CHAPTER 10

1926 Words
“Hey, you’re here. Why are you here at this hour? Bumiyahe ka pa talaga rito?” pormal na tanong ni Neil at hinapit ako sa baywang. Sinasadya niya talagang ipinapakita ako sa lalaking kaharap niya. Hindi sumagot ang lalaki imbis ay ibinaba niya ang tingin niya sa may kamay ni Neil na nasa baywang ko at sa akin. Tumaas ang kilay niya. Kulang na lang maging scanner na ‘yung mga mata niya sa paraang pagtingin niya sa akin mula pababa at pataas. “Girlfriend? O pampalipas init?” nakangising tanong niya habang sa akin nakabaling. Napapalunok ako ng sunod-sunod. Gusto ko sanang magsalita at sabihin kay Neil na papasok muna ako sa kwarto pero parang naputulan naman ako ng dila. “O ginagamit mo lang para maiwasan ‘yung arranged marriage? Seriously?” natatawang sambit niya habang pinandidirian ako ng tingin. Napanguso ako at napayakap sa katawan ni Neil dahil sa takot ko na makareceive ng foul words. Ganyan ba talaga ang mga tao pagdating sa akin? Bakit kay Neil pinaparamdam niya na malinis at maganda ako? “Girlfriend,” simpleng sagot ni Neil at mas niluwagan ang bukas na pinto. “Pumasok ka na. Malamig sa labas.” “Namiss kong pumunta rito,” bigkas nung lalaki habang inililibot ang paningin niya sa buong sala. “Sana pala isinama ko siya,” nang bumaling siya kay Neil ay matamis siyang ngumiti na para bang inaasar siya sa tingin nito. Nararamdaman ko ang paghigpit ng kapit ni Neil sa baywang ko. Mukha siyang nagpipigil, pero napili niya pa ring maging mahinahon maging ang kanyang mga mata. “Just tell me why you’re here. You’re supposed to be busy with the company. Alam nina Daddy na nandito ka?” Inaya ni Neil ‘yung lalaki sa may kusina. “Will you prepare for our dinner? Thank you,” malambing niyang sabi sa akin at binitawan ako. Hinayaan ko muna sila sa dining table at kumuha na ng mga plato para ihanda ito. ‘Yung tono ni Neil pagdating sa lalaki ay napaka-kalmado. Nakakakilig. Ang husky pa ng voice. “Yes, they knew. Siinabi ni Tita Carol na kailangan kitang tulungan habang wala sila. Don’t worry, I’ll just stay here for two days. Alam ko naman na kaya mong gampanan ang task mo ng mag-isa eh. May nagbibigay lakas-loob naman yata sa ‘yo,” hinarap niya ako at ngumiti. Ako ang napipikon sa kanya. Sana ay hindi na lang siya pumunta rito kung aasarin niya lang si Neil. Mas naaasar ako sa pagngiti niya. Baliw! “Ganun ba? So is it fine with you to help me?” “Yep! Haist, made-depress na naman si Vanne dahil wala ako sa tabi niya. Magdi-date na lang kami pag-uwi ko at ipaghahanda ko siya ng magarbong dinner. Pwede ka bang mag-suggest kung paano paamuin ang isang babae? I bet you know it well.” Argh! Anong pinapalabas niya? Pwede shut up na lang siya? Ooh, so siya pala ‘yung pinsan niyang pinili n’ong ex-girlfriend niya? Grabe naman siya kung makapang-asar kay Neil. Ni hindi man nga niya alam ang pinagdaanan nung tao. Nakikita ko rin ang pagpipigil ni Neil na suntukin ang pinsan niya. Suntukin mo na, Neil! Cheer up kita! Para maalis ang tensyon ay inihapag ko na lang ang pagkain sa harap nila maging ang mga plato. “K-Kumain na tayo,” aya ko. Gumawa na rin ako ng juice para sa aming lahat. “Did you cook this?” turo nung lalaki sa ulam habang ngumunguya. Kung pwede lang na ‘wag siyang pakainin eh. Para kay Neil lang dapat ang luto ko, hmp! “O-Oo.” Nakakailang siya kung kasama. Unlike kay Neil, hindi ako komportable doon sa kasama niya. Kay Neil isang oras lang ay comfortable ako kaagad. May demon soul yata ‘tong pinsan niya. “Wow. Delicious, huh? Maswerte si Zach sa ‘yo,” pagtango niya at sumandok pa ng ulam. Tahimik lang si Neil sa tabi ko na kumakain. Siguro ay pinipigilan niya ang sarili niyang sagutin ‘yung pinsan niya dahil ayaw niya ng away. “Pwede ka nang maging asawa niya.” Inabutan ako ng tubig ni Neil nang maubo ako sa sinabi niya. “Shut up,” sabi ni Neil sa kanya at umiling bago sumubo ulit ng pagkain. Sa palagay ko ay hindi sila magkasundo dahil nagagawa niyang asarin si Neil gamit n’ong ex niya. Ganito ba talaga kapag mayayaman? Wala silang pinagkakasunduan minsan or madalas? Pagkatapos kong kumain ay tumayo kaagad ako. Mukhang mabilis ako dahil nakakalahati pa lang nila ang pagkain nila. “M-Mauna muna ako dahil ipag-aayos kita ng k-kwarto,” sambit ko sa bisita ni Neil. “Ako na ang maghuhugas ng mga plato mamaya ha. Saglit lang ako. Excuse me.” Hinaplos ko pa ang balikat ni Neil. “Okay,” malapad na ngumiti ‘yung lalaki at ipinagpatuloy niya ang kanyang pagkain. Dali-dali akong namili ng magiging kwarto niya at sinimulang walisin ito. Sana hindi sila mag-away roon. [ZACHNE ARNEIL GOMEZ] “What is your real purpose?” I asked Denzel as Sabrina left the table. I kept my gaze on my food. I still wanted to finish what Sabrina cooked for me even though I was losing my appetite because of my cousin. “Hindi ikaw ‘yung taong willing na tumulong sa karibal. So, tell me, what is the reason?” “Nasabi kasi sa akin ni Chelle na mayroon ka ngang kasama na babae na mukhang napulot mo lang sa tabi-tabi.” I closed my fist when he nods his head. “Gusto ko lang siyang makita kung maiinlove ka na ba roon at para tantanan mo na ang nararamdaman mo sa girlfriend ko,” sagot niya na may pagkaseryoso. He clasped his fingers together to glare at me. I let out a heavy sigh and released the spoon and fork I was holding. “What do I care about you?” I asked sternly, giving him a horrible look. “Stop saying ‘tantanan’ ‘cause I’ll never show my desperate side. Ikaw ang umagaw, in fact.” “Talaga?” He laughed. I want to break his bones! “Kaya pala nagpapapansin ka minsan sa kanya,” mapang-asar niyang sagot. Ang sarap lamukutin ang mukha niya. Ngayon lang ako nagkaroon ng pinakaayaw kong tao sa buong mundo sa buong buhay ko. “Hindi mo pa rin matanggap na ako ang gusto niya? Paano ba naman kasi, ang boring mo. Ewan ko lang kung magtatagal ‘yang babae mo sa ‘yo.” He sighed after saying that. “Paano ko nasabing boring ka?” tumayo siya ng bahagya para ilapit niya ang mukha niya. “Dahil pambata lang ang mga banat mo at ang galaw mo. Ngayong wala na kayo ni Vanne, anong ginagawa mo? Nagpapakasawa ka sa mga babae sa club para magsayang ng pera. Makeout dito, makeout doon. Turn off na turn off na sa ‘yo ‘yung ex mo. So, bakit ka pa niya babalikan?” “Anong gusto mong palabasin?” I could stand it no more, I clenched my fists and punched the table, angry at what he was saying. I let him say whatever he wants to me because I don't like conflict, but now that I'm getting annoyed with him, I'm so angry that I want to smash his face. “What I want is for you to stop bothering Vanne. Moreover, did you really have to get a girlfriend just to avoid an arranged marriage? You really didn't sacrifice anything for your family, right? That's why you're not the CEO of SHC. Even your own father doesn't trust you. I may just be a nephew, but the company ended up