Steve’s POV Bro? Bro? "Steve?” "f**k! Steve, wake-up!” Biglang nagising ang binatang si Steve mula sa malagim na bangungot. "Where is she? Where is Carmela?!” "Baby?” Tumakbo ang binata palabas ng kanyang silid at agad na hinanap ang dalaga. Bakas sa mukha nito ang gulat, pangamba, samu't saring mga guni-guni ang nasa isip ng binata habang tumagaktak ang pawis sa noo nito. Subalit hindi niya makita ang kanina pang hinahanap na si Carmela. "Steve, calm down!” Sunod sa kanya ng pinsan na si Razel. "No! Where is Carmela, Razel? Where is she?!” Baling ng binata sa pinsan na si Razel na ngayon ay kwenelyuhan pa niya ito. "What are you talking about? Carmela who?” Sagot naman ng pinsan dahil hindi naman niya kilala ang hinahanap nitong babae. "Look, nanaginip ka bro. Mag-rel

