CHAPTER 9

2071 Words
“Salamat para sa ngayong araw, Neil,” sabi ko pagkasakay namin sa sasakyan. Kumain din kami sa tapsilogan kanina for the lunch dahil mas masarap pa ito kaysa sa mamahaling restaurant. Sabi niya rin ay mas nag-enjoy daw siya. Kumain din kami ng tusok-tusok na nakita namin sa gilid-gilid. Naikwento niya na ayaw daw siyang pakainin ng ganun ng mom kasi raw marumi. Arte ng mama niya—joke! Baka malaman ni Neil nagbabadmouth ako sa mama niya. “No problem,” sagot niya na hindi mawala-wala ‘yung pagngiti. Ipinahinga ko ang sarili ko sa upuan ng kotse. Nakakapagod pero masaya. Sobrang sayang kasama ni Neil. Hindi ka niya hahayaang maboring. Ang dami niyang kinukwento then questions tapos palagi pa siyang nagjojoke. Hindi man lang ako nakaramdam ng inip sa kanya. Tapos sinusubuan pa niya ako. Nagsalo pa nga kami sa isang straw. Tinulungan ko si Neil pagkauwi namin na mag-ayos ng mga gamit niya sa cabinet niya. Inilagay ko rin ang mga gamit ko sa tabi ng mga gamit niya dahil wala ng ibang espasyo. Okay lang daw sa kanya kahit na itabi ko ang mga gamit ko. Bait niya, ‘no? Ala pang arte. Kung asawahin ko na lang kaya ‘to? “Neil, may naging girlfriend ka na, ‘di ba?” tanong ko. Nakakabingi kasi ang katahimikan at saka gusto ko ring malaman ang tungkol kay Neil para naman kapag nag-act na ako as fake girlfriend niya ay alam kong isasagot ko kapag nagtanong sila about sa kanya. Baka itatanong nila kung may ex na siya tapos wala akong masagot edi nganga. “Yeah?” Curious ako. Paano kaya siya maghandle ng relationship? At paano kaya sila naghiwalay? Kung ako siguro hindi ko na hihiwalayan si Neil. “Nakamove on ka na sa kanya?” Hindi siya kaagad nakasagot sa tanong ko. Nagpatuloy siya sa pag-aayos ng mga damit niya. Mukhang wrong yata ‘yung natanong ko. Madaldal ka, Sab! “We were together for five years. It will take me a long time to move on within six months. I still love her.” Naging malungkot ang boses niya. Napatango ako ng ilang beses. Kaya naman pala ayaw niya akong ma-fall kasi mahal niya pa rin ‘yung ex niya. Kawawa naman si Neil. So, hindi pa talaga siya ready mag-jowa ng iba. I understand him naman. Paano ko kaya siya i-chi-cheer up? Pinagpe-pray ko rin na sana ay hindi ako mafall sa kanya kasi nakikita ko na masasaktan lang ako. Love niya pa kasi ‘yung ex niya. Ayokong maiwan sa huli. Mukhang masakit eh. “Why kayo nag-break?” Umaandar na naman ang pagkachismosa ko. “If okay lang na magtanong pero kung hindi oks lang din. Curious lang kasi ako. You know me naman wala pa akong alam sa ganyan so…you know…getting to know about love kahit little lang.” “She replaced me with my cousin,” sagot niya na mukhang pinagsisihan niyang sabihin. “Hala?! Seryoso? Ang bait-bait mo tapos iniwan ka niya? I mean pinagpalit? Alam mo hindi lang talaga nakuntento ‘yun,” komento ko at itinigil ko ang pag-aayos ko ng gamit. “Jeez…” natatawa niya akong hinarap “...medyo OA.” Bigla akong nainis, hindi dahil sa sinabiyan akong OA ni Neil, kundi doon sa ex niya. Parang hindi kasi deserve na iwan si Neil. One day pa lang ay alam ko na kaagad ang ugali niya. Alam kong may mas ikakaganda pa ang ugali niya. Naniniwala ako roon. Tingnan mo si Franco, naipakita kaagad ang ugali kakameet ko lang sa kanya. “Sabrina,” hinarap niya ako at hinawakan ang kamay ko. Tiningnan niya ako na puno ng lungkot at parang humihingi ng tulong. Naghintay ako sa kanyang sasabihin habang pinipisil pabalik ang kamay niya. “Will you help me to move on from her?” “H-Huh?” “Help me to move on and move forward. Help me to stand my feet. Help me to be strong. Every time I see Vannezza and my cousin, I feel weak. My spirit weakens. I know you can help me,” hinalikan