Heartbreak is an invisible wound. It takes time to heal, and if it does, it leaves scars. -greatfairy ◇PAT◇ Sinasayaw ng malamig na ihip ng hangin ang aking buhok. May mga iilang dahon na nililipad mula sa malayo. Tahimik. Ngunit parang nagbabadya ang masamang panahon. Tila nakikisabay sa nararamdaman ko. Blangko. Wala akong ibang nararamdaman. Hindi ko alam kung ano'ng nakaharang sa aking dibdib. I was hurt but my tears won't fall. Tila pati ang mga luha ko ay may sariling emosyon. Umupo ako sa damuhan at sinundan ang bawat letrang nakaukit sa semento gamit ang aking daliri. It's been ten years since I lost him. Ang kaisa-isang taong naging karamay ko sa lahat ng kalungkutan at kasiyahan. Ang taong sumubaybay sa paglawak ng aking isipan. Ang taong nagpahid ng mga luha ko at gumagamot

