CHAPTER 3

1232 Words
ADIRA POV Patay ang emosyon na pinupukol ko sa mga nakapaligid sa akin. Hindi mo masasalamin kung ano ang pumapasok sa isipan ko dahil kapag may ganitong laban ay may sariling isip ang aking katawan na minsan ay hindi ko makontrol. Isa na dito ang -- pumaslang. Napaangat ang ulo ko ng bahagya at bahagya ring kumunot ang aking noo. May problema ako. "Goddamnit! " nausal ng labi kong ako lamang ang makakarinig. Dito masusukat ang pagtitimpi ko. Maaari akong makipagbasag-ulo ngunit konektado lamang sa trabaho ko, walang personalan. Mga estudyante ang mga ito! Walang p*****n. Bweset. Bugbugan lang! Ito ay trabahong galawan lamang. Away studyante, ang pusang gala! "Ang lupit mo sakin papan!" sigaw ng isip ko. Kaya pala paulit - ulit na sinasabi sakin ni papan ang salitang just protect the TARGET which means my boss life, nothing else! Sa CAMPUS na toh? Can I drag them out in here? Sa labas. Walang admin na makikialam diba? "f**k s**t! " sambit muli ng bibig ko na ako lang ang makakarinig. A-ni-mal! Di man lang pumasok sa isip ko yun! Ano pang silbi ng training ko! Nakakainis! Ang ACES TARGET ay TARGET nalang! Nawalan ako ng hustisya sa ASSASINATION THE CRIMINAL WITHOUT EVIDENCE SIGHT! This is stupid but yeah.... Sinusubukan ako ni papan sa trabahong ito ei!? Huh! Alam kasi niyang sa galawang paslangan ako bihasa at hindi sa de puta na - teyka-teyka- Ngunit ang pesteng yawa na katulad nito ay pumapasok ang salitang code of disipline ni Tyron ei? Kapag ganun may rights ako.... Oo nga... bakit hindi.... Protektahan.... at disiplinahin. Kung may p*****n na? Eh di magpatayan! Pagsabayin. Dito napangisi ang labi ko. Dahil nakapasok sa territory ang miyembro ng Hell ay magkakaroon ng dwelo sa pagitan ng dalawa. Sa data na hawak ko- Ang HELL fraternity ay samahan ng mga anak na malalaki ang share sa paaralang ito. Layunin lang nilang manggulo. Sila ang DESTROYER at sabihin na nating sila ang umaastang the KING pero hindi sinasang-ayunan ng tatlong grupo. At ang EMPIRE fraternity naman ay samahan ng mga nagmamanipyula ng buo mong pagkatao. Mahilig manakop at magpaikot. Sila naman ang the PLAYER ng university. Hari rin kung ituring. Pero huwag ako. Mas lalo na itong alaga ko. Proprotektahan ko lamang siya at hindi nya ako alipin. Ang FATALITY fraternity naman ang samahan ng lakas. Madalas sila ang pumapagitna. Sila ang the JUDGE. Bihasa sa martial arts at you must bow your head. Tang ina nyo! Eh di kayo na! At ang SHADOW fraternity naman ay samahan ng mga nag-aaral ng batas. Sila ay kilala sa samahan ng mga patalikod kung tumira. Tahimik at tuso. Walang sinisino. At saan ako? The protector! Natural! At ang laban na ito ang panimula. So, the duty is on. The destroyer vs. the player. Biglang lumabas ang mga miyembro ng the Empire. Nacorner na agad nila ang lalaking sinipa ko at may mga ngisi na agad sa labi na animoy mga d*monyo. Mabilis namang nakatayo ang lalaking nakahandusay kanina sa sahig. At patakbo na itong umalis palayo sa lugar. Kapag ganitong may laban ay nawawala na ang teritoryo. Huwag mo lang silang kakatiin at ng hindi sila sumali sa gulong ginawa mo. Ang mga umaligid sakin kanina lang ay umalarma. Kasama na dito si Tyron na dumilim ang mukha at galit itong nakatingin sakin bago inilihis ang tingin sa grupo ni Greg. I must protect the target. Bukas ko na pag-aaralan ang iba pang detalye ng policy nila. Hindi na biro toh dahil ang mga estudyanteng ito ay may mga hawak ng pananggol. Laro na toh gago! May mga baseball bat. Habang ang iba ay may mga arnes stick at kung ano ano pang bitbit. Sali ako! ako ang coach! Mga duwag! BUT THE GAME IS ON! Samantalang ang grupo naman ni Tyron ay naghubad ng damit at ito ang kanilang gagamiting armas. Labasan ang abs. Ang mamacho. Busog ang mga mata ko. Magaling pero may ibubuga naman kaya? Gusto kong makita kung paano lumaban ang grupong ito. At una sa lahat ay kailangan kong hindi lumayo sa alaga ko. Nakita ko agad ang bolang itinira ng kabilang kupunan patungo kay Tyron. Ang baseball. Dahil sa taglay na talas ng mga mata ko ay kumakalkula na ito ng mga bagay sa paligid at mabilis kong nakita ang cellphone na hawak ng di kalayuan sa akin ng kamiyembro din ni Tyron. Tanga lang, sinong katext pareh? backup!? At sa mabilis na segundo ay maliksi ang isa kong kamay na hinablot ko ito at mabilis kong inihagis sa ereh. Nagtagpo ang dalawang bagay na isang metro ang layo sa mukha ni Tyron at naagapan rin niya ang mga nagkawatak watak na parte ng cellphone na tumalsik dahil sa malakas na impact ng bola. "Gulat ka bata!?" mensahe ng mata ko kay Tyron ng tumingin ito sakin. Magaling magbat kung ganun ang taong yun. The player nga! May tatlong lalaki na agad na sumugod kay Tyron. Ang alaga ko ay malakas ata pero may kulang..... Si Tyron ang puntirya ng mga ugok! Habang panay ang iwas nito sa baseball bat na hinahampas ng negrong lalaki ay may sisipa sa kanya na bakulaw. May tumitira narin sakin mula sa the grupo ni Greg at may hawak itong patpat. Kailangan kung umiwas dito at tunguhin si Tyron dahil sa tatamaan ng sipa ito ngunit napaikutan ako ng mga malilikot na lumaban at ito pang isa n***o. "f**k! Rambulan ang putik!" sigaw ng isip ko. At hindi ko na nga malaman kung sino ang kaaway o hindi, dahil pare pareho silang hubad sa harap ko! Basta may hinablot akong baseball bat matapos kung balian ang wrist nito at mabilis kong itinapon iyon sa binti ng bakulaw. Sapol malamang! Ako pa! Nakita ko agad ang puwang na naglalaro sa aking mga mata upang makalabas ako sa naglalabanan. Lumalayo ako sa target ko at hindi pwedeng magalusan yun! Pero bago yun, pinasirko ko muna ang pumupunterya sa akin. At sa ilang kilos ng pag-iwas ko sa brutal na naglalaban ay isa isa ko na lang silang sinapak sa kanilang parte ng batok. Matulog nalang muna sila at ng sa wakas ay narating ko ang dalawang metrong layo mula sa alaga ko. Di puwedeng lumayo. Gusto kong magenjoy pero kailangan mag-ingat dahil on duty ako. Naglalaro ang katawan ko ngayon sa hangin na sa tuwing may nagtatangkang lumalapit sakin ay maagap ko nalang na pinapatulog habang ang isa kong mata ay nakatutok kay Tyron. Sinasalag ng mga bagay kong nakikita ang mga nagtatangkang lumaban sa kanya ng patalikod tulad nalang ulit ng coke in can na walang laman at nagawa kong bigyan ng gravity ito sa pwersang inilaan ko rito. Tulog. Balak ko lang na sa braso ito patamaan ngunit sapol ito sa noo. Katangahan. Lumingon eh. Nakita kong nakaagaw ng pansin ang ginawa kong iyon sa alaga ko kung kayat napalingon ito sakin. Ang tanga nanaman! Mabilis siyang madistract. May isang lalaki sa kanyang likuran na babatirin ang kanyang ulo ng mabilis kong hinablot ang sapatos ng nakatiwarik kong pinatulog na nakaleather pa mandin at pwersahan ko muli itong itinapon. "Pasensya!" ani ko ng sa ilong ito tumama at mabilis na dumaloy doon ang dugo. Tulog na silang lahat maliban sa dalawa. Dito ko nakita si Greg na ngiting ngiti na nakatingin sa akin habang si Tyron naman ay madilim nanaman ang mukha na nakatingin rin sakin. Mga baliw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD