NANG MAKABALIK SA MANSYON ay kaagad nagmano sa ama saka dire-diretsong tutungo sana sa kwarto nang tumikhim si Daddy.
"Hindi ka raw nakita ni Toby sa mismong loob ng birthday party,"
"D-Dad?"
"Saan kayo nagpunta ng lalaking 'yon?"
"S-Sino po?"
"Huwag kang magkaila Samantha Añorivas!" seryosong untag ng ama.
"Daddy..."
"Siguraduhin mong hindi ka magkakamali dahil ang lalaking iyon ang sasalo ng lahat ng mga kapalpakan mo!" pagbabanta ng ginoo.
Hindi nakakibo saka tuluyang pumanhik sa hagdanan ngunit masama ang loob sa ginagawang paghihigpit ng ama. Maling makipaghalikan kay Lyndon subalit alam sa sariling responsable ang binata kaya kailanman ay hindi magagawang saktan nito.
Humiga sa malaking kama ngunit makailang sandali'y tumunog ang phone at mabilis nag-register ang profile photo ng lalaki. Bigla ang pagbangon ng kaba sa puso kaya hindi maiwasang mangatal bago tuluyan sagutin ang video call.
"Hi bubbly girl, are you gonna sleep now?" using his husky voice.
Nasa higaan ang binata habang nakasuot ng puting kamisetang hakab sa kanyang malaking kaha. Kitang-kita sa video ang namumukol nitong biceps rason upang makaramdam ng kakaibang init sa pisngi. Bakit kaya bagay na bagay kay Lyndon ang white glass samantalang kung ikokompara sa ibang lalaki'y tiyak magmumukhang nerd o weird ang mga ito. Nasaan ang hustisya?
"I'm a-about to sleep actually," iniwas ang mata.
Dumapa ang binata habang nakatunghay sa'kin hanggang sa namayani ang katahimikan.
"Why are you crying?" he said softly.
"No, I'm not" tanggi rito.
"Tell me bubbly girl. Is it because of me?" malumanay niyang sabi.
"Its Dad."
"I see. Anong gusto mong gawin natin?"
"W-Wala"
"You want me to come over in your house tomorrow? Manghihingi ako ng permiso sa kanya para--"
"No! I mean---don't please?" pakiusap sa lalaki.
Bumuntong-hininga ang binata habang matamang nakatunghay sa'kin. Sa ilang buwang pagkakakilala sa binata'y madaling nakabisado ang magagandang karakter ni Lyndon lalo't pagdating sa mga babae. He's always been very respectful or not even afraid to accept his mistakes.
Lyndon will be able to take fully responsible of anything therefore, if he would found out that my father really wanted to talk to him or asked. why we were seldomly seen together, I'm hundred percent sure that Harold Añorivas will put Lyndon under his manipulations. Ayokong dahil sa'kin ay mahirapan ang ibang tao para lamang sa pansarili kong kaligayahan.
"Are you sure?" he bitten his lowerlip.
"Yes."
"When I confessed my trill feelings, you were totally aware of how much I'm serious about it, right?"
Bahagyang tumango bilang sagot sa lalaki, ngunit hindi iyon ang mas ikinabahala kundi ang magiging kalalabasan o reaksiyon ni Daddy patungkol sa namamagitan sa'ming dalawa. Ngayon lamang napagtanto ang mga ganitong eksena, sapagkat masyadong naging padalus-dalos sa nararamdaman para sa binata subalit hindi ko kayang ihinto na lamang basta.
"I told you that this kind of love is very new to me. Kaya kung anumang adjustments para lamang maging maayos 'to edi gagawan natin nang paraan." ngumiti si Lyndon rason upang mas naging panatag ang aking kalooban sa mga salitang binitiwan ng lalaki.
Hindi man diretsahang aminin ang tunay na label ng relasyon ay parang magkadugtong kami ng isip ukol sa tinatakbo nang mga pangyayari sa pagitan ng bawat isa.
"L-Lyndon can you tell me what's the real score?" napakagat-labi sa pagiging agresibo ng naging tanong dito.
"It's too early to conclude bubbly girl. Hindi magandang pag-usapan ang mga ganyang bagay sa ganitong klaseng platform. This is such too informal and besides, I just only confessed my feelings six hours ago so it takes time to develop the real score between us Sam." he winked.
Hindi masabayan ang pagiging mature ng lalaki ngunit masaya sa isiping gusto rin pala ako ng taong gusto ko. Hindi nga lamang masyadong malalim ngunit maswerteng mapupunta ang batang puso sa isang Lyndon Santiago, kumbaga all in one, dahil sa kanyang karakter at pagiging maalalahanin sa babae, magalang, matalino, gwapo, at higit sa lahat palabiro. I couldn't ask for more 'coz he's an outrageously full pack!
"S-Sorry to ask you..."
"Don't be sorry. I almost forgot, you have your first class tomorrow, right?" he cooly uttered.
"Yup"
"So drink milk and go to sleep. Bye bubbly girl," tumihaya ang lalaki.
"Bye.."
"Smile first before you shut off this vid, please?" anito na parang nagpapa-cute rason upang di mapigilang ngumiti sa binata.
"There you go. Bye see you on cafe," he hastily pouted his lips as if giving me a simple kiss before I ended up the video chat.
Libu-libong kilig ang pumapaloob sa katawan habang nakatihaya sa kisame. Halos kaninang-kanina pa pabaling-baling sa higaan, sapagkat 'di mawala sa balintataw ang gwapong mukha ni Lyndon. But I have to wake up early in the morning for my first day as a sophomore.
MAAGANG TUMUNGO SA XIA sa pagbubukas nang unang semester ng ikalawang taon sa kolehiyo. Maaga kaming nagkita ni Nana ngunit sa pagkakataong 'yon ay kabaligtaran ng masiyahing kaibigan ang naabutan, dahil sa walang habas na pagrereklamo sa naganap nitong kaarawan kagabi.
Mr. Xi had a dealt with some specific investor who technically producing high-end cars from international market. Kumbaga kay Xander Fur ay mas doble o malala ang arrive sa kayabangan ng mapapangasawa ni Nana. Wala ako sa eksena noong oras na inanunsiyo kahapon ang kanilang nalalapit na kasal.
If I were in her shoe? I would also negatively reacted with this unbelievable arrangement. Kilala ang lalaki bilang aroganteng transferee sa XIA kung saan ginamit lamang ang pangalan para makahabol sa last semester, kahit sa kahuli-hulihang mga araw sa klase. Tipong tinapos muna ang buong assessment sa ibang eskwelahan bago siya nagpalipat...like hello?
Nasa loob kami ng silid-paaralan kung saan kaninang-kanina pa tinotopak ang kaibigan.
"WHAT THE f**k SAMANTHA!!!"
"Stop shouting Nana! They might hear us..." inaalo ang kaibigang kanina pa pumapadyak sa upuan.
"Best I can't take this anymore! I'd rather choose to die right now than marrying that kind of monkey beast in Arizona!" atungal ng kaibigan.
"Yuck. I have never judged anybody but I couldn't also imagine that I will wake up everyday and the first person I see is him...like hello?" napapangiwi sa mga naiisip patungkol sa binata.
"What's your plan? Anong naging reaksyon ni Troy?
"I don't know Samantha. Magulo ang isip ko hanggang ngayon, saka mas gugustuhing huwag munang pag-usapan ang tungkol kay Troy o kahit na sino."
Maya-maya'y lalong umatungal ang kaibigan ngunit hindi malaman kung paano pahuhupain si Jana kaya kahit simula ng klase'y nakaalalay sa dalaga, subalit ito mismo ang nag-paiwan sa eskwela kahit pinipilit siyang samahan hagga't hindi pa dumarating ang sundo.
Sa bandang huli'y mag-isang naglakad palabas ng gate, ngunit nang makaalpas sa loob ay halos umawang ang bibig dahil sa binatang nakapang-CEO ang ayos habang nakasandal sa kotse, kung saan may hawak na isang pumpon ng rosas. Halos kumabog ang dibdib sa lalaking diretsahang nakatingin sa gawi ko saka dahan-dahang lumapit nang nakapamulsa ang isang kamay sa pantalon.
"I'm waiting for you..." simpatikong ngiti ang ginawad ng binata na naging dahilan kung bakit natameme.
"A-Anong ah-uhm ginagawa mo rito? Wala kang p-pasok sa opisina?"
"I took my offset."
Tiniklop nito ang manggas ng kanyang puting polo saka hinubad ang coat at binitbit sa likod matapos ibigay sa'kin ang naturang bulaklak. Maraming estudyante ang nakamata sa'min kung saan karamiha'y mga senior student ng XIA na halos kasabayang lumabas ng eskwelahan.
Hindi nakapagtataka dahil kilala ang HOMIGEN bilang precious alumnus ng eskwelahan sapagkat isa ang grupo ni Lyndon sa mga may pinakamalaking shares sa Xavier International Academy bukod sa Apostolos Clan.
"Did you take you dinner bubbly girl?" putol nito sa pananahimik ko.
"Huh? Nope not yet."
"Let's go to cafe' or you want some heavy meal?"
"P-pwede ba tayong kumain ng kulay orange na egg?"
Kumunot-noo ang binata dahil kakaiba nga naman ang pagkaing 'yon.
"I just saw it on website. Streetfood I guess?"
"I see. Honestly I have no idea where do we find those food."
"Just follow me..." hinawakan ang kamay ng binata saka tumungo sa sasakyan nito.
Lyndon opened the door for me and tapped my head before he went at the other side of his car.
Maya-maya'y tinuro sa kanya ang lagpas ng eskwelahan kung saan nakahilera ang mga sari-saring tindahan hanggang sa mamataan ang tinutukoy na streetfood. Nagmamadaling bumaba sa kotse kasabay ng binata saka lumapit sa mamang nagtitinda ng orange egg.
"Magkano po 'yan kuya?"
"Dos isa ineng."
Nagkatinginan kaming dalawa ni Lyndon at magkapanabay na nagtawanan na sadyang pinagtaka ng tindero, marahil nahalata nitong ignorante sa mga gano'ng klaseng pagkain.
"Are you sure is this all you want?"
"Ahuh"
"Manong itong bayad" inabot ni Spongy Babe ang isang libo sa tindero ngunit tinanggihan ng ginoo sapagkat wala raw panukli.
"Sa inyo po muna, baka kasi maparami nang kain 'tong paslit na kasama ko" anang lalaki.
"Hey what did you say?"
"Nothing."
I pouted because of how he addressed me as a little kid.
Hindi mapigilang humanga sa binata sapagkat kayang-kaya nitong dalhin ang sarili sa mga ganitong lugar, kahit sabihing hindi bagay ang mala-CEO na datingan ng kanyang suot. It's kinda cute in my eyes while he was trying to eat these kind of finger food.
"Want some egg bubbly?" tumusok si Lyndon ng kwek-kwek saka iniumang sa bibig ko dahilan upang kiligin sa kilos nito.
"Thank you L-Lyndon"
"How 'bout me?" he puppy-eyed.
Nag-aalinlangan man ngunit hindi naging hadlang para tugunin din ang kanyang pagiging matamis, kapagkadaka'y natapos kaming kumain at talagang nabusog sa kwek-kwek. Ilang minuto ring nagtagal sa tindahan saka nagpakabondat sa mga murang pagkaing tinda ni Kuya, bago nagyaya ang binatang bumalik sa tapat ng XIA.
"I had fun eating a peculiar dinner with you..." he bitten his lips while driving.
"M-Me too"
Muling natahimik animo walang gustong magsimula nang mapag-uusapan, miski sarili'y gustong pigilan o kontrolin ang kilig na nararamdaman kahit magkatabi lamang sa sasakyan.
"When will I meet your Dad?" I remember you told me before that he wants to meet me, right?" natawa ito.
"Huh, sinabi ko ba 'yon? Parang wala akong natatandaan?" pinipilit ilihis ang tungkol doon sapagkat ayokong madamay si Lyndon sa pagiging diktador ng ama.
"Okay, I understand maybe some other time when everything is already perfect I guess?" makahulugang ngumiti ang binata ngunit masyado yatang nahipnotismo sa kanyang mga nakakakilig na gawi, kaya di man lamang napansing nasa tapat na mismo ng XIA.
"Ha?"
"Are you alright? Did I make you uncomfortable?" pilyong ngiti nito.
"H-Hindi"
He softly laughed then suddenly dragged my nape to peck a rush smooch onto my lips.
Naestatwa sandali nang maramdaman ang mainit na halik ni Lyndon. Di makapaniwalang muling matitikman ang malambot na labi ng binata, at habang tumatagal ay lumalalim ang kanyang halik, buti na lamang ay tinted ang sasakyan ni Spongy Babe.
"Uhm, Lynd--" I can't formulate any words on my mouth 'coz he fully envaded my ledge.
Naramdaman ang kanyang masuyong halik sa ilong kapagkadaka'y matamang tumigil ang lalaki...
"I'm sorry I can't help it god!" he frustratingly said.
"Its mutual." simpleng saad dito.
"I miss your f*****g lips eventhough we did the same thing last night, thus I took my offset today just to see you."
"Ginugulo ba kita?"
"No--god no, no bubbly girl"
Matagal kaming natahimik habang nakatingin sa harapang salamin ng kotse, hanggang sa marahang dinantayan ng binata ang aking pisngi.
"Alright, I'll call you later when you get home. Baka kanina ka pa hinihintay ng sundo mo." seryoso ang ekspresyon ng mukha habang patuloy nitong hinahaplos-haplos ang aking pisngi.
"Salamat sa libre at sa, sa bulaklak" anas rito ngunit parang hindi makokompleto ang gabi kung di mapagbibigyan ang sariling kagustuhan, dahilan upang ako mismo ang dumukwang sa binata para gawaran ng halik si Lyndon na mabilis nitong tinugon.
Umarko ang labi at mas pinalalim ang aming sagupaan kahit walang kaalam-alam kung paano ang tamang paghalik. He tried to enter his tongue inside my mouth which cause me to crave for more.
"Uhm b-bubbly" ungol nito hanggang sa bumaba ang kanyang halik sa leeg, subalit doon lamang naglakbay ang binata. Ni hindi hinawakan ni Lyndon ang kung anong umbok sa'king katawan, di katagala'y siya mismo ang kusang umawat sa ginagawa naming dalawa.
"Bubbly girl c'mon your driver might be waiting for you outside," he softly captured my chin.
"S-Sorry"
"Shh. Don't say that, I honestly love your kisses but we must stay decent..." bahagyang sinayad ni Lyndon ang kanyang daliri sa'king labi bago ito lumabas ng kotse upang pagbuksan ako. Tama nga ang sapantaha ni Spongy Babe dahil nakaparada sa gilid ang sasakyan ni Daddy, kung saan naghihintay si Manong Toby at tinitiyak sa sariling magsusumbong na naman ang matandang drayber sa ama.
Hindi pinansin ang lumarawang gulat sa matanda, saka pabalewala sanang lululan sa kotse nang muling tawagin ni Lyndon.
"Bubbly girl you forgot this..." he waved the bouquet of flowers henceforth, I ran towards the man and halted the roses then later on, he just made a salute gesture.
"Salamat!" anas ko bago tuluyang lumulan sa kotse.
ISANG LINGGONG HINDI nakita si Lyndon matapos ang tagpong 'yon, ngunit hindi naman nagkulang sa chat o videocall ang binata. Abala raw ang buong HOMIGEN sa gaganaping malaking proyekto sa Davao kaugnay ang bubuksang venture ng Del Fierro kung kaya hindi masyadong nagagawi ang lalaki maging sa cafe'.
Kasalukuyang tumungo sa Love at 60's upang hintayin doon ang kaibigang si Jana, sapagkat humingi ng pabor ang dalagang samahan siya sa mansyon o matulog sa kanila: Slumber Party kumbaga!
Pagpasok sa loob ng cafe'y kaagad binati ni Sasha at ilang crew, kalaunan ay sinipat-sipat ang paligid dahil nagbabakasaling magawi si Lyndon sa lugar nang mayroong tumikhim mula sa likuran.
"Looking for someone iha?" ani Granmy Lina.
"Granmy!" sumigla ang boses.
"It's nice to see you again Samantha..."
"Kayo rin po Granmy, hindi na 'ko masyadong nagagawi rito dahil medyo busy sa mga activities po," imporma sa matandang babae.
"Ganun ba? Teka nasaan na'ng tutor mong gwapo?" kumislap ang kapilyahan sa kanyang mata.
"S-Sino po?"
"Inaaway ka pa ba ng batang 'yon?"
"Naku Granmy hindi na po, mukhang natakot po yata sa inyo,"
Humalakhak ang ginang hanggang sa lumapit si Granpy Andres saka inabot ang isang mug ng kape sa kanyang esposa.
"Iha mabuti't nadalaw ka sa cafe'..." masiglang bati ng ginoo habang nakayapos ang kamay sa beywang ni Granmy, kaya di 'ko maiwasang kumalumbaba sa harap ng dalawang matanda.
I'm dreaming that someday, me and Lyndon will be similiar to these two oldies.
Naputol ang usapan nang pumasok si Jana sa loob, dahilan upang ipakilala rin sa matatanda ang kaibigan, ngunit di rin nagtagal sapagkat nagyaya ang kaibigang umuwi, datapwat bago umalis ay pinabaunan ng mag-asawa ng paborito kong perfect combo. They were very sweet tho'
Maya-maya'y nakarating sa mansyon ng mga Xi, hanggang sa tumuluy-tuloy sa loob ng kanyang malawak na silid. Walang pakundangang humilata sa kama ni Jana habang panay ang kwento ng dalaga ukol sa mga kalokohang nagawa noong isang araw patungkol kay Troy. She even called me up and put me as her accomplice...baliw talaga si Nana sa lahat ng mga baliw sapagkat kamuntik ikapahamak ng binata ang ginawa nitong kalokohan kasali ang kasambahay na si Inday.
"Fudge! You really did that? You're the most craziest lady I've known periodt." tawang-tawa sa kwento ni Nana kung saan sinamahan pa nito ng wagas na re-enactment.
"But of course, he needs to pay for every pain and sorrow which I experienced from those past years that I'm in love with him...like duh?" kuntodo-irap ang katabing dalaga sa kama.
"How would you know if when will you badly need to thwart pursuing the man that you really love?" I just randomly asked her.
Biglang sumeryoso ang kaibigan saka ngumiti na hindi umabot sa mata.
"In fairness, that's the most difficult question I have heard so far..." she sighed.
Parehas kaming nakatihaya't matamang nakatingin sa kisame, nang biglang bumaling ang dalaga sa gawi ko.
"Kumusta nga pala kayo ni Lyndon?" anito.
I was really caught up with her queries therefore, I haven't immediately answered her curiousity.
"Oh-my-god! Is that a f*****g confirmation? Bakit ka natahimik ha? My gosh Sammy!" Jana covered her mouth and hastily assumed that there's something mutual about me and Lyndon.
"Bakit hindi ka nagkukwento? Ang daya-daya mo talaga!" inalug-alog ng dalaga ang aking braso habang nakahiga kami sa malawak na kama nito.
"Bakit nagtatanong ka ba?"
"I hate you Samantha Añorivas! Why you didn't tell me---OMG! did you guys touch the first base?"
"I'm not a kiss and tell Jana."
"But I demand an update...like duh?"
Hindi pumayag sa kagustuhan ng kaibigan, dahilan upang akma sanang haharutin ni Nana ngunit naputol ang tawanan nang tawagin ni Yaya Cita mula sa labas.
"Iha, pinatatawag ka ni Don Eduardo sa baba!"
"Yes Yaya we'll be going downstairs thanks!" anang kaibigan rason upang mabilis kaming pumanaog sa baba, subalit parehas kaming natigilan sa naabutang unggoy sa sala.
"Nana I'm just going to wait you upstairs. You have visitor pala..." anas sa kaibigan ngunit hinila ng babae palapit sa kanya.
"Stay here or I'll kill you." she warned me.
Muntik matawa sa mga kinikilos ni Nana ngayong kaharap niya ang mapapangasawa. Ew!
"Ang ganda-ganda talaga ng mapapangasawa ko,"
Yuck. I was about to p**e right now not only with his face but also with his airborne bragging.
"Salamat Lemme." nakangiwi ang dalaga.
Ilang huntahan ang naganap nang bumaba sa hagdan si Troy kasunod ang babaeng kinaiinisan ng kaibigan kaya pasimpleng inirapan ang haliparot dahil halatang nakikipagplastikan din lamang siya sa'ming dalawa ni Jana.
"Baka gusto niyong sumama sa date namin ni Troy?"
"No need" tanggi ni Jana.
"Why not iha? Isama mo si Lemme para lubos kayong magkakilala," sabad ni Tito Eduard.
"I'm very much free Tito but I only have limited time," anaman nito.
"Kahit 'wag na!" bulong ng kaibigan na ikinatawa hanggang sa sumagi sa isip ang gwapong imahe ni Lyndon.
It's seems a huge opportunity to see my Spongy Babe!
"C'mon Nana don't be so killjoy...like hello?" pangungumbinse sa kaibigan kaya ang siste'y napilitan kaming sumama sa date nina Troy at Coleen.
HABANG NAKALULAN SA sasakyan ni Lemme kasama ang mga bodyguard ng binata'y biglang hinatak ni Jana ang buhok.
"Ouch best! What's wrong with you?" bulong ko rito.
"Kapag ako nilamon ng unggoy na 'yan mumultuhin kita Samantha!" iritadong saad ng babae na binalewala lamang saka muling sinipat ang sarili sa compact mirror.
"I'm not afraid 'coz you were dead tho," biro ko rito dahilan upang muling hilahin ni Jana ang aking buhok.
I have to fix my hair and face 'cause any minute now, will be my chance to finally see the love of my life. Kalauna'y huminto ang magka-convoy na sasakyan sa isang malawak na Golf Arena.
"Hey, be here guys!" tawag ni Lyndon mula sa malayo rason upang makuha nito ang buong atensyon ng lahat.
"Could we go there quickly? Tumatawag na si Spongy Babe" mabilis dumako ang mga mata nina Troy sa gawi ko na tila takang-taka.
"Uh--I mean Kuya Lyndon is calling us...like hello?"
Naiilang na untag sa mga kasabayang naglalakad sa pathway, hanggang sa nakipag-unahang sa mga ito upang 'di mahalata ni Jana o ni Troy ang pagkasabik na nararamdaman sa muli naming pagkikita ni Lyndon.
"S-Samantha you're here..." nagulat ang binata.
"B-Bakit ayaw mo?"
"Hindi naman kaso..."
Napalis ang ngiti nang mayroong tumawag sa mismong bahagi ng golf clubhouse.
"Lyndon, how can I hit this?" ani Cassy mula sa malayo na sadyang nakaposisyon ang hawak na mashie, tila iniwan lamang ng binata upang salubungin si Troy ngunit hindi niya siguro inaasahang kasama kami ni Nana.
"Hi Samantha!" magiliw ding bumati at kumaway ang babae sa gawi ko.
"Go back to her. Mukhang kailangan niya ng tulong mo sa pagpalo ng bola Kuya Lyndon." mariing untag sa binata.
"S-Samantha..." nag-aalinlangan ang ekspresyon ng mukha nito.
"Did I surprise you?" I sarcastically uttered.
"Let's talk later..."
"No need, you don't have to explain everything. Hindi mo kailangang maging nice sa lahat ng tao, dahil maaaring iba ang ipagkahulugan nila sa sweetness mo...tulad ko?"
Nilagpasan ang binata ngunit mariing hinagip ni Lyndon ang aking kamay subalit ako mismo ang kusang kumawala rito, saka dumiretso ng golf clubhouse kung saan binati o sinalubong nina Richmond at ilang mga miyembro ng HOMIGEN. Maya-maya'y nakisali sa usapan ng mga kalalakihan dahil maayos ang pakikitungo nila subalit mas lamang ang pag-aalala sa kaibigang si Nana kung kaya pasimpleng tinawag ang dalaga.
"Psst. Jana come here..." paanyaya sa babae ngunit umirap ang kaibigan saka dumako ang mata sa tsonggong katabi nito, animo sinasabing hindi makalapit sa kumpulan dahil kay Lemme. Samantala, hindi rin makapag-paalam sa mga kaibigan ni Lyndon kaya 'di maiwasang makahalubilo ang binata.
He keeps on glancing at me though' I always avoid his stares 'cause I'm still jealous and felt betrayed by him. Ako lamang yata ang nag-assume na mutual kami?
"Rich mukhang mas magaling pa yata sayo si Samantha ah?" kapagkadaka'y banat ni Lou.
"Imbento ka buddy!" he raised his middle finger to his girl bestfriend.
Natawa lamang sa mga pasaring ng dalawa sa isa't-isa habang sina Derreck at kasama nitong babae'y panay ang tawanan sa bleacher.
"Hindi mo matatalo si Lou pare," ani Kuya Alex.
"Epal ka Fuentabella!" singhal ng binata.
"Himala hindi yata kumikibo si Santiago?" sabad ni Xavier saka dumako ang mata sa nakaupong lalaki sa sofa.
"Syempre kasama si Cassy," singit ni Troy na sadyang nakapulupot naman ang kamay sa beywang ng kababata nitong si Coleen.
Inirapan ang dalawa sapagkat sila ang wagas na paalalang maraming paasa sa mundo, kapagkadaka'y sandaling nagpaalam sa mga ito upang kumustahin ang kaibigan, ngunit bago lumapit kay Jana ay nagpasyang sumaglit muna sa comfort room, hanggang sa ikinabigla ang paghaklit ni Lyndon sa'king kamay saka dinala sa hindi mataong bahagi ng golf arena.
"Bitiwan mo 'ko!"
"Let's talk."
I'm about to go but he just halted me back at him.
"Hindi ako sanay."
"Paasa ka alam mo ba 'yon? Hindi porket bata ako 'di ko alam kung inuuto lamang ako ng isang tao. Akala ko busy ka? Is this what called busy? Kung hindi siguro pumayag na sumama rito, malamang nagsasaya ka kasama ng ibang babae." singhal ko.
"Look, let me explain please?"
"Doon ka magpaliwanag sa presinto dahil walang lugar sa mundo ang mga katulad mong manloloko. Is that your technique to catch girls or women? You'll pretend to be good, respectful, and gentlemen just to fool them?"
Tatalikuran sana subalit muling hinawakan ang aking braso dahilan upang lumipad ang palad sa mukha nito. I was merely shocked when I uncontrollably slapped his face.
"S-Sorry..."
"It's okay," he softly said.
"Just leave me alone." sabi ko rito.
"I-It's my fault, coz I maybe unintentionally hurt your feelings..." Lyndon gently muttered.
Hindi makayanan ang pagiging mabait ng lalaki tila nakaramdam ng guilt sa nagawa ngunit dahil nangingibabaw ang pride, kaya ako na mismo ang kusang lumayo sa binata.
"Samantha..."
Imbis lingunin si Lyndon ay tuluyang pumasok sa loob, di katagala'y saktong nasalubong si Cassy sa daanan. She smiled at me though, I didn't respond with her friendly gesture.
"Hi Sammy, do you happen to know if where is Lyndon?" putol nito.
"No, I'm sorry..." dinanaan lamang ang babae ngunit nagulat sa sinabi nito.
"Did he gave you his gifts?" nagtataka ang babae.
"W-What?"
"Oh I apologize. Siya dapat nagsasabi sa'yo pero mukhang bad mood ka raw?" natatawa ang babae tila inaarok ang totoong emosyon ko.
"Hindi kita maintindihan ate..."
"Never mind. I won't disclose anything unless he tells me to do it."
Tuluyang lumampas ang dalaga upang sundan o sunduin marahil ang binata. Samantala, naiwang natitigilan sa mga katanungan sa isip kung anong mga sinasabi ni Cassy.
"What gift?" I frowned.