. Ito ang natatanging taglay ng mga Jones sa kanilang dugo. Isang pranses ang kanyang ama at ang kanyang ina naman ay isang pinay na bisaya. "Vous arriverez aux Philippines dans l'après-midi Adira. Et une fois que vous y êtes, vous n'avez rien à faire, mais assurez-vous simplement de protéger votre cible. Il ne tient qu'à vous de le protéger selon le père de cet enfant. Marami ng sumukong bodyguard dahil sa taglay na kapilyuhan ng batang yan Adira, so his father gave us the right to discipline his son." mahabang pahayag ng ama sa anak. -You will arrive in the Philippines tomorrow afternoon Adira. And once you're there, you don't have to do anything but just make it sure, protect your target. It is up to you to how to protect him according to the father of this child. - Ito ang bilin ng kanyang ama sa kanya matapos ng isang Linggo nilang pagtraining ng personal. "I will papan. " maikling sagot lamang niya sa ama. "Are you ready? I am going to cut your hair now. " Napabuntong hininga na muna siya bago sumagot. "Papan, mananatili pa naman akong prinsesa mo diba!? " Napatawa ng malakas si Andrew sa tanong ni Adira. Malambing na bata si Adira sa kanyang magulang ngunit hindi nababawasan ang bangis nito sa kanyang serbisyo. Magaling magtagalog naman si Andrew kahit na naninirahan sila sa bansang France dahil sa asawa nitong ayaw matutong magsalita ng kanilang lingwahe. "Papan...." pag-uulit na tawag ni Adira sa kanyang ama. "Of course I am! Kahit kalbo ka na anak. Your always be my princess. " Napabuntong hininga muli si Adira bago ito sumang-ayon na. "Sige na nga po. Siguraduhin mo papan, gwagwapo ako dyan! You can cut my hair na. Why should I need to do this pa kasi papan eh? " " You already know the answer princess! " ADIRA POV "Putang ina! " napamura ako ng malutong na sinabayan ng mga tawanan ng mga estudyante sa room na pinasukan ko. Ito ang unang araw ko sa unibersidad ng Manila. Matagal ng nagsimula ang klase ng alaga ko at hito ako ngayon. Kararating lang dahil tinakasan ako ng magaling kong alaga. Di ko akalain na may pagkababoy pala ang mga estudyanteng makakasama ko, lalo na ang aalagaan ko na ang sama ng tingin sa akin. "Welcome to my world hell Ady! " may pang-aasar pa nitong ani sakin. Di ko talaga alam kung kaninong tae ang putang ina na toh. Sino kaya ang pinatae nya sa mga nandito. Animal!!! Ang balat kong sapatos na regalo ni papan pa ang nabinyagan ng istupidong tae. "Sino sa inyo ang damuhong na dito pa tumae sa may pintuan!? " matapang kong tanong sa mga naroon ngunit tumawa lamang sila. Nagngangalit ang aking mga bagang sa inis at galit. Muli akong lumabas at naghugas ng aking balat na sapatos. Matapos ko itong gawin ay pinalagtok ko ang lahat ng buto buto ko sa katawan at muling pumasok. Wala na roon ang mabahong something na yun. Kailangan kong kumalma. Nakablack jeans ako at black shirt na panloob at pinatungan ko ito ng puting polo. Bantay ako at hindi estudyante kaya may angas parin ang dating ko. May access lamang ako sa university na ito na magset in sa kanila. Wala akong dalang gamit dahil wala akong pakialam sa klase. Narito ako upang bantayan lamang ang siraulong batang iyon na subrang kapal ang eyeliner sa mata at punong puno ng hikaw ang teynga. Addict kung tingnan. Gwapo sana pero gago. Kapapasok ko lamang ulit ng isang bola ng baseball ang parating sa aking mukha at agad ko itong nasalo at muli kong ibinalik ang bolang iyon sa taong bumato without knowing who the hell is he. Sapol. Lalaki. Tulog. Huwag na huwag nilang uubusin ang timpi ko gayung hindi pa nawawala ang inis ko dahil sa p*tang inang taeng iyon. Wala akong imik na tumungo sa likuran ni Tyron. "Hey you men, pwede bang ako nalang dyan!? " nakayuko kong kinausap ang lalaking payatot na nasa likuran ni Tyron na agad namang tumayo at nagmamadaling umalis at lumipat lamang sa tabi ko. Hindi pa man ako nakakaupo ng maramdaman ko ang mabilis na kamay ng tauhan ni Tyron. Oo tauhan at hindi barkada dahil sunud sunuran rin ang mga ito sa kanya. Hinayaan kong hawakan nila ang kamay ko upang malaman ko kung gaano kalakas ang mga ito ng nagawa nga nila akong pabaliktarin. May binalak nga sila. "Done testing! " bulong ng isipan ko at mabilis akong nakatayo. Pinaikot ko lamang ang aking paa sa ere sapat lamang sa tatlong mukha kasama na si Tyron sa mga iyon na tinamaan at sabay sabay na silang natumba. Babawe pa sana ang mga ito sa akin hanggang sa dumating na ang professor ng room na yun. Sakto ang pagsipa ko.., at alam kong may tae pang kakaunti ang aking sapatos. Nakita ko pa si Tyron nainaamoy amoy ang kanyang mukha. "Smell good Tyron!? " panunukso ko. Ito lang ang nakakatuwa sa paaralang ito. Lahat ng mga guro dito ay ginagalang. Tahimik akong umupo sa aking upuan habang ang tatlo ay hawak hawak ang kanilang mga mukhang tinamaan ng balat kong sapatos na tumayo narin at tahimik na umupo sa kanilang upuan. Masama ang mga mata ni Tyron na tumingin sakin kung kayat sinipa ko ang kanyang upuan upang balaan siyang huwag akong susubukan. Pesteng yawa sya . Badass ang nanay ko at bisayang hangal yun habang ang tatay ko naman ay isa sa mga siga noong kabataan nito kaya huwag na huwag akong mamaliitin ng inutil na lalaking ito lalo na ang usapan lamang sa pagitan ng aming agency ay ang proteksyunan sa kaaway at ako naman ay bantay na malaya kong gawin ang lahat, madisiplina lamang ang ugok na ito. "Welcome to my world Tyron Smit! " pang-iinis ko pa dito na nagpangalit ng kanyang mga ngipin. Ayaw nya kasi akong lubayan ng masama nyang tingin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook