MATAPOS ang namagitang pampainit sa maze zone ay salubong ang mga kilay na binagtas ni Tyron ang pathway pabalik sa PE building.
Halos dalawa hanggang tatlong metro ang layo ng kanyang bodyguard sa kanya dahil isa ito sa rules niya.
Nakararamdam siya ng inis sa mga sandaling iyon sa kakaisip kung ano ang mga pangyayari kanina.
Matapos ang laban ay halos lahat ng mata sa paligid ay nasa kanyang bodyguard at hindi niya ito maipaliwanag.
Isa pa ay bilang lamang sa kanyang daliri ang napatumba niya samantalang sa nakita niya kanina ay nagpatong-patong ang mga nasa tabi nitong knock down at hindi niya malaman kung ito ang may kagagawan.
At ang nakakaluko pa para sa kanya ay tatlo na lamang silang natira sa field.
Pasimple niyang nilingon ang kanyang bodyguard.
TYRON POV
Bigla akong napahinto sa simpleng pagsilip ko sa aking bodyguard.
"What the-! "
Hindi ko man lang namalayan na marami ng nakasunod samin mula sa dalawang grupo nina Seb at Brandon.
Ang mukha ng bodyguard ko ay nasa kalagayang nakakabahala. Malamig at nakatingin ito sakin ng nakakaluko at ngumiti pa ng makahulugan.
Masyado syang kalmado at nagawa pa nitong makapamulsahan. Delikado ang lagay namin gayung nasa likuran parin kami ng building.
Habang ang dalawang grupo naman sa kanyang likuran ay mga seryoso ang pagmumukha na nakatutok lamang sa isang direksyon.
Kay Ady.
"Tol... "
Tinig iyon ni Mike na narinig ko mula sa aking likuran. Mabuti naman.
"New? " tanong nya sakin na kay Ady ang mata.
"Naahhh ah! " sagot ko.
"Dad's dog! " dagdag ko.
At sa sinabi ko ay isang maliit nabagay ang pumukol sa ulo ko. Maliit pero ang impact ay makakabutas naman ng ulo.
"f**k! s**t! Who did that!? " sigaw ko at nasalat ko kaagad ang bukol sa aking ulo.
Narinig ko namang nagtawanan ang nasa paligid ko.
"You!!!? " nanggigigil kong tanong kay Ady.
Ngunit isang mabagsik na tingin ang isinagot nito sa akin.
Kakaiba ito sa lahat ng mga bodyguard ko.
Palaban at ayaw talaga nitong binabastos siya.
Hindi ko pa alam ang mga regulasyon ni dad sa pagitan naming tatlo. Pero ngayon palang ay inaayawan ko na.
"Do it again and I'm gonna kill you! " banta ko sa kanya nama'y diin ang bawat kong salita at muli akong tumalikod.
Humawe naman sila Mike sa dadaanan ko. Ngunit nahuli ng mga mata ko ang kakaibang tingin niya sa kasama ko.
Napahinto akong muli ng pasimple kong sinilip ang aking likuran.
Hiinaharangan nito ang dadaanan ni Ady ngunit wala lang ito sa kanya na lumiko lamang ito at nilagpasan si Mike.
Magkatalikuran na sila ngayon dahil sa tumigil ako at tumigil rin siya.
"Pwede bang akin nalang sya pinsan!? " dinig kong sabi ni Mike.
"Huh! Better! " walang gatul kong tugon.
Ayaw ko talagang may asungot na bumubuntot sa akin. Sabihin na nating hindi lang ako ang taong may bodyguard. Maging si Mike ay gayun rin.
At nakita kong inakbayan ito ni Mike ng walang pasabi ngunit bigla itong bumalibag sa aming harapan habang namumula naman ang pisnge ni Ady.
"Ahhhhh!!! f**k it! " sigaw ni Mike
Nakita ko pang lumuhod ang isang tuhod ni Ady at may ibinulong ito sa kanya saka siya muling tumayo at bumalik sa dati ang malamig nitong mukha.
Nakakabinging halakhak naman ang maririnig sa paligid mula kay Mike.
Napabuntong nihinga naman ako at napapalaro ngaun ang aking dila sa aking bibig sa matinding pag-iisip kung ano ang mayroon sa kasama ko.
Maging si Mike ay mabilis niyang napatumba.
"Huwag mong sabihing pati sa pagbihis ko ay susundan mo ako!? bakla ka ba? "
Nakita kong nagitla ito sa sinabi ko at ang bilugan niyang mata na kulay abo ay malinaw kong nakita. Bigla itong tumalikod sakin at naglagi sa isang poste at doon na lamang tumambay.
Nakapamulsahan ang kanyang mga kamay at pasimple pa itong tumingin sakin.
Napakaweird ng taong yun.
Pumasok na ako sa locker room at naisipan kong magshower na muna ng mabilis dahil sa nanlalagkit ako sa pawis na inukol ko kanina sa laban. Isa pa ay may klase na naman ako.
Hindi na ito pumasok sa aming classroom at hindi ko alam kung saan ito tumambay.
Mainipin rin pala.
Ayaw ko man siyang hanapin ngunit nahihiwagaan ako sa lalaking yun.
May kakaiba sa kanya na hindi ko maipaliwanag.
Hindi ko matandaan kung anong tunay nitong pangalan pero maswerte siya dahil sa natatawag ko parin itong Ady ng tawagin siya ni daddy.
Ako ang taong walang pakialam sa mga pinabubuntot sakin ni dad pero kagabi ng nagtama ang aming mga mata ay may kakaiba na agad akong naramdaman para dito.
Tumaas ang mga balahibo ko sa batok dahil sa paraan ng pagtingin nya sakin. Naka all black pa ito na nagpatingkad sa kanyang aura na nakakapanindak.
Gising na ako sa oras ng klase kung kaya't bumalik na sa normal ang utak ko. Kinulang lang ako ng isang tornilyo kanina dahil sa nagkaroon kami ng laban kagabi at madaling araw na ako nakabalik. At tama lamang ang pampainit na yun kanina upang magising ako.
Mamaya ko nalang babanatan ng tulog ito after lunch.
"Master, ang sakit ng batok ko, feeling ko nabalian ako ng leeg kanina! " ani ni Matthias na kamiyembro ko at katabi ko ngayong kumain sa mahabang mesa na kami lamang ang laman habang ang iba ay nagsusumiksik sa ibang table.
"Ni hindi ko masino kung sinong tumira sakin, ang putang ina! Malaman laman ko lang kung sino ang gago na yun ay babalian ko talaga ng buto ang gagong yun! " dagdag pa nito.
Samantalang si Valmor at tahimik na nakatingin sa may likuran ko at sinasapo nito ang kanyang panga na alam kong ito yung tama ng paa na Ady kanina na wari ko'y napangalawahan.
Wala kaming kinalaman sa tae nayun kanina. Yun lang ang masasabi ko.
"Si Bossing! " si Valmor na nakatingin sa entrada.
Si Mike ang tinutukoy nito.
Hindi na ako lumingon dahil kita ko namang dumeretcho na ito sa counter. Nakakapagtaka lamang dahil ang dami nitong dala sa kanyang tray na hindi normal sa aking mata matapos manggaling sa food area.
Umalis si Matthias sa tabi ko dahil alam na nitong tatabi sakin ang pinsan ko. Ngunit lumampas ito samin sa di ko malamang dahilan.
Ang pinuntahan nito ay ang gawi ni Ady.
Lahat ng mga mata namin ay nasa kanila. Hanggang sa pumasok ang grupo ni Greg.
Hindi pa tapos ang laban namin kanina dahil alam kong nangialam si Ady at mabilis rin itong nakatulog kanina sa field sa di ko malaman kung sa papaanong pangyayari nanaman iyon.
Ang malaking pintuan ng canteen ay biglang isinara.
Ang mga inosenteng studyante ay tahimik na nagsipagtabi.
Ang mga maaangas na kalalakihang katulad ko ay nanatili sa aming kinauupuan.
Ang mga mata niyang may kakaibang ningas ay kay Ady nakatingin. At dito ko rin napansin ang band aid sa noo nito.
Napasapo tuloy ako sa aking ulo na may bukol.
Pinag-iinitan nila ang buntot ko.
Bumalik ako sa aking pagkain dahil ibig sabihin lamang na hindi ako ang kanilang sadya .
Narinig ko na lamang ang pagdrible ng bola mula sa entrada at kasabay nito ay ang narinig kong pagbasag ng kung ano man sa bandang likuran ko na parang naulit lang kanina, magkaiba lamang ang posisyon ng mga bagay na nagsalpukan.
Ako ang punterya!
"f**k! " sigaw ko sa gulat at tumingin sa ako sa gawi nila at lahat sila ay halos nanlalaki ang mga mata.
"Goddamnit Greg! Can I have a proper lunch! " sigaw ko.
Sa sigaw kong iyon ay sunod sunod namang bola ng baseball ang parating sa akin na hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin.
Madugas talaga ang grupo ni Greg!
Ang nagawa ko na lamang ay salagin ito ng aking mga braso na itinakip ko sa aking mukha ngunit sunod sunod rin na kung ano ang mga nabasag sa aking harapan.
Walang bolang tumama.
Sa muli kong pag-angat ng aking paningin at may rambulan na sa aking harapan. Si Greg laban kay Mike. Habang si Ady ay umiinom ng soya milk sa aking tagiliran at ang mga abo niyang mata ay naglalaro sa paligid.