TYRON POV
NAGISING AKO na nasa aking silid na. Napatingin na lamang ako sa alarm clock ko na kumakalampag sa ingay at ang malala pa ay nakita kong ala sais pa lamang ng umaga.
"Mother fucker! " ani ko at ibinalibag ko ang alarm clock ko.
Mamaya pa dapat ang gising ko dahil 10 am pa naman ang klase ko ng napaisip narin ako kung paano ako nakauwe kahapon. Dapat ay may laban ako kagabi.
Bigla akong tumayo ng may magsalita sa aking tagiliran.
"Goodmorning young master. Ready na po ang bathtub nyo. " saka ito nagbow sakin at akmang lalabas ng kwarto.
"Hey! " tawag ko rito.
Napansin ko kaagad na namutla ang assigned nanny ko sa paliligo.
"Yes young master may ipaglilingkod pa po ba ako!? " matapos nitong humarap sakin na nananatili paring nakayuko.
"Who brings me here!? " tanong ko.
"Ang bo-bodyguard nyo po young master." agad naman nitong sagot.
"Who damn set my alarm clock this early in the morning!? " may diin kong tanong dito.
"Bo-bodyguard nyo rin po young master! " nanginginig ang boses niyang sagot saka ko siya sininyasan na umalis.
Bigla ko ng naalala ang lahat. Napakagat ako sa ibabang labi ko ng nakaramdam na naman ako ng kakaibang pag-iinit at pagtaas ng dugo ko.
Sumusubra na talaga ang lalaking yun!
Patayo na sana ako ng maramdaman ko ang kirot sa aking sikmura. Napatingin ako sa hubad kong pantaas at nakita ko na may mga galos at may parte na masakit sa katawan ko na alam kung tama yun ni Van Drake maliban sa isa.
Nakaagaw sakin ng pansin ang humulmang kamao sa aking sikmura.
Matindi ang suntok na natanggap ko sa lalaking yun na animoy mga bakal ang kamay.
Kinumpirma ko sa isang salamin ang mayroon sa half naked body ko.
Tama nga na isang kamao ang mababakas dito na nagpangalit ng aking mga ngipin.
Dali dali akong lumabas ng aking kwarto at sumakay ng elevator.
Tutunguhin ko ang kwarto ng taong iyon at ipapakita ko ang hinahanap niya.
Ubod lakas kong sinipa ang pintuan ng kanyang kuwarto at bumukas naman iyon.
Nagulat ang isa sa mga tauhan ng bahay na nasa loob.
"Young master! " bulalas nito at agad na lumuhod.
Takot na takot ito dahil sa madilim kong mukha.
"Ady!!!! " sigaw ko.
"Yo-young master, second floor. Guest room 301." mabilis na sagot ng nakaluhod na tauhan.
Ang lalaking iyon ay binigyan pa ng aking ama ng magandang silid! Mas lalong dumilim ang aking paningin.
Hindi na ako gumamit ng elevator at tinakbo ko na ang second floor gamit ang hagdanan.
Hindi ko na ito mabubuksan ng sipa lamang dahil ang mga pintuan ng bawat kwarto dito sa taas ay yari sa matitibay na kahoy. Kaya naman sinubukan kong pihitin nalang ang door knob nito at sakto namang hindi nakalock.
Dito ko nakitang may utensils ng food tray sa kanyang table at masabi kong tapos ng mag-almusal ang gagong yun. May paroom service pa!
Hinanap ko siya sa bawat sulok ngunit wala ito. Palabas na ako ng makita ko ang balcony.
Sinubukan kong puntahan ito at nagulat ako sa aking nakita. May taling nakakonekta sa poste ng balcony at ang dulo nito ay nakatali sa mataas na matandang narra sa likuran.
"What the f**k! " bulalas ko.
Dahil nakita ko itong naka upside down na bumabalanse sa lubid.
Napansin na niya ako kung kayat laking gulat ko na naman na ang akala ko ay nawalan ito sa concentration ngunit kusa pala itong nagpatihulog pero biglang pumaere at ng nakalapag ang mga paa nito sa lubid at para siyang hangin na tumakbo lamang palapit sa akin.
Wala akong sakit sa puso pero ngayon pa lamang ay kailangan ko na atang magpacheck-up.
May kakaiba talaga sa taong ito.
Pumapasok na sa isip ko kung galing circus ba ang bodyguard ko!
At dito ko napansin na may umbok ang kanyang dibdib na hindi ganun kalakihan. Nakawhite fitted sport sando lamang ito at black leggings.
Napanganga ako ng makalapit ito sa akin. Napalunok ako ng makita ko ang mga butil ng pawis nito na mula sa noo.. sa ilong... sa kanyang cupid's bow na nagbigay sakin ng panunuyo ng aking lalamunan lalo na ang matapat ang aking mata sa labi nito na kulay rosas. Hindi pa nasayahan ang aking mga mata ay naglakbay ito sa kanyang leeg. Ngunit bago yun ay nakaagaw sakin ng pansin ang kanyang mga nunal sa may panga.
Ohhhh shiiit!
Nakakaluko ang kanyang pawis na lumalakbay sa kanyang katawan. Hanggang sa dumako na nga ang mata ko sa kanyang umbok sa dibdib.
Bakit siya may umbok sa dibdib.
Ang aking kamay ay naging automatic na susundutin ko sana ang dibdib nitong hindi kalakihan ngunit mabilis niyang pinilipit ang aking kamay at pwersahan niya akong ibinaliktad sanhi upang maglambitin ako sa balcony.
"f**k! Ady!!!! Get me out of here!!! " sigaw ko sa takot habang hawak niya ang isa kong kamay.
Ngunit malamig lamang na tingin ang ibinigay niya sakin at nakakalukong ngiti ang nakikita ko sa kanya.
Dito ko lamang napansin ang mapuputing niyang ngipin na paloob at ang mapula nitong gilagid.
"Don't ever tried na bitawan ang kamay ko dahil mapapatay kita Ady!! f**k it! s**t! " muli kong sigaw dahil nananadya itong iniisa isa niyang alisin ang kanyang daliri sa pagkakahawak sa akin.
"Adddddyyyy!!!! "
"Anong ginagawa mo sa kwarto ko? " kalmado niyang tanong.
"f**k you! This is my house!" may pagkairita kong sagot.
"Tsk! Hangal! This house is not yet yours! And this room is my privacy! Gotyah!? "
"f**k you! " sigaw ko.
"Animal! " sagot nya
"Ahhhhh!!!!! Get me outa here!!!! This is bullshit Ady! Your fired! "
"Huh! Your firing me weak boy!?" pang-iinis niya.
"Shut up! "
"You can't! I'm not just a normal bodyguard of yours kupal! I will be your master too hangal! And good! Its supposed seven thirty pa sana tayo magtratraining but because your here na... the training will be start now. "
"Wha-what!? " tanging nasagot ko.
At sa sinabi niya ay nakita kong lumabas ang mga paa niya sa balcony at pwersahan niya akong hinagis sa may kalagitnaan ng lubid na para lang akong papel.
"f**k! f**k! f**k!"
Ang putcha, anak ng pating ay mabilis ko namang naabot ang lubid ng isa kong kamay.
Mapapatay ko talaga siya!
Para akong unggoy ngayon na nakalambitin. Lalo nat may kataasan ang second-floor namin na hindi normal sa taas ng second floor.
Dito ko ngayon napagmasdan ang kanyang tikas ng katawan. Masilin ito na parang normal na lalaki pero may hubog ang kanyang katawan dahil sa suot niya ngayon.
Babae.
Fuck s**t! That's godammit Ady is a girl!