Chapter Thirty One

2355 Words

NAGTATAKA man kung bakit tinutulungan siyang tumakas ni Lorraine ay sinunod na lang ito ni Eloisa. Wala rin naman siyang pagpipilian. Matagaumpay siyang nakababa sa terrace gamit ang kumot. Pero basang-basa siya dahil sa lakas ng ulan. Nagulat siya nang inalis ni Lorraine ang pagkakatali ng kumot nang makababa na siya. Sinigawan siya nito na gamitin iyon para tuluyan na siyang makababa. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Mabilis niyang itinali ang kumot sa may barandilya ng terrace at agad na bumaba. Kapos ang kumot pero kaya na naman niyang tumalon kaya bumitaw na siya sa kumot. Hindi naging maganda ang bagsak ng mga paa niya sa lupa kaya nakaramdam siya ng pananakita doon. Muli siyang napatingin sa pinanggalingang bintana at nanlaki ang mata niya nang makarinig siya ng dalawang putok

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD