CHAPTER 10

3647 Words
SERYOSONG-SERYOSO ANG mukha ni Lyndon sa buong araw na magkakasama kami sa golf clubhouse. Isa-isa kaming sumusubok pumalo habang si Jana'y medyo malayo sapagkat si Lemme ang nagtuturo sa kaibigan. Samantala, hindi rin mawala ang nakaplaster na ngiti sa labi ni maharot na Coleen sapagkat tinuturuan siya ni Troy kumag.  Maya-maya'y tumapat ako sa linya at humawak ng mashie nang pigilan ni Alex. "Wait, did someone teach how?" kunot-noong saad nito. "She looks good in playing golf." sabad ni Lou saka kumindat. "Honestly, I don't have any idea how?" I awkwardly stated. "Really? Oh it's okay---Lyndon ikaw tutor ni Cassy 'di ba? Si Samantha rin daw!" pilyang saad ni Ate Lou. Ginulo ni Richmond ang buhok ng kaibigan bago tinakpan ang bibig ng dalaga rason para magpipiglas ito. Piniling hindi kumibo sa mga sinabi ng babae dahil kahit may binuko si Cassy tungkol sa regalo raw ni Spongy Babe, hindi parin maiaalis ang katotohanang magkasama silang dalawa. He cheated on me! Kahit pa walang usap ukol sa status namin 'no! Maybe that's the reason why he doesn't want to talk about those topic over the phone. Pumosisyon sa red line upang bara-barang sanang ihahampas ang mashie, nang mayroong matigas na bisig na sadyang pumalibot sa'king maliit na katawan. "That's not the right position Bubbly girl," malumanay na saad ni Lyndon sa tapat mismo ng tenga. "Stay away from me. I don't care if I'm not gonna be expert on smashing this golf ball," mariing saad dito. Bumuntong-hininga ang binata ngunit 'di nagpatinag, imbis ay hinawakan ng mahigpit ang aking kamay. "I didn't do anything wrong with you." "Really?" I sarcastically said. Parang hindi nakahahalata ang mga tao sa bandang likuran, na sadyang nag-uusap kami ukol sa kung anong bagay sapagkat mahina lamang ang boses ng lalaki't maging ako. Malayo kung ikokompara kina Troy at Jana'ng halos lantaran ang selosan sa pagitan ng dalawa. "You didn't allow me to atleast explain my side," seryoso ang binata. "Para saan? I'm not even your girlfriend to oblige yourself,"  bulong ko. "You're perfectly right!" halatang napikon ang binata. "Fast-learner ka pala Samantha," he pretentiously said before he went afar from me then go back to the bleacher. "T-Thanks" I stuttered. Ni hindi lumingon si Lyndon matapos lumayo animo nagalit talaga sa mga sinabi rito. Siya pa talaga may karapatang magalit pagkatapos niyang maglihim sa'kin? Woah! Napipikang pinaghahampas nang sunud-sunod ang bola kahit walang tumama o lumusot sa mga hole, hanggang sa binitiwan ang mashie saka padaskol na naupo sa couch. Iniirapan ang mga tawanang namumuo kay Cassy at Lyndon, ngunit mas lamang ang animo punyal na nakatarak sa puso dahil sa panibughong nararamdaman. Kapagkadaka'y nagpasyang lumapit kina Lemme ngunit napakunot-noo sapagkat hindi naabutan ang kaibigan. "Hey where's Jana?" tanong sa fiance' nito. "I've been looking for her also..." anang tsonggo na talagang pinapayungan ng mga bodyguards nito. "Let me call her up!" I dialed her digit but no one's answering on the other line. Saan nagpunta si Jana? Nagsilapitan ang HOMIGEN matapos mapansing natataranta kahahanap sa matalik na kaibigan. "Baka naman namasyal si Jana sa ibang lugar?" ani Xavier. "Di kaya nakidnap?" sabad ni Derreck ngunit binatukan ito ni Ate Jade. "Ang morbid mo talaga!" irap nito. "Maybe she went home because of Troy?" pinipigilang tawa ni Richmond. Samantala, parang walang pakialam si Lemme na nawawala si Jana sapagkat mas iniintindi nito ang sikat ng araw, rason para sumilong sa clubhouse. Hindi malaman kung anong maaring isipin sa ganitong sitwasyon dahil maging si Troy ay nagpaalam daw kay Coleen na may dadaanan lamang. Hindi kaya? No that's merely impossible 'coz they're the real definition of cat and dog relationship. "Uhm, maybe I should go back to their mansion?" anunsiyo sa HOMIGEN. "Why don't you stay a little while?" ani Ate Jade ngunit magalang na tinanggihan ang babae. "Pare samahan mo si Samantha makakuha ng Grab Taxi!" suhestiyon ni Alex. "Kaya nga Xav," sang-ayon ni Sophie. "Bakit ako? Hindi naman ako ka-loveteam ni Sammy? Ayan si Lyndon oh!" tanggi nito. Namula ang pisngi sa lantarang panunukso ni Kuya Xavier sa kaibigan na nakatihimik lamang habang nakaalalay kay Cassy. "Oops sorry my big mouth!" hinging-pasensiya ng binata. "Epal ka talaga Villaforte," seryosong saad ni Alex. Umalis na rin si Coleen subalit hindi man lamang nag-alok ang bruhang pasakayin ako. Should I call Manong Toby now? "N-No it's okay, I can handle myself" usal ko. "No Samantha, someone must need to escort you at the hallway," nag-aalalang saad ni Ate Jade saka tumango-tango si Lou. "It's fine Ate, I'm a big girl now!" kinindatan ang babae kahit halos magkandapira-piraso ang puso sa kawalang pakialam ni Lyndon sa kalagayan ko dahil abala siya kay Cassy. Nagsimulang maglakad palayo sa kanila matapos magpaalam. Sobrang sama ng loob sa mga nangyayari subalit walang karapatang mag-demand o magalit sa binata. You have to be brave Sammy! Dinig na dinig ang malakas na gasgas ng gulong sa aspalto nang tuluyang makalabas sa Orchard, saka may humintong pamilyar na sasakyan sa harapan hanggang sa unti-unting  bumaba ang bintana ng driver's seat. It was Lyndon wearing black shades while his one arm was on the top of maneuver. Dinaanan ko lamang ang nakaparadang sasakyan kahit panay ang kabog ng dibdib sa mga kinikilos nito. "Hop in" seryoso ang tono. "No thanks.." Sinusundan ng binata habang naglalakad sa gilid ng sementadong daanan. He drove slowly and kept on following me. "Don't be stubborn Bubbly girl. get yourself here or I'll carry you? You choose young lady!" he bitten his luscious lowerlip. Napagtantong madalas kinakagat ni Lyndon ang labi kapag nate-tense o kaya natutuwa sa isang bagay. At iyan pa talaga ang inatupag mong pag-aralan imbis ibang bagay Samantha ha? Napanguso sa mga sinasabi ni Lyndon dahilan upang umikot sa kabilang bahagi ng sasakyan saka padarag na lumulan sa loob. I rudely folded my arms across the chest. Walang imik ang lalaki't seryosong nakatutok sa daan habang nagmamaneho. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataong arogante ang tabas ng mukha ni Lyndon kaya 'di maiwasang masaktan sa ginagawa nito. Baka napilitan lamang si Spongy Babe o kaya nabuyo nina Kuya Xavier na ihatid ako kahit ang totoo, labag sa loob niya dahil kay Cassy! "Stop the car," anas ko. "What?" he frowned. "I said stop the car. Doon na lamang ako sa gilid sasakay--" "Nahihibang ka na bang bata ka?" kababakasan ng iritasyon ang mukha nito. "Stop the car sabi eh!" hindi napigilan ang luhang bumagsak sa mata. "No I won't." "Tatalon ako sige!" pananakot sa binata. "Go on" he arrogantly muttered. Binuksan ng bahagya ang sasakyan kaya napamura ang binata saka ito nagmenor sa gilid dahilan upang mas pumalahaw ng iyak. "s**t!s**t!" hinampas ng lalaki ang manibela kaya 'di mapigilang humikbi at humagulgol hindi lamang sa selos kundi sa takot o tampong nararamdaman para rito. "What the heck! Are you f*****g crazy Samantha!?" galit na galit ang reaksyon nito. Hindi makaimik sa sobrang pagtangis kaya lalong tinakpan ng palad ang mukha. Samantala, walang maririnig na kahit anong salita mula kay Lyndon at ang tanging mauulinagan ay pawang malalalim na buntong-hininga. "Paano kapag nadisgrasya ka sa mga ginagawa mo!" I keep on sobbing as if I was being lectured by an older brother. "f**k! Aren't you thinking right huh?" he raked fingers through hair and bitten his lowerlip. Nakamata lamang ako sa lalaki habang walang patid ang luha sa mata. "s**t!" he hissed. Nagulantang nang hatakin ng lalaki't ginawaran ng matinding yakap rason upang mas umigting ang aking pag-iyak. "S-Sorry bubbly I shouted at you. I was just f*****g worried...Shh stop crying now.." naging malambing ang tono nito. "Tahan na," Napakalapit ng kanyang mukha habang pinupunasan ang namasang pisngi. "Don't do it again, please?" he sighed. I simply nodded. Umayos nang upo ang binata saka matamang isinandal ang ulo sa headboard maya-maya'y binasag ang namayaning katahimikan. "Bakit ka ba nagagalit sa'kin?" ani Lyndon. "Wala" sa pagitan ng mga hikbi. "C'mon tell me.." Mariing umiling sa binata ngunit hindi makatingin ng diretso. "Are you jealous?" Patuloy sa paghikbi habang sumisipat sa bintana upang makaiwas sa ganitong klaseng komprontasyon galing kay Lyndon. "Ayokong ihatid ka sa kahit saang lugar hangga't hindi tayo nagkakaayos. We cannot finish this conflict not until we settle our differences bubbly." he maturely spoken. "Ka-kasi nagsinungaling ka sa'kin. Sabi mo kasi..." tumulo na naman ang luha. "Tingnan mo 'ko sa mata" he captured my chin to face him. "Sabi mo kasi may trabaho ka!" panunumbat sa binata. "Yeah, I work and that's the part of my job. Look bubbly, Cassy has a long time boyfriend." "P-pero bakit kayo magkasama ha?" I pouted. "His father teamed up with HOMIGEN for Del Fierro project and he assigned  Cassy as his representative until he goes back here in the Philippines this coming next week," Kumibot ang labi sa mga narinig mula sa binata bago umirap. "Still not convince? You want me to call her? Umalis ka kasi kaagad, edi sana nakita mong sinundo siya ni Andrew Apostolos." nakakunot-noo ang binata. "A-Apostolos?" "Yeah" "Y-You mean the brother of my schoolmate Matthew?" "Yes. I think so," Muling umirap sa lalaki sapagkat hindi maalis sa isip ang mga sinabi ni Lyndon noon. He likes Cassy because she's the prettiest among all the visitor at the Gala, she's smart, mature or whatsoever good character she possessed. "Still mad?" he sighed. "Yes" "Why, tell me your reason..." "You told me that you like her though', 'coz she's the most prettiest woman you've seen at the Gala. You even told me you like her witty views about some aspect of life..." medyo nagmenor sa mga nararamdamang pagtatampo. "And you believe all those bluffs?" he chuckled. "Ano pa nga ba ha? Akala mo natutuwa ako?" "I know you weren't 'coz you were so transparent that day. Alam kong nagseselos ka kaya nga kinuwentuhan pa kita tungkol sa kanya. You're so cute when your getting jealous or mad" he teased me. "You're beast!" Tumawa lamang si Lyndon habang sinusundot ang pisngi ko dahilan upang mas mapikon sa binata. "I hate you!" "Really?" Pinaghahampas ang dibdib ni Lyndon ngunit tawang-tawa lamang si Spongy Babe hanggang sa padarag na sinakop ang aking labi ng kanyang maiinit na halik. Halos mapugto ang hininga sa lumalalim na paggalugad o pag-arko ng kanyang dila. We couldn't able to thwart those hot kisses until such time, that we'd almost caught our breath. "I'm f*****g addicted to your lips bubbly girl," he softly muttered. "Uhm," ninanamnam ang panaka-nakang halik ni Lyndon. "You have no idea how much I miss you when I am away with you." ani Lyndon. Lumayong bahagya ang binata habang seryoso ang emosyong mababakas sa kanyang mga mata. "Sinabi ko sa'yong hintayin mo 'ko bago natin pag-usapan yung tanong mo," Sobrang lakas nang kabog ng dibdib sa mga salitang tinutumbok ng binata, tipong halos lumuwa ang puso sa malakas na pagpintig. "This isn't