GUSTO nang umalis ni Theo sa islang iyon kanina pa. May nararamdaman siyang hindi maganda na hindi niya maintindihan kung saan nanggagaling. Parang may mali kasi. Hindi naman nila kilala si Elisa Alcantara pero inimbita sila nito sa welcome party nito. Ngunit maaari din naman na tama ang sinabi ni Yaya Madel na baka nag-random invite lang si Elisa Alcantara at napasama sila doon ng hindi sinasadya. Pero nakakapagtaka pa rin kung paano sila nasama sa pagpipilian ng iimbitahan nito. Ngunit gustuhin man niya na umalis na lang doon ay hindi naman pwede. Ayaw naman niya na magtampo na naman si Lorraine sa kaniya. Ang laki na ng atraso niya dito dahil sa ginawa niya noong nakaraang anniversary nila. Nanatili lang siya sa kwartong pinagamit sa kanila habang ang tatlong babae na kasama niya ay l

