“Pero nakukuntento ka ba ng ganiyan?” biglang tanong ni Keith dahilan kaya napatingin siyang muli rito. “Anong ibig mong sabihin?” Ngumisi ang lalaki. “Well, mag-asawa kayo pero hindi pa rin kayo araw-araw nagkikita. And a married couple should be sleeping together at night, right?” tudyo nito. Napaungol si Brad at mariing pumikit. “s**t, don’t remind me.” Dahil sa nakaraang mga linggo ay palagi siyang dinadalaw ng mga alaala ng gabing pinagsaluhan nila ni Almira. Palagi rin niya iyong naalala sa tuwing nagdidikit ang mga balat nila. And always, it makes him want to hold her close and relive that night. Every touch, every kiss, every sound she made. Every moment of it. At gusto niya na kapag naulit iyon ay pareho silang nasa tamang pag-iisip. Napahinga ng malalim si Brad sa itinatakbo n

