SAKAY kami sa jet ski ni Prince siya ang ang nagmamaneho habang nakayakap ako sa kanyang likuran. Mahina lang ang pagpapatakbo niya dahil ene-enjoy namin ang dagat. Panay ang lingon ni Prince sa akin kaya nasasagi niya ang pisnge ko dahil nakadantay ang baba ko sa balikat niya habang nakayakap padin ako sa kanya. Ngunit ang tahimik naming pagbabay-bay ay biglang dinistorbo ng mga asungot. Sa subrang bilis ng pagpapatakbo ni Steve sa Jet ski nila habang nakayakap din sa kanya si Rose ay natalsikan kami ng tubig. Pumasok paata ang ibang tubig dagat sa tenga ko. "Mamatay na sana kayu, gma papansin!” Malakas kong sigaw sa mga ito pero ang hinayupak na Steve tinaas ang hintuturo at pinakyuhan lang ako. "Kumapit ka hahabulin natin sila" Saad saakin ni Prince pero tumanggi ako. "Hindi sila