the right place or not even good venue but because of your being too much stubborness and jealousy...here's my supposedly gift to your birthday" inabot ni Lyndon ang medyo parihabang kahita. "A-Ano 'to?" "Open it" When I gradually opened the elongated small box I've seen a diamond heart-shaped necklace. "W-What's this for?" I was thoroughly perplexed. Kinuha ni Lyndon ang kwintas at ang lalaki mismo ang nagsuot sa'kin. "Do you like it?" "I'm speechless" "Then read what has been engraved" simpleng saad nito. Marahang sinuri ang bato hanggang sa mamasdang maigi ang nakaukit sa likod: 'You're mine'. Napaawang ang bibig lalo't napansin ang suot nitong kwintas na halos kaparehas nang akin. Kusang tinignan ang nakaukit sa suot ng lalaki kung saan nabasa ang mga salitang: 'I'm Yours' "L-Lnydon?" "Ayaw mo?" anito "T-Tayo na?" "I don't know. It's up to you--" litanya ni Lyndon ngunit dinaluhong ng yakap ang lalaki sa sobrang kaligayahan. "Can I kiss you?" walang kaabog-abog na anas sa binata bago hinatak ang kwelyo niya para salubungin nang mapusok na halik si Spongy Babe. "Bubbly girl" he moaned. I immediately unveiled the window and sheered my body outside of it. "Hey Samantha what the hell are you doing?" saway ng lalaki. "I love you Lyndon!!!!!!" I screamed out his name although the car was merely thwarted at the side road. "Umayos ka nang upo Sammy! Maraming taong--" "So what? I love you Lyndon Santiago!!!! I'm his girlfriend now!!!"I entirely screamed out his nomenclature to show my too much elation from the crowd. Kitang-kita ang kasiyahan sa mukha ng mga taong dumaraan habang ang ilan ay nakakunot-noo ngunit hindi ako makaramdam ng kahit kaunting hiya sa kasiyahang pumapaloob sa puso. "I think my girlfriend is being crazy right now!" he grinned. Bumalik sa loob ng sasakyan saka nagmamadaling itinaas ang bintana. "Yes I'm very much crazy about you Lyndon Santiago," I sincerely confessed. "I hope your feelings will not be faded as when the years goes by..." makahulugang saad nito. "It won't never happen, I promise" I said to him. He solemly kissed me before he drove his car headed back to our own home since Jana was not around on their abode. MARAMING NANGYARI sa nagdaang buwan, hindi lamang sa sariling buhay kundi maging sa kaibigang si Jana. She'll be going to marry Lemme Yur a month after my debut which is thoroughly happening right now. "Everyone, I want you to meet my one and only daughter-- Samantha Añorivas!" anunsiyo ng amang nagpaputol sa pagmumuni-muni. Kinakabahang lumakad sa gitnang bahagi ng lanai kung saan nagaganap ang naturang pagtitipon. A few businessmen, socialites and some of my father's colleagues were all invited except some visitors who I personally ask to be part of my Natal Day. Nagmistulang conference ni Daddy ang dapat sana'y mahalagang kaarawan na miski si Jana'ng tumulong ay hindi rin nakatagal. "She's really stunning Harold!" puri ng kanyang mga kaibigan. Hindi makakilos ng naaayon sa kagustuhan sapagkat halos lahat ng mga naroroon ay nakamata o kakilala ni Daddy. "Alam mo naman tayo Imelda, hindi pwedeng nasa hulihan. My daughter will be the heiress of almost all my assets." paulit-ulit na naririnig mula sa ama. "Excuse me Daddy, I'll  just look after my visitor," seryosong saad dito. Tumungo sa mesa kung saan piling  panauhin lamang ang inimbita kasama si Nana. "Best!" tawag ko. "Finally! Akala ko mapupuno ng mga kaibigan mo ang buong bahay niyo," pagbibiro ni Jana. "You know how much I hate this kind of set-up, right?" I rolled my eyes. Umupo kami sa isang mesa kung saan binati ng mga kaklaseng hindi rin makasabay sa mga kaibigan ni Daddy. "I apologize for having this kind of debut," humingi ng paumanhin sa mga kaklase. "It's okay Samantha, we don't mind" sabad ni Matthew Apostolos. "Let's just cheers!" ani Heily Saavedra. By the way, she's the younger sister of Cassy. "Yeah I need that!" sang-ayon ni Jana. "Happy Birthday to our dearest Sammy!" saad ni George Montenegro kung saan isa rin sa mga malapit na kaklase sa XIA. Maya-maya'y nagtawanan kami sa mesa, ipinagpasalamat na tapos nang mga seremonyas ng aking kaarawan, kung saan magmula sa programa o labinwalong escort, isa man sa kanila'y wala akong kakilala sapagkat si Daddy rin ang pumili. Halos mga anak ng kanyang mga kumpadre o amiga ni Mommy ang mga nagsidalo. I've felt like I don't belong in my own celebration therefore, Jana promised me that we'll be having a post birthday celebration after her wedding. Mukhang tanggap na ni Nana ang kasasapitan sa kanyang pagpapakasal ngunit nakakalungkot isipin, kasabay nang pag-aasawa ng kaibigan ay hindi narin ito regular na makapapasok sa klase. She chose to take home-schooled program which will only means one thing, I will be alone in school most of the time. Sa t'wing assessement na lamang makikita o kung maisipang kuhanin ng dalaga ang klase ng buong araw sa XIA. Abalang-abala sina Daddy sa pag-eestima sa bisita habang ang mga kaibiga'y nagkakasiyahan sa mesa, nang  muling rikisahin kung may mensahe galing sa taong kinapapanabikang makita. He went to Japan for a business trip, hence Lyndon wasn't able to see me on my birthday. Inimbitahan ang binata ngunit hindi nga siya makararating dahil sa mga schedule na paglipad sa ibang bansa. He didn't greet me or message me eversince yesterday, so I've felt clueless as well as hurt with his insensitive actions. Jana, close friends and my family didn't know about our relationship 'coz we keep it private. Although, Lyndon disagreed in this kind of set-up but later on, he accepted it for the meantime. He wants to talk to my Dad and asks his permission to formally announce our status. "Hey Sammy wanna come with me?" bulong ni Nana kapagkadaka. "Huh? Where?" "Basta may sorpresa ako sa'yo!" Giniya ni Nana palabas ngunit sinigurong hindi mapapansin ni Daddy o Mommy ang gagawin namin. "Saan ba tayo pupunta Jana Buenaventura-Xi!" nagtataka sa kinikilos nito. "Shh. Shuddup and follow me. Mamaya kana dumakdak...like duh?" Tumungo kami sa malaking gate saka naabutang tutulug-tulog ang gwardiya. "Jana baka mahuli tayo ni Mang Gener," tukoy sa gwardiya namin. "Just trust me and shut your mouth" she warned me. We tiptoed and went outside the mansion then walked through the dark side of the village. "Nana anong kalokohan ba 'to? Bumalik na tayo dahil ako ang malalagot kay Daddy" "Go now--tsupi!" untag nito. "Huh?" "My ghad so slow!" she rolled her eyeballs. "What the--" "Could you just go and get inside that f*****g car?" she irritably stated. Bahagyang inaninag ang naka-hazard na sasakyang heavily-tinted ang mga bintana. "S-Sinong?" I gazed upon my bestfriend. "Basta galingan mo best ha? I love you!" tinulak ng babae palapit sa sasakyan. Kinakabahan man subalit tumungo malapit dito hanggang sa kusang bumukas ang bintana saka tumambad ang bulto ng lalaking inaasam. "L-Lyndon? Paanong--" Muling lumingon sa kaibigang kumakaway hanggang sa tuluyang lumulan sa sasakyan ngunit bago paandarin ay sumaludo si Lyndon sa dalaga. Nang mapag-isa'y namayani ang katahimikan at pulos buntong-hininga galing sa binata ang  madidinig hanggang sa lumiko ang sasakyan sa pamilyar na daan. "L-Lyndon...akala ko nasa Japan ka?" I asked him but the lad didn't say any words yet he keeps on driving. Hindi maiwasang kabahan at magtampo sa mga kinikilos ng lalaki kaya nanatiling walang imik habang hinahaplos-haplos ang binigay niyang kwintas. Maya-maya'y huminto sa wooden gate kung saan malimit naming puntahan kapag magkasama. We always create our own little world in this piece of land that his grandfather bought for his one great love. "Close your eyes," aniya. "Ayoko" umirap sa binata. "C'mon love" malambing ang tono. "Bakit hindi ka nagsabi sa'king uuwi ka ha? Hintay ako nang---" he fastly bussed me. "Just close your eyes first. Later we'll talk about it, my love." Did I hear his quivered voice? "Fine!" I closed my eyes then the man gently guide me from walking at the grassy part of this spacious garden. "Oops, stop right here. Kapag sinabi kong buksan mo 'dun mo palang bubuksan ha?" anito. "Okay," I groaned. It took me a minute before he announced that I could now open my eyes, then the next thing I knew was I'm almost bedazzled because of his surprise.  "W-What's this Lyndon?" "Hindi mo ba nagustuhan?" "Are you serious love?" "Can I have a hug or kiss to my birthday girl?" Dinaluhong nang yakap ang lalaki dahil sa pagiging perpektong nobyo sa loob ng dalawang buwang pagsasama. He never stop showing how much he cares for me even in a little detailed of what I want, or love. And I'm always feel so amazed in his surprises and gifts. "Thank you" "Where's my kiss?" "Hmm. later, I'm hungry love" saad ko. Marahang ngumiti ang binata saka pinaghila ng upuan sa gitna ng mga puno at alitaptap na nagliliparan sa puno. I'm sure that he made some full effort to put a candle light dinner inside this private site. "Happy birthday my love" "I don't know what so say Lyndon. How Jana--" "I asked Jana's help to prepare this surprise as my birthday gift to you. Hindi talaga kita minessage para masorpresa ka." "You mean Jana knew about us?" "We can trust her though?" "P-Pero--" "Love, ang gusto ko ngayong araw wala kang iisipin kundi tayo lamang. Let's forget the world outside this piece of land and think only you and me. Is that a promise?" "Y-Yes.." Kung panaginip ang lahat parang gusto kong manatili sa mundong kami lamang dalawa ang magkasama. He put some steak on my plate and filled my glass a champagne then requested to brink our goblets. "Cheers?" alok nito. "C-Cheers." "Dalaga kana. tiyak marami na 'kong magiging kakompetensiya sa'yo," pagbibiro nito. "I don't care about other guys, I want only you Lyndon." "I love you my only love.." his cheek flushed. "I love you too" Lyndon gradually sipped the stride of goblet while intensely gazing at me until the man put his wine on the other side. "May I dance with you?" ani Lyndon. "D-Dito?" "Yes, why?" he chuckled. "Without music?" "With music of course. I wasn't able to dance in your debut so I guess it's my turn now?" "L-Lyndon.." I was merely shaking because of mixed emotions inside my ticker. "Can you promise me that I would be your last dance, my love?" he winked. "Sure," May kung anong pinindot ang lalaki sa kanyang phone saka pumailanlang ang slow melody ng kantang "I'd rather" Habang nagsasaway ay walang pagsidlan ang saya sa mga nangyayari sa'ming dalawa. "Are you happy?" putol nito. "Happy is an underrated description of my feelings right now Lyndon." "Well, you have to get used to it because that's my only mission in life...to make you happy or whatever you may call it." he softly wiped away the surge tears on my cheek. Hindi maipaliwanag ang kaligayahang nararamdaman sa mga oras na 'yon at marahil ang tanging makapagsasabi lamang kung gaano lubos ang emosyon ay ang matingkad na liwanag ng buwan, mabining hampas ng puno at mga panggabing alitaptap. "Thank you for this unforgettable birthday, Lyndon" bulong ko sa mabining hangin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD