NAPANSIN ni Lorraine ang panlalamig ni Theo sa kaniya simula ng dumating ito. Para bang wala itong gana kahit na sinorpresa niya ito sa kanilang anniversary. Kahit masakit sa kaniya ang reaksyon nito ay isinantabi na lang niya iyon. Baka kasi pagod lang ito sa trabaho. Ngunit ang hindi niya kayang palampasin ay ang pagbanggit nito ng pangalan ni Eloisa mula sa kawalan. Hindi naman nila pinag-uusapan ang namatay nitong asawa pero binanggit nito ang pangalan. Samantalang dati, ito ang nagbabawal na sabihin ang pangalan ni Eloisa. Hindi naman siya manhid. Ramdam niya na noong una lang magaling si Theo. Noong una lang niya naramdaman na gusto talaga siya nito. Ngunit nang lumipas ang ilang buwan ay nanlamig na lang ito sa kaniya. Parang gusto na tuloy niyang paniwalaan ang sinabi noon ni Mar

