DISASTER. Iyon ang nasiguro ni Brad na kahahantungan ng press conference nang sandaling makita niyang may itaas na mga larawan ang isang reporter. He underestimated this country’s reporters. Nakita niya ang pagkaalarma sa organizer ng presscon, maging ang staff ng show na mas dapat tumatak sa isip ng reporters at ng mga tao kaysa sa personal niyang buhay. Pero higit doon ay ayaw niyang itanggi si Almira. Kaya humarap siya sa lente ng camera na nakatutok sa kaniya at sumagot. “Yes. I got married.” Nagkaingay sa loob ng venue. Sa tabi niya ay naramdaman niya ang pagkagulat ni Art. “So who is the woman you married?” tanong ng isang reporter. “She’s a private person,” tanging sagot ni Brad. Pagkatapos niyon ay hindi na niya sinagot ang tanong ng mga ito p

