Chapter Twenty Five

2132 Words

KINABUKASAN, pagkatapos ni Lorraine na magturo sa school ay sinundo na siya doon ni Daisy at Madel. Papunta sila ng mall para bumili ng susuotin nila sa party ni Elisa Alcantara. Wala man siyang ideya kung sino ang babaeng iyon at ayaw din naman niyang pumunta ay napilitan na lang din siya dahil sa pamimilit ni Daisy. Kailangan niyang sundin ang lahat ng gusto nito para mas lalo siya nitong magustuhan at magkasundo lagi sila. Siyempre, para hindi siya maiwanan ni Theo. Hindi katulad ni Eloisa noon. Ayaw dito ni Daisy kaya inaalila nito si Eloisa. Ayaw naman niya na mangyari sa kaniya ang ganoon. Tig-isang summer dress ang binili nilang tatlo. May buri hat pa para naman kumpleto ang kanilang summer outfit. Pagkatapos makabili ay umuwi na rin agad sila. Humiwalay na siya sa dalawang kasama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD