WALA nang nagawa si Theo nang pigilan siya ng isa sa mga bodyguard ni Elisa. Kahit anong pagpupumiglas niya ay mas malakas sa kaniya ang lalaking may hawak sa kaniya. Gusto niyang lapitan si Elisa pero hindi na nito pinakinggan ang pagtawag niya dito. Nang alisin nito ang maskara kanina at makita niya ang hitsura nito ay bumilis ang t***k ng puso niya. Naalala niya ang pakiramdam ng unang beses niyang nasilayan ang kagandahan ni Eloisa. Naramdaman niya ang pamilyar na damdamin nang makita niya si Elisa. Oo, nagpakilala ito bilang si Elisa Alcantara pero iba ang sinasabi ng puso at utak niya—ito si Eloisa. Ang kaniyang mahal na asawa. Ang tinding nito, pagsasalita at maging ang paraan ng pagtingin nito sa kaniya ay si Eloisa lahat iyon. Hindi siya maaaring magkamali dahil ilang taon na ni

