“HINDI po ako gutom, tita! Nakita ko po talaga si Eloisa. Siya talaga iyon. Maniwala naman po kayo!” Naitirik na lang ni Daisy ang mga mata nang ipilit ni Lorraine na nakita nito si Eloisa. Imposible naman na mangyari iyon dahil patay na ito at abo na ito. “Okay, okay! Kung nakita mo siya, edi, nakita mo. Malay nga naman natin na nabuo ulit iyong abo niya tapos naging tao. Ang galing, `no? O, siya. Dito ka na lang muna at isusukat ko lang itong mga damit na napili ko. Dito ka lang. Huwag kang aalis,” aniya dito at iniwan na niya ito. Hinanap niya ang fitting room na nakita naman niya agad. Okupado ang limang fitting room kaya naghintay na lang muna siya sa labas. Nakabukas iyong pinto ng fitting room para sa mga senior citizen at PWD pero ayaw niya doon. Hindi pa naman siya senior citize