in my hands,” pagmamalaki niya. He got back to his seat and smiled at me as if he didn’t say anything that made me annoyed. “Ako ang heir ng pamilyang Gomez. How embarrassing for you is that, my dear cousin. Imbis na ikaw ang successor ng dad mo ay ako pa ang ginawa.” At kailangan niya pang ipagmalaki na mas pinagkakatiwalaan siya ng Dad ko? “You are better because you were chosen by the family? Admit that you ruined my reputation with my dad, that's why he no longer trusts me. To be honest, I don't really care about the position in the company. It's all yours. Devour it. Itabi mo pa sa pagtulog mo, if you want, I don't fvcking care.” At hindi kumpanya ang habol ko. I can find a job, a decent job, because I completed my education. Ayaw lang akong pagtrabauhin ng stepmother ko. “Sabi mo ‘yan ah? Alam mo mas mabuti na ikaw na lang ang magpatakbo sa SHC II dahil mas bagay mong maging sub-CEO dito at para na rin malayo ka na kay Vanne. Well, maliit lang ang SHC II compare sa main building, but at least kumikita pa rin ‘yung hinahandle mo. ‘Yun nga lang sa akin pa rin napupunta ang profit.” Wala na talaga siyang bukambibig kundi ang ex ko. Nabaliw na rin ang loko. Tingnan ko lang kung magtatagal sila, huh? I know to myself that I’m better. “Yes. That's right. I should stay here so that I won't be forced into the wedding of the business partners. After all, you are the CEO, right? You should be the one to get married. That is, if Vannezza allows you,” natatawa kong kinuha ang baso at uminom ng bahagya. “Bakit? Kailan ka pa hindi natiklop sa mga magulang mo? At itong bahay na ito ay may karapatan ako. Mas malaki ang karapatan ko. Kung palalayasin ko ang babaeng kasama mo ay pwedeng-pwede pero huwag na, kawawa naman kasi, mukha namang mabait at nagpauto sa ‘yo. You know that my name on the papers of this property is there. Mas mataas sa pangalan mo.” Tangina. Ang lakas talaga kung mang-asar ang taong ito. Hindi ko akalain na siya lang ang magpapatiklop ng yabang ko. I hate his words. Hindi ako makapaniwala na nagbago siya dahil sa pagiging matakaw niya sa posisyon sa kumpanya. Nagawa niya ring mang-agaw ng hindi sa kanya. “You’re unbelievable, Denzel.” Parang hindi ko siya naging matalik na kaibigan n’ong bata pa kami. Nasira lang lalo ang pagiging magpinsan at magkaibigan namin nang maging sila n’ong ex ko. Mas naging mahalaga si Vannezza sa kanya kumpara sa akin na nakasama niya simula sanggol pa lang. “Alam mo naman ang naging dahilan kung bakit tayo nagkaganito, Zach.” “Kasalanan ko pa talaga? Inagaw mo si Vannezza sa akin kaya pinagpalit niya ako.” Tanda ko pa kung paano niya ako sirain sa girlfriend ko noon. Si Vannezza kasi ay madaling mapaniwala kahit na hindi niya alam na peke ang impormasyong nalalaman niya. “You know that it’s not about Vannezza, Zachne.” Padabog siyang tumayo at nilisan ang plato niya kahit puno pa ito ng pagkain. Nawalan na rin ako ng gana kaya inayos ko na lang ang pinagkainan namin. Dahil sa sobrang puno ng isip ko tungkol sa nakaraan namin ni Vannezza, hindi ko namalayan na tinutulungan na pala ako ni Sabrina pero nanatili siyang tahimik. Tama ba na ipasok ko sa buhay ko si Sabrina? Paano pa kaya kapag nakilala siya ng parents ko? “Sab,” hinawakan ko ang kamay niya. Kita ko ang gulat niyang reaksyon pero nanatili pa rin siyang tahimik. “Poprotektahan kita kahit na anong mangyari.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD