Zyrielle’s POV
"Hell no!" sigaw ko sa sinabi sa akin ni dad. Hindi ako makapaniwala sa sinabi nila na halos mabilis akong napatayo sa pagkaka-upo sa sofa at tinignan silang dalawa.
"But you need to do it," he said like it easy to do it.
"No no no and no! I will never do it! Hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko kilala dad! Mas lalo na sa taong hindi ko naman mahal!" Halos maghabol ako ng hininga dahil sa malakas kong sigaw na 'yon.
'Just what the f**k! Umuwi ako para lang sa pesteng balitang 'yon?!'
"But sweetie, nakaplano na ang lahat at ikakasal na kayo sa susunod na araw." Mabilis akong napalingon kay mom dahil sa sinabi niyang 'yon.
"What the hell! You've been planning this long time ago, right?! And now, you will tell me like it was nothing?! And wait, plinano niyo 'to kahit hindi ako pumayag?!" iritang sigaw ko.
'Tang'nang arranged marriage na 'yan! Argh!'
"Calm down sweetie,"
"Calm down? Really mom? Seriously? How can I calm down after knowing that I'll f*****g marry someone the day after tomorrow?! Marry someone who I don't even know nor loved!" I yelled. I want to scream so much just to lessen my anger.
Fuck!
"Pero kung hindi mo ito ginawa, kung hindi ka magpapakasal kay Jezzin, babagsak ang kompanya natin. Tutulungan nila tayo pero ang kapalit ay ang magpakasal ka sa tagapagmana nila, kay Jezzin."
Babagsak ang kompanya at para maisalba 'yon, magpapakasal ako sa anak ng business partner ni dad? Sa tang'nang Jezzin na iyon?
"And that f*****g company is more important than me, your daughter? Seriously, dad?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Ang kompanya natin ang siyang bumubuhay sa atin, anak."
So that's the reason hah? Yun ang bumubuhay sa 'min? Aba, nakakaputang'na!
"Buhay at kinabukasan ko din ang pinag-uusapan dito dad! Bakit gano'n nalang kadali para sa inyo na gawin akong 'pamalit' sa tulong ng business partner niyo na isalba sa pagbagsak ang kompanya natin? Hindi lang naman iisa ang kompanya natin dad, eh." naluluhang sabi ko.
"Pero mahalaga sa lolo at lola mo ang kompanyang iyon, Laine..."
"Pero ako, mahalaga ba ako?" tanong ko kasabay ng pagtulo ng luha sa mga mata ko. "Ano ako, exchange gift lang?"
Parang sinasaksak ang puso ko ng paulit-ulit. Ang sakit, sobrang sakit na malaman na ipinalit ako ng magulang ko sa isang kasunduan para lang maisalba ang kompanya namin. Para akong isang bagay na bigla nalang pinagsawaan.
"Sweetie... hindi din namin ito gusto, pero..."
My tears kept on streaming down my cheeks.
"Pero w-wala kayong choice, gano'n ba mom?" lumuluhang tanong ko. "Because the only choice left is an a-arrange marriage? That I need to marry their heir for them to help us to save our company? Am I right? At ano ang matatanggap ko sa naging kasunduang 'yon? Isa lang naman, masisira ang b-buhay ko."
"Hindi masisira ang buhay mo dahil mayaman din sila gaya na--"
"I don't care about their money!" sigaw ko na halos pumiyok na ako. "I did all the things you want, mom, dad. Hindi ko hinayaan na bumaba ako sa pagiging top 1 noon sa mga klase, hindi ko din hinayaan na magkaroon ng kahit isang mali sa mga quiz mas lalo na sa mga exams ko. You also know that I don't want to take business because I want to become a doctor. Kaya kaysa abutin ko ang pangarap ko, mas pinili ko yung gusto niyo. I sacrifice my dreams just to pursue your dreams for m-me. At bakit ngayon, kailangan ko na namang magsakripisyo? Hindi pa ba sapat na sakripisyo yung pangarap ko na kailangan ko na namang magsakripisyo ngayon, isakripisyo ang kinabukasan ko?"
"I'm sorry sweetie, I'm sorry. Mahirap din para sa amin ito, pero ayaw din naming pagsisihan balang araw na hindi man lang kami gumawa ng paraan para lang maisalba ang kompanya sa pagkakabagsak nito." umiiyak na wika ni mom.
I sighed and look at them with serious face. "You make me feel that our company is more important than me. Then, if I accept that arrange marriage, am I free to hate the two of you?"
"P-princess..." I see pain in my father's eyes.
Sawa na ako, sawa na akong magsakripisyo nang magsakripisyo masunod lang ang kagustuhan ng magulang ko. I'm really really tired and I want to end it up.
"Susundin ko kayo sa huling pagkakataong ito. Pero sa oras na matapos ang kasal, hindi kayo malayang kausapin ako. You choose the company over than me, then I choose to hate the two of you for doing that."
"S-sweetie... wag naman ganyan, please?" my mom said, almost begging.
"Kung magmamakaawa din po ba ako sa inyo na itigil ang arrange marriage na 'yon, gagawin niyo po ba? Will you do it for me?" seryosong sabi ko at hindi sila naka-imik pareho.
I laughed mockingly. "Then, not speaking means you can't do it for me, right?"
I smirked to hide my anger, and most of all, to hide the pain that almost killing me inside right now.
Hindi ako seryoso sa sinabi kong kakainisan ko sila pagkatapos ng kasal, pero, kapag makita ko lang sila ay nasasaktan ako, nasasaktan sa katotohanang mas pinili nila ang kompanya kaysa sa akin na anak nila.
Maybe all my sacrifices wasn't enough, so I need to sacrifice my life and my future for it to be good enough.
Pakiramdam ko, para akong laruan na ibenenta at ang bumili sa akin ay malayang paglaruan ako kahit sa anong paraang gusto niya.
I sighed and before I look straight on my dad. "Pumayag din ba ang lalaki sa kasunduang ito?"
Matagal bago siya nakasagot. "Yes."
I know. Sino nga ba naman ang tatangging lalaki kapag babae na ang pag-uusapan?
Hinilot ko ang sentido ko at parang tangang tumawa bigla. "I need to rest. Kadarating ko lang, binigla niyo na ako."
"My princess..."
"Tell them that I agree with it. And please, wag niyong kalimutan ang sinabi kong kapalit nito, hindi kayo malayang kausapin ako pagkatapos ng kasal dahil ayaw kong makita ang mga pagmumukha ng mga taong may dahilan kung bakit magiging mesirable ang buhay ko. The company will be safe now. Enjoy and celebrate." Agad na akong pumanhik papunta sa kwarto ko at ikinulong ang sarili ko do'n buong maghapon. Hindi din ako lumabas para kumain. Wala akong gana.