ADIRA POV
Lumapit ako kay Mike at muling hininge ang tictac na isinauli ko kanina.
"You like the taste ei!? " tuwang tuwa na tanong nito na nasa tipo pang nagpapacute ang boses.
Hindi ko siya magawang tapunan ng pansin dahil ang mata ko ay na kay Tyron.
Nakita kong isang tadyak sa sikmura ang natanggap ni Tyron sa tuhod ni Van Drake.
"Just. Give. It!" ani ko na may diin na iniabot din naman sakin na may pasimpleng paghipo sa aking palad ngunit ayaw namang bitawan.
Hindi ko alam kung may pagkamaniac ang hayop na toh o sinusubukan lamang ako kung kayat ang wrist na niya ang hinawakan ko at may pinitik ako na isa sa mga buto niya upang mabitawan na niya ang hinihinge ko at mabilis ko itong nasambot at tumungo sa likuran ni Valmor at Matthias.
"That's awesome ei! " dinig kong ani pa nito.
Kitang kita ng mga mata ko ang bawat palitan ng suntukan ngayon ng mga kamao nila. Mabibigat ang mga iyon lalo na ang kay Van.
Van Drake Worlen. May dugo itong amerikano, pilipino at pakistano pero ang mukha ay mukha namang unggoy.
Ang katawan ni Van mula sa kabilang grupo ay mas malaki kumpara kay Tyron. Mabagal ang kilos noon ngunit mas may kalakasan naman at solid ang bawat patama niya kahit na wala ang bagay na yun. Walang tiwala sa sarili.
Samantalang mabilis naman kumilos ang alaga ko ngunit mahina ang bawat gravity ng kanyang kamao.
Matira matibay. Ang nakakalungkot lamang ay gumagamit nga ng brass knuckles ang kalaban at hindi man lamang napapansin ito ni Tyron.
Duble ang bigat ang lakas ng suntok na iyon. Kung kayat dehado si Tyron.
Dahil sa maganda na ang aking pwesto ay kailangan ko na lamang tantshahin at targetin ang buko buko nito sa kamay.
Pasensyahan, ngunit kailangang maging patas ang laban.
Palihim kung kinuha ang ballpen ni Matthias sa pocket nito na siyang magagamit kong pagdadaanan ng hangin at ng butil ng candy.
Madalas ginagamitan namin ito sa bundok ng kawayan. Sumpak gun kung tawagin pero dahil gamit ko ang katawan ng ballpen at ang sariling pwersa ng aking hangin mula sa katawan kung kayat mintcool air-gun ang nararapat itawag rito. Paraparaan lamang.
May pandaraya sila sa kanilang galawan at di ako makakapayag na uuweng dehado ang katawan ng alaga ko.
Magaling umiwas sa bawat suntok si Tyron kung mukha ang puntirya ni Van at puntos yun sakin upang hindi naman ako makickout sa trabaho.
Kaya lang nagiging baldado naman ang katawan niya.
Kaya apat na candy agad ang aking itinambay sa bibig para sa apat na buko. Kailangan ko munang katasan ito at sumakto sa butas ng ballen.
Kaming mga agent ay bihasa sa mga ninja's tactic lalo na madalas ako sa bundok kasama ng mga pinsan kong kalalakihan. Sila pa ang umaalalay at nagpapahirap sakin noong baguhan pa lamang ako. At isa na nga dito na instead karayom ang gamitin namin upang maparalisa ang bahagi ng katawan, ay buto ang pinatatamaan namin. Mga joints kung baga.
Sa bawat suntok na pinakakawalan ni Van ay iniisa isa kong ginagamitan ng mintcool air gun ang kanyang daliri hanggang sa natapos ko ang sampu.
Makikita na agad ang pagtataka sa mukha ni Van ngayon na waring nahihirapan kung kayat paa na nito ang ginagawang sandata bukod sa kamaong tumitira rin.
At sa pagkakataong ito ay nakakabawe na si Tyron.
Naririnig kong tumatawa si Mike sa tabi ko kung saan isa siya sa mga comocover sakin sa mata ni Greg.
"You hit me not just one sweetie! I really like you!!! Oh my shitt!!! " palatak ni Mike na nakaagaw ng pansin sa mga miyembro niya.
"Asshole! " tugon ko na siya lamang ang makakarinig na siya naman ikinatawa niya ng malakas.
Baliw talaga! At pasimple na akong palayo ng akbayan nanaman niya ako kung kayat sa isang ikot ko ay ipinilipit ko ang kanyang kamay na ikinapalag ng mga miyembro niya dahil sumigaw ito sa sakit.
At dahil sa marami sila ay mataas kong nilundag ang pader sa bandang harapan sa tulong ng katawan ni Valmor at ang ulo ni Matthias na aking pinatungan at doon na ako namalagi na may taas na fifteen feet.
Lahat sila ay sa akin nakatingin.
This is my cat f**k move.
Nadistract nanaman si Tyron kung kayat ang nakakabaling buto sa tuhod ang move na gagawin ni Van na gamit ang binti niya kung kayat pasimple akong dumukot ng isang marble sa aking bulsa at sa pasimpleng pagspin ko sa taas pababa at hindi mamamalayang may inihagis na ako na ikinatumba ni Van.
Humihiyaw na ito sa sakit upang maibalik sa kanila ang atensyon.
Sakto lamang ang lakas kong iyon pero napuruhan ko ata ang shin bone nito.
"Enough! " sigaw ni Mike ng susugurin na sana ako ng mga kamiyembro nito.
Ang sama nanaman ng tingin sakin ni Tyron matapos lingunin nito si Van.
Agad pa itong lumapit sakin at kwenilyuhan ako. Ang puti kong polo ay madudungisan pa ng kanyang kamay.
"What did you do!? " may diin niyang tanong sakin na kami lang ang nakakarinig.
"It's my fault couz! Nothing else. It's between me and Ady. " singit ni Mike.
May hinala nanaman kasi ang alaga ko na ako ang may gawa kay Van kanina.
Pero ang mabangis nitong tingin sakin ay nanatili at halos isang dangkal lamang ang layo ng kanyang mukha sakin.
Ang mabangis niyang tingin sakin ay nagbago ng ngitian ko ito ng nakakauyam.
Bumuwelo ito at sa posisyon ng kanyang
katawan ay bibigyan niya ako ng upper cut.
Pwes ako knock down.
Isang suntok sa kanyang sikmura ang ibinigay na nakapagpapilipit sa kanya sa sakit at tuluyan na itong bumagsak.
"You." sabay tingin ko kay Mike.
" Lift your cousin. " utos ko.
"What!? Why me!? " angal ni Mike.
"Gusto mo ring buhatin ka? "
"Ha! Ha! Hindi..... Ito na nga oh... " at nagmamadali itong ipinangko sa kanyang balikat ang malaking katawan ni Tyron.
"Bossing! "
"Shut up! I'm on training! " malakas nitong ani.
"Ei? " sabay sabay naming reaction.
"Goddamnit! Whoahhh! " may katigasan niyang salita.
Kung hindi ako nagkakamali ay nasa 180 to 185 pounds si Tyron dahil sa taas nitong six footer.
Pinauna ko siyang pinalakad at sumunod na lamang ako. Ang bagal ni Mike at ang dami nitong sinasabi.
"Boss, sya po yung sinasabi namin sa inyo! " dinig kong ani ng taong katabi ng kabilang grupo kay Seb.
Napaupo nalang sa sahig sa may parking lot si Mike matapos niyang ipasok sa kotse si Tyron.
"Hey sweetie, kelan ang sunod- na training ko!?" hinahapo niyang tanong sakin.
Baliw talaga ang taong toh!
Agad na akong sumakay sa driver sit at pinaharurot ko na ang kotse ni Tyron without responding Mike.
Makakauwe narin sa wakas.
Ang gagong toh, pinagod akong mag-isip ng buong araw at sa wakas makakapagpahinga ako ng maayos ngayon. Medyo sumisirko ang ulo ko kanina pa dahil sa napag-alaman kong karamihan pala sa mga estudyante dito ay mga anak ng sindikato.