MAKALIPAS ang tatlong buwan… Masuyong pinupunasan ni Theo ang kamay ng kaniyang asawa na si Eloisa gamit ang towel na bahagyang binasa. Sa kasalukuyan ay nasa ospital pa rin si Eloisa at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising. Ngunit sa kabila ng lahat ay hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Theo na isang araw ay diringgin ng Diyos ang kaniyang ipinagdarasal na sana ay magising na ito. May mga tubo pa rin na nakakabit sa katawan nito. Ang mga iyon ang tumutulong dito para mabuhay. Upang maalagaan ang kaniyang asawa ay hindi na siya bumalik sa Japan. Naintindihan naman siya ng kaniyang boss na mas kailangan siya ng kaniyang asawa kaya ibinalik na lang siya nito sa kumpanya ng mga ito dito sa bansa. Nagtatrabaho pa rin naman siya dahil kailangan niya ng pera para sa gastos ni Eloisa sa

