GANOON na lang ang labis na pagpigil na ginawa ni Eloisa sa kaniyang sarili na lapitan si Theo nang lumuhod ito at nagmakaawa na kausapin niya ito. Ang tapang-tapang niya noong hindi pa ito nakakaharap ngunit ngayon na abot-kamay na niya ang paghihiganting ilang taon niyang plinano ay pinanghihinaan naman siya ng loob. Nagbalik lahat ng pagmamahal na meron siya para kay Theo sa muling pagku-krus ng kanilang landas. Tumayo ka nga diyan, Theo! Sigaw ng utak ni Eloisa. “Eloisa, alam kong ikaw iyan. Please, kung may kasalanan man ako sa iyo, patawarin mo ako…” Walang tigil ang luhang sabi ni Theo sa kaniya. Tumiim ang bagang niya. Ayaw niyang ipakita ang awa sa mukha niya. Ang bilis mo namang nakalimutan ang kasalanan mo sa akin! Ikaw ang humiling na mamatay na lang ako kaya nangyayari ang

