GANOON na lang ang kasiyahan na naramdaman ni Eloisa nang marinig niya ang tila boses ni Theo na naghahanap sa kaniya. Walang tigil nitong kinakatok ang pinto ng silid na kaniyang kinaroroonan habang tinatawag ang kaniyang pangalan. Lalapitan niya sana ang pinto para buksan iyon pero pinigilan niya ang kaniyang sarili. “Hindi… Hindi ako pwedeng magpadala sa bugso ng damdamin ko. Isang katangahan kung papatawarin ko si Theo. Mahal ko pa siya pero ang ginawa niya sa akin ay walang kapatawaran!” Mahinang sabi niya sa kaniyang sarili. Inisip niya ang ilang taon na paghahandang ginawa niya para sa kaniyang paghihiganti. Hindi iyon pwedeng masayang ng ganoon lang tapos siya pa ang dahilan ng pagkasira ng lahat ng plinano niya. Huwag kang tanga, Eloisa! Ginusto ni Theo na mamatay ka noon baka

