( WARNING NA PO. MORE BADASS WORDS PO ANG NILALAMAN NG STORYANG ITO KAYA PASINTABI NA PO AGAD.
SIPAGAN DIN PO SANA KAYONG MAGCOMMENT PARA SIPAGAN DI PO AKONG GUMAWA NG MORE FREE TO READ STORIES HEHE TY. )
CHAPTER 2
ADIRA POV
Ang hayop na kupal tsk tamad mag-aral. Di ko na mabilang sa kamay ko ang ilang beses niyang paghikab.
At di ko rin mabilang na ilang beses siyang napapaout-balance sa kanyang upuan dahil sa nakakapikit na ito kung hindi ako nagkakamali.
Unang klase palang ito sa umaga pero para siyang studyante na sa hapon.
Gayung alas otso kagabi, sa una naming pagpangita ay maaga pa itong pumasok sa sinasabi nilang kwarto nito sa third floor na kitang kita ko mula sa first floor.
Hindi ko lang alam kung may nilakad pa ito dahil sa sinama ako ng kanyang ama sa night meeting nito sa Shangri-la at doon sinubukan ang galing ko.
May apat na palapag ang bahay nila sa Alabang. Victorian style ang kabuuang yari ng bahay na akala mo ay modern palace. At ang unang palapag nga nito ay nagmistulang ballroom ground. Idagdag mo pa ang dami ng katulong ng bahay na yun.
Mga taga Amsterdam ang pamilya Smit. Dahil sa anak ng isang dutch itong inaalagaan ko at isang pinay naman ang ina kung kayat ang mukha niya ay sabihin na nating mukha syang paa! tae nya! baweset!
Parehong negosyante ang magulang nito at malala pa dyan ay minsan lang magpangita ang tatlo. Katulad ngayon ay out of the country si Mr. Smith at ganun din si Mrs. Smith. Ang ending ginawa akong nanay at tatay ni Tyron na pati ngayong gabi ay kailangan kong emonitor.
Saklap!
Akala ko makakapagpahinga ako pagdating ng alas otso ayon sa duty hours ko.
"Haiiist siete! " bulong ko dahil sa hinihikab narin ako.
Nahahawa na ata ako sa kaantokan ng ungas na si Tyron. Kaya ang ginawa ko ay nakinig nalang ako ng topic nila.
Tyron taking up Bachelor of Science in Petroleum Engineering. Ang putcha hindi ko naman makitaan na seryoso sa four-years degree program na pinili nya.
Tutulog-tulog!
Napaka-interesting ng kurso niya kasi BSPE is concerned with the extraction of oil, petroleum, and other natural gases from the earth and their subsequent delivery to processing facilities as well as the design and development of new technology that will speed up the process.
It begins with general education, preparatory math and science, and introductory petroleum engineering courses.
The final two years of the program involve more specialized courses, such as geology or well drilling. Pero ang tanong, kakayanin nya kaya? gayung ang daming nagdrodrop out ay shifting sa kursong toh.
Wag ka! may alam din ako dyan kasi tapos si papan sa kursong ito at isa si papa sa mga kinikilalang petroleum engineering sa bansang France. Kaya nga limpak ang kwarta ko dhay! Ganyan kapag solong anak bwahahahaha!
Hindi porket leader si papa sa organisasyon ng ACES TARGET ay wala na itong profession. Maging ako ay tapos rin ng BS Management Accountancy.
Dirty works lang talaga namin ang sa likod ng ACES.
Nasa unang antas palang si Tyron. He is just eighteen years old but mukha ng old! Abah mas dinuble ang pagkabusangot at yabang ng mukha! While I'm twenty three years old pero ofcourse hindi mahahalata sakin dahil sa more in training ako at napapanatili ko ang tikas at angas ko.
Trigonometry ang unang klase nila at napapangisi ako sa tinatackle nila ngayon dahil nakakatamad as in. Kaya lang ng biglang tinawag si Tyron ay mas lalong nakakatamad dahil wala man lang itong naisagot at bukod pa roon ay inabutan na ito ng standing position. Tanga lang.
"What are the basics of trigonometry Mr. Smith eh? Ashole! Simpleng tanong tinulugan mo o wala talagang alam? " pang-aasar ni kanong hilaw.
Parang ako lang!
Nakita ko ang bukol sa kanyang noo. Ito ata ang bumato sakin kanina! anak ng ulupong! Huh! Malas nya!
Ilan pa kaya silang susubukan ang pagtitimpi ko?
Ang sama pa ng tingin nya sakin.
May angas ang mga dating nila at masasabi kong I'm belong. Ito ang gusto ko! Walang klase. Dapat dito ako nag-aral ng college noon eh! eh di sana hindi naging boring ang college life ko inside.
Kapansin pansin na walang babae sa klase na toh. Walang henyo ei? Boys only?
Napapaisip talaga ako kung bakit kailangan kung magpanggap na lalaki rin eh, sa looks ko huh. Pati buhok ko, nadamay.
Si papan lang naman ang nagsabi sakin nito gayung hindi naman ito exclusive na paaralan sa mga lalaki lang. Pero pansin ko lang talaga na mga maaangas ang mga kalalakihan dito.
"I - don't- care! " walang anong sagot ni Tyron saka ito lumakad palabas na sinundan ng dalawa.
Sumunod ako sa tatlo sa kanilang likuran although hindi ko alam kong nananadya pa ito dahil sa humikad pa siya sa harap ni kanong hilaw.
Pinakikiramdaman ko kung bakit kami pumunta sa di kalayuan sa building.
Wala akong mapa nito eh! Ngayon ko palang pag-aaralan!
Bandang likuran ito na bago marating ang maze na aming pinuntahan at nagtatayugan ang mga puno sa paligid na parang may sinasadyang ikinukuble ito roon.
Napakalawak na hardin kung baga at sa kalagitnaan ay napansin kong may end zone dito na nasasagapan ko ng bad vibes.
Hindi nga ako nagkakamali dahil ito na nga ang lungga ng apat na fraternity sa loob.
Ang HELL na pinamumunuan ni Mike kung saan dito naman miyembro si Tyron. Ang FATALITY na pinamumunuan ni Seb, SHADOW na pinamumunuan ni Brandon, at ang EMPIRE na pinamumunuan ni Greg.
Ayon sa nakalap kong impormasyon ay mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang mga ito. May sarili sarili silang layunin. Nagpaparami rin sila ng mga kasapi at kahit mga graduate na ay wala paring takas na makakalaya ka sa samahan dahil pati sa labas ay naghaharian din sila.
Ayon sa contract ko as a bodyguard, just protecting him lang ang trabaho ko at di ako pwedeng pumasok at makialam sa kanila.
Pero ngayon palang ay napapalunok na ako dahil may mga nakikita akong di gusto ng aking mga mata.
PAKIALAMERA ako kung minsan....
This. University. Is HELL!
"f**k it! I don't want to be a part of it! back off!" sigaw ng isang lalaking sa tingin ko ay nasa twenty two years old na.
"Are you really sure!!!? " may diin na ani ni Greg.
Si Greg Black, ayon sa data ko ay isang fourth year BS Civil Engineering. Sa school na ito ay siya ang leader ng Empire, pero sa labas ay ang kanyang ama.
Sa nakikita ko ay may sampung miyembro ito ngayon sa kanyang likuran.
Mga sanggano kung tingnan ang mga estudyanteng ito sa likod pero pormal naman kapag nasa harap na ng school.
Misteryo para sa akin kung bakit pormal ang mga ito sa harap. Kailangan ko paring pag-aralan.
Ang zone na ito ay kapansin pansin na may mga territory. At nakaagaw lang ng pansin sakin ang kay Greg habang ang iba ay busy sa gambling na ginagawa nila.
Nakita kong tatalikod na ang lalaki ng bigla nalang itong humandusay sa sahig at pumutok na agad ang labi nito sa lakas ng suntok. O maaaring malambot lamang ang nguso niya diba.
Binigla eh.
Walang damit na estudyante ang sumuntok rito. Feeling macho. Pero ang lakas ng angas.
Pansin ko lang karamihan sa studyante dito kay lahi.
Naramdaman ko naman na may sisipa sa aking likuran kung kayat mabilis akong sumirko sa ere at nalaman ko kaagad ang nagtangka noon.
Wrong move ka ungas!
Hayop na toh!
Malakas senses ko kupal!
Sa kanya ko napiling lumanding at isang headbutt ang sinalubong ko sa ulo nya. Napaupo ito sa pagkahilo.
Hard headed din ang kupal.
May pitong lalaki na agad sa paligid ko na parang gago lang at ako ang target nila habang si Tyron nakangiting parang aso na nakasandal sa wall.
Kailangan ko naring magpainit ng katawan kung tutuusin. Pampainit lang naman. Sila ang unang naghamon. Kaya naman ang kilos at galaw ng mga kulukoy na toh ang gagamitin ko sa grupo ni Greg.
Nakita kong sisipain sa mukha ng tauhan ni Greg ang lalaking nakahandusay sa sahig ng matyempuhan ko ang tauhan ni Tyron na ako ay susunggaban kung kayat mabilis pa sa alas kwatro ang kilos ko.
Nagkaroon ako ng rason upang maitulak ko ito ng dalawa kong paa sa pagspin ko gamit ang bilis ng pag-angat ko sa sahig patungo sa taong iyon na nakapagbigay ng alarma kay Tyron ng tumilapon ito sa teritoryo ni Greg. .