◇PAT◇ Anak, Salamat at napagdesisyunan mong buksan ito. At sana nga makarating itong sulat ko sa 'yo. Alam kong masama ang loob mo sa 'kin. Hindi kita masisisi, napakalaki ng kasalanan ko sa 'yo, sa inyo ng tatay mo. Alam kong hindi madaling paniwalaan pero gusto kong malaman mo na mahal na mahal ka ng nanay. Sobrang saya ko no'ng marinig ko ang una mong pag-iyak nang isinilang kita. Ikaw ang pinakamagandang regalo na ibinigay ng Diyos sa amin ng tatay mo. Walang katumbas ang pagmamahal namin sa 'yo kaya't ginawa ko ang lahat para maprotektahan ka. Hindi ko ginustong mapalayo sa inyo ng tatay mo. Pero wala akong magagawa, hawak nila ako sa leeg. Mapapahamak kayo pareho pag hindi ako sumama sa kanila. Ito ang kinalakhan kong pamilya. Sa maniwala ka't sa hindi, isinusumpa ko ang sarili k

