DISASTER. Iyon ang nangyari pagkatapos maipalabas sa telebisyon ang larawan nila ni Brad habang kinakasal. Nagwala ang tatay niya. Sabay-sabay nagtanong ang nanay at mga kapatid niya na halos makulta na ang utak ni Almira dahil hindi niya alam kung sino ang uunahing sagutin at kung paano sasagot. Pagkatapos ay biglang nagkatukan ang ilan sa mga kapitbahay nila dahil nakita daw siya sa tv at gusto maki-tsismis! Sa ingay ay nagising ang mga bata na natutulog pa at kinailangan naman asikasuhin ng mga hipag niya. Sinamantala ni Almira ang kaguluhan para magkulong sa kanyang silid para makapag-isip ng maayos kung paano lulusutan ang problemang iyon. Mukhang nahirapan ang pamilya niyang paalisin ang maiingay na kapitbahay dahil halos tatlumpung minuto yata ang lumipas bago natahimik sa labas n