niya ang kamay ko ng sunod-sunod. “I know you can do that. I really want to move on, ‘yung hindi na ako maaapektuhan sa kanilang dalawa. It bothers me so much that I can't focus on any work.” “Paano naman kita matutulungan?” Ako? Isang hamak na hampas-lupa na matutulungan ang isang mayamang lalaki na katulad ni Neil sa pagmomove-on? Ano naman ang magagawa ko? “Iparamdam mo sa akin na hindi ako mag-isa. Stay by my side,” pakiusap niya. Nagsusumao pati ang kanyang mata at kung makita mo ito ay hindi na mag-aalinlangan na humindi. “Sige, Neil. Gagawin ko ang makakaya ko,” pagpayag ko at dinambahan siya ng yakap. Hindi bagay kay Neil ang nasasaktan ng ganito. Para siyang isang malambot na bagay na hindi pwedeng galawin dahil kaagad itong mababasag. Hindi ko kailanman sinubukan na tumulong ng isang tao katulad kay Neil pero susubukan ko pa rin. Kung siya ay pinaramdam niya na kahit ganito ako, karespe-respeto pa rin ako, ngayon ay ipaparamdam ko na hindi siya mag-isa. Kumuha siya ng hangin bago niya ako hinarap. Napalitan na ang emosyon ng kanyang mata. Iyong usual na tingin niya. Iyong walang problema at hindi nasasaktan. “I will…tell you something. It’s a secret,” puno ng kasiguraduhan niyang sabi. “Ibig mong sabihin nagtitiwala ka sa akin?” Mahihinang hininga ang ibinigay niya at umayos ng kanyang upo. Kumalat ang katahimikan sa buong kwarto habang ako ay hinihintay ang susunod niyang sasabihin. “I found out that I’m not my mother’s biological son,” may lungkot nitong sabi habang nagbuntong-hininga. Napatakip ako ng bibig habang iniaabot ang kamay niya. “It was a long time ago when I found out.” “Ayos ka lang?” Nag-aalalang tanong ko at hinaplos ang balikat niya. Kawawa naman siya. Para sa akin ay masakit iyon kapag nalaman mong hindi mo tunay na nanay ‘yung kasama mo. “My real mother is dead. Someone killed her and I can’t find who was behind it. I was weak. Wala akong magawa at wala akong mapaghingang tulong. I badly know who did that to her.” Tinakpan niya ang mata niya gamit ng dalawang palad niya. “I resent that person.” “Jusko. Kailan pa nawala ang mommy mo?” Napanguso ako habang hinahaplos ang likod niya nang marinig ko ang munting hikbi niya. Mukhang pinipigilan niyang maiyak dahil nandito ako. “It has been a long time. My stepmother is unaware that I am aware of the truth. When my mother gave birth to me, she handed me over to my stepmother and they made it appear as if I was truly the child of my stepmother,” pagkuwento niya. “Paano mo nalaman ang tungkol diyan?” “Bago mawala ang nanay ko ay sinabi niya sa akin ang lahat. I was eight at that time. Siya rin ang nang-utos na itago ko sa kanila na may nalalaman ako. Hindi ko mapagbibigyan kung sino ang gumawa n’on sa kanya. Sana, sana magkaroon ako ng lakas na loob para buksan ang kaso’ng ‘yon para sa nanay ko. K-Kahit ‘yun lang sana ang magiging kabayaran ko sa sakripisyo niya.” Grabe naman. Mukha lang palang walang problema si Neil pero malaki rin pala ang pinagdadaanan niya sa pamilya niya at sa ex-girlfriend niya. “Kung ano ang maitutulong ko sa ‘yo ay gagawin ko,” willing kong sabi at hinila siya para bigyan siya ng yakap. “Thank you, Sab. Maswerte ako na ikaw ang napili ko,” aniya at isiniksik ang mukha niya sa leeg ko. “I can sense that I could trust you.” “Wala ‘yon.” Hinaplos ko ang kanyang likod at inamoy ang kanyang ulo. “Salamat sa pagtitiwala mo. Promise, mananatiling nakatago ‘tong sinabi mo.” Gusto ko rin maramdaman kung gaano kasarap ang tumulong ng mga taong nangangailangan ng tulong. Pinalandas niya ang kanyang kamay sa mukha ko at saka ako hinalikan sa noo. “I promise I won’t forget you. Sana ay hindi ka mawala sa paningin ko araw-araw kahit na makapag-asawa ka na.” “Ako rin, Neil. Pero bakit tayo nag-uusap ng ganito na para bang mawawala na kaagad ako? May 29 days pa ako with you ‘no at hindi lang 29 days, marami pa! ‘Di ba sabi mo ay magiging personal assistant mo ako?” Minsan lang ako makatanggap ng swerte sa buhay ko at ito na ‘yon. Hindi ko na palalagpasin kahit na anong mangyari. “Right! I should talk with my partners, by the way. Kailangan ko munang magkulong sa office. You told me that you can cook, right? How about serving me dinner? And after dinner you will be my dessert,” kagat-labing sambit niya. “Sarap!” Mapang-akit niyang dugtong at kumindat pa. “Baliw!” nahihiyang pagpalo ko sa kanya. “Oo naman, ipagluluto kita.” Umangat ako sa kinauupuan ko. Pareho kaming lumabas sa kwarto at naghiwalay ang landas. Siya ay dumiretso sa kanyang office habang ako naman ay sa kusina. Simple lang ang lulutuin ko para sa kanya. Napapakagat ako ng labi dahil ang daming mamahaling gamit na nakakahiyang gamitin. Sanay naman ako sa kusina, sa kusina ng panghirap. Habang ako ay nagluluto napansin ko na mayroong sasakyan sa tapat ng gate nitong mansyon ni Neil. Glasswall kasi itong bahay at ‘yung alternative side lang ‘yung mga bato. Isang magarbong sasakyan ang nandoon. Nasisilawan kasi ng ilaw sa labas kaya kaagad ko itong nakita. Pumasok siya na walang katok-katok sa gate na ikinakaba ko. Sakto na naluto na ang ulam kaya pinatay ko ang stove at patakbong pumunta sa office ni Neil. “Yes?” bungad niya at tinanggal ang salamin niya. “Mayroong lalaking pumunta rito. Naka-kotse siya. What if makita niya ako?” may pagkatarantang tanong ko. Kumunot bahagya ang noo niya at saka tumayo mula sa kanyang swivel chair. Akmang hahanap na ako ng pagtataguan nang hawakan niya ang kamay ko na ikinagulat ko. “You will come with me. Whoever it is, I don’t care. Start being my fake girlfriend now, Sabrina,” aniya na malakas ang loob. “Ayos lang ba sa ‘yo?” “Yup. Why not?” tinaas niya ang kanyang kilay. “Bakit hindi mo na lang aminin na babae mo lang ako?” “First of all, my mother set me up on a blind date or marriage. Secondly, if I say ‘you’re my woman’ na nakuha ko sa bar or ‘I'm flirting with you’ they will do something bad to you.” Pinisil niya ang kamay ko. “At hindi ko kayang makita ‘yon.” “Huh? Hindi mo naman nabanggit na siniset up ka pala ng nanay mo sa marriage na ‘yan.” Jusko, pati ba naman fixed marriage ay mararanasan ni Neil? Napakahirap naman yata ng buhay ng lalaking ito. Hindi ba siya pwedeng mamili ng taong mahal niya? Eh, ‘yung mahal niya may mahal ng iba eh. “That's why you've got a mission, baby. You gotta help me in convincing them that I've got my girlfriend by my side, and that's you, alright? Come on, Sab, I don't want my mom to domesticate me like a little pup.” Kagat-labing tumango ako. “Thank you,” hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako ng ilang segundo sa labi. “Lambot talaga ng labi mo, nakaka-adik,” bulong niya at bigla na lang akong isinandal sa pader para halikang muli. Passionate kiss… Malaya kong tinugunan ang malalim niyang halik na puno ng pag-iingat. He smiled after he kissed me. Tunog lang ng aming mga tsinelas ang umalingawngaw sa buong sala habang patuloy na hila-hila pa rin ang kamay ko pababa ng hagdan. “Ang bango naman ng niluto mo. Excited akong tikman ka.” “Ako? Nagkakamali ka yata ng sinabi,” natatawang sagot ko. “I mean ‘yung niluto mo pala,” bawi niya at tuluyan niyang binuksan ang main door. Dinapuan kaagad ako ng pagnginig nang makita ko ang isang lalaki na nakabihis na pormal. Ang gwapo at medyo kahawig ni Neil. Mas pogi si Neil, siyempre. Papatalo ko ba ‘yung pambato ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD