DINALA siya ni Marco sa sementeryo sa bayan ng Maria Makiling at iniwan niya ito, dahil iyon ang hiling ng dalaga. Palakad-lakad ang dalaga habang panay p arin ang agos ng luha nito. Magtatakip-silim na pero hindi niya pa rin mahanap ang nitso ng anak na pinagalanan niyang Steven hanggang sa may lumapit sa kanyang isang matandang lalaki. "Hija? Ayus kalang ba? Ako pala si Moloy at ako ang nagbabantay dito. May maitutulong ba ako sa 'yo? Napansin kasi kita kanina kapang palakad-lakad" "O-opo. Yung anak ko po, hindi ko po kasi mahanap ang pangalan niya, Steven Montenegro po ang pangalan ng anak ko." Hikbing tugon ng dalaga. "Steven kamu? Abay sandali... Dumito kalang babalikan kita.” Napa-upo ang dalaga sa isa pang nitso at pinunasan ang luha sa mata habang hinihintay niya ang matanda.

