WALANG NAKIKIGULO, WALANG nakikialam kapag parehong leader ang nagsasalpukan. Ito ang naoobserbahan ni Adira.
At ang unang lumilikha ng gulo ang liable sa mga nasirang gamit. Ganito ang isa sa mga rules ng university.
Ang salpukan ay walang masasabing panalo. Natigil lamang dahil sa umere ang isang boses mula sa bass speaker na nakakabit sa bawat sulok ng wall.
"Enough! "
Isang salita ngunit makapangyarihan.
Bumalik sa normal ang loob ng kantina. Ang grupo ni Greg ay lumabas narin at ang ibang nawalan ng ganang kumain ay gayun rin ang ginawa.
ADIRA POV
Nasa taas ako ng puno ngayon samantalang ang alaga ko ay mahimbing na natutulog sa ilalim kung nasaan ako naroroon.
Walang gagalaw sa kanya sa baba dahil nasa harapan naman ng eskwelahan na toh ang puno ng mangga na may katayugan dahil sa katandaan.
Mula sa baba ay nasasagap ko ang masamang titig sakin ni Valmor hanggang sa pumikit narin ito at naidlip.
Maya maya pa ay may mga tumabi sa mga ito at tahimik lamang na nagpalipas ng oras.
HINDI na ako pumapasok pa sa loob ng kanilang classroom. Kinabitan ko na lamang ng tracker device si Tyron kung sakali mang nakalingat ako at lumabas siya ng classroom. Ang tracker na yun ay mayroon ding mini microphone kaya namomonitor ko ang likhang tunog sa kanyang paligid.
Matino naman ang mga estudyante kapag nasa loob ng klase, kung kayat ang gagawin ko ngayon ay papasukin ko muna ang website ng eskwelahan gamit ang aking cellphone. Mabuti na yung may alam keysa bantay lang, lalo na't mga sangganong mayayaman ang nasa eskwelahang ito.
Isa pa ay tanaw ko mula sa kinaroroonan ko ang panget na mukha ni Tyron.
Akalain mo nga namang pinapahanga ako ng gong gong na yun sa recitation dahil sa hindi pa ito pumapalpak since bumalik ito sa klase. Nakikinig din pala.
Una kong pinasok ang website ng guidance record. Agad kong dinownload ang mapagkukunan ko ng kunting kaalaman sa ibang bagay bagay.
Sinunod ko ang registration office at kinuha ko rin ang mga record ng mga estudyante sa loob ng makita ko muli ang lalaking sinapak kanina sa maze zone. Nasa pathway ang mga ito.
Nakita kong inakbayan siya ng taong sumapak dito kanina at nakita kong pumapalag ito ngunit dinikdik naman ito ng tatlo pang kasama ng lalaki.
Apat laban sa isa. Hindi patas para sa lalaking mahina ang tuhod.
Nangangati naman ang mga kamay kong napakapa ako sa aking mga black marbles sa bulsa at naisipan kong paglaroon ang apat.
Ito ang mayroon akong sandata pangmalayuan. Bawal ang baril kapag nasa loob ng campus. Ibinabalik lamang sakin ang aking pistol kapag palabas na kami ng university.
Gamit ang aking accessories na guma ay lagi ko itong suot at ginagawa ko itong tirador. Ito ang kauna unahan kong gagamitin ngayong araw. Hindi ako makakabwelo ng pwersahan kung nandito ako sa taas ng puno kaya mabibinyagan ng apat na yun ang guma ko.
Inuna ko ang lalaking umakbay. Namimili ako kung saan ko ito patatamaan ng naisipan kong sa siko na lamang dahil sa sinasakal na nito ang lalaking iyon.
Makararanas naman ng kunting kuryente na hindi niya makakalimutan at mamamaga lang ng kunti ang lalaking yun sa gagawin ko.
At matapos kung targetin ang siko nito ay namilipit na agad ito sa sakit.
At sunod sunod ko ng pinatamaan sa tuhod ang tatlong natitira kung kaya't nagkaroon ng pagkakataon ang lalaking makawala sa apat.
"Impressive ei! " boses ni Mike sa baba.
Kanina pa ito naroroon at tahimik lamang na pinagmamasdan ako mula sa baba. Nakahiga ito sa ilalim at ang mga titig nya ay kakaiba. Ngunit ngayon ay nakatayo na ito while embrassing himself at nakatutok ang mata sa grupong tinarget ko.
Hindi ko pinansin ang kanyang sinabi dahil naiinis parin ako sa kanya.
Pero masarap ang soya milk na ibinigay nya sakin kanina. Di man ako nakakain ng maayos ay hindi naman na ako nagugutom.
Mas malakas ang dating ni Tyron kay Mike kung marunong lamang ngumiti ang alaga ko. Malakas kasi ang appeal ni Mike dahil sa palabati ito at ang angas nya ay ibinabagay niya sa lugar.
"Hey! Still angry pa ba? Sorry na... I never thought that your a-" naputol nyang sasabihin dahil siya naman ang balak kong tirahin ngunit ng makita nya ang gagawin ko ay nag sign na ito zipmouth.
May oras na tahimik sya, may oras din na maingay. Ngunit wala akong balak makipag-usap sa kanya.
Malapit ng matapos ang klase ni Tyron ayon duration ng klase niya sa aking reminder at wala na itong sunod na klase. Pero nakakasiguro akong sa katulad nyang kabataan ay expected ko na ang sunod nitong gagawin.
At ito namang isa sa baba ay wala atang klase at nagagawa pa niyang tumambay kasama ko sa lugar na ito.
Naaalibadbaran ako sa bawat pagtitig nya sakin na pangiti ngiti pa twing tinatapunan ko sya ng tingin.
Hindi ko talaga aakalain na mapagkakamalan ng mga ito talagang lalaki ako. Dahil maaari sa porma ko. Sa my father's order
Maging si Tyron ay patanga tanga rin at wala pala sa sarili ang damuho ng ipinakilala ako ng kanyang ama sa kanya lastnight.
Pero mas gusto ko atang maging lalaki dahil mas pogeh naman ako sa kanila.
Mas lapitin nga eh, dahil sa ang daming tumabing babae sakin kanina sa canteen.
Sa dami rin nilang tinanong ay wala naman akong isinagot sa kanila.
Hanggang sa nangyari nga ang gulo kanina.
Naging alerto na ako dahil sa mga ikinikilos nila kanina at hindi nga ako nagkamali.
HAISSSKT!! Para akong lalagnatin. Ang init dito sa Pilipinas ng biglang may inihagis sakin mula sa baba si Mike. Napansin na siguro nitong naiinitan ako dahil madamot ang hangin kanina pa kahit nasa itaas ako ng puno ay pinagpapawisan ako.
Isang tictac mint candy ang nasambot ko. Kumuha ako ng isa and that's enough. Kanina parin ako nauuhaw.
"Hindi ka pa ba bababa!? We're going to maze zone now Ady. Let's go. "
Ang lalaking toh feeling close! At nakita ko na nga sa pheripheral vision ko ang papalabas na si Tyron kung kayat mula sa pangalawang sanga na may taas na halos isang palapag at kalahati ay nagawa kong lundagin.
" Whoaaahhhh! f**k! How did you do that! You really amaze me ei! " ani niya na parang bata sa paraan ng kanyang pagkagulat.
Hindi lang kasi simpleng paglundag ang ginawa ko dahil sa kailangan ko ring iwasan ang mga sagabal na sanga.
Hindi ko na siya tinapunan ng tingin ngunit pabato ko ring ibinalik sa kanya ang ibinato niyang tictak sa akin.
"Thanks!" at nauna na akong naglakad patungo sa likuran ng alaga ko.
Patakbo naman itong dumikit sakin.
At dito ko naramdaman at narinig ang mga yabag nila sa aking likuran.
Para akong nasa grupo ng mga gang.
Humanap ako ng puwesto na maluwag akong makakagalaw at makikita ko si Tyron ng malinaw.
Narito na kami sa zone.
Totoo ngang hindi pa tapos ang labanan kanina sa pagitan nila Greg at Tyron.
At ayon sa napagkasunduan ay ilalaban si Tyron sa kanang kamay ni Greg na si Drake. Dito matatapos ang initan sa araw na ito. Parehong kanang kamay ang pagsasabungin.
Tinapunan muna ako ng pansin ni Tyron. At sa paraan niya ng titig sakin ay binabalaan niya akong huwag mangingialam.
Pero pasensyahan kami. May mga bagay na pwede akong mangialam kung kinakailangan.
Lalo pa na ako ang nagsimula ng gulo.
Inaamin ko yun. At alam rin yun ni Tyron, pero hindi man lamang ito nagwawala.
Nakita ko sa pagkakataong ito ng malapitan si Seb ng Fatality. Seryoso ang mukha nito at mapagmasid. Ito ang kalapit teritoryo ng Hell.
Dumako narin ang mata ko kay Brandon ng Shadow. May kalayuan ito sa kinaroroonan namin ngunit malinaw ko parin itong nakikita.
Ang apat na pinuno ngayon ay nakamata lamang sa dalawang magtutunggali habang ninanakawan ako ng tingin ni Mike at Greg.