[SABRINA LEGASPI]
“K-Kung may gusto kang may ipagawa sabihan mo lang ako,” sambit ko sa pinsan ni Neil habang pinapanood siyang nag-aayos ng tutulugan niya. Mula kanina ay napapansin kong nakangiti siya. ‘Yong ngiti pa naman niya ay medyo nakakapikon.
Dumating lang yata siya rito para pikunin niya si Neil. Sayad yata utak niya.
“You’re not a maid, Sab. Hayaan mo siyang gumalaw sa sarili niyang mga paa at kamay,” sabat ni Neil at hinila ako palayo sa kanyang pinsan. “Matanda na ‘yan.”
Napansin ko ang tono ng pananalita ni Neil. Para siyang galit sa pinsan niya at kulang na lang ay suntukan niya ito.
“Ayos ka lang?” tanong ko nang makapasok kami sa kwarto niya. Nanggagalaiti ang mga kamay niya habang nakatingin siya sa sahig. Umupo ako sa tabi niya at idinikit ang pisngi ko sa balikat niya. “Mayroon bang nangyari sa pagitan ninyong dalawa?” Dahil hindi naman siya ganito kanina.
Dumako ang tingin ni Neil sa buhok ko at nilugay ito. Hinawi niya ito na parang isang kurtina bago niya hinalikan ang po pisngi ko at ang leeg ko.
“I’m so stressed. I hate having a family problem, Sab,” nanghihinang sabi niya at hinila ako para yakapin ng mahigpit. “Do you still want to stay by my side?”
“Huh? Wala namang problema, ah? Nag-away kayo?” tanong ko at itinulak siya ng mahina para tingnan ang hitsura niya.
“Some of the details of our story is none of your business, Sabrina, hindi mo na kailangang malaman kasi ayaw kong ma-involve ka pa.” Hinawakan niya ang pisngi ko.
“Pero sinabihan mo na ako ng problema mo,” I pouted. “Saka ‘yung secret mo.”
“Yeah, I know. Let’s just sleep. May meeting pa ako bukas,” aya niya at hinila ako para ipatong ang ulo ko sa braso niya. Wala na akong ibang sinabi kundi niyakap na lang siya ng mahigpit para kahit papaano ay hindi na siya ma-stress o maging malungkot.
Bigla niyang pinatong ang ulo niya sa ibabaw ng dibdib ko at niyakap ang katawan ko. Hinaplos ko ang ulo niya para makatulog siya kaagad at mukhang effective naman.
Kinabukasan, nauna akong nagising kay Neil dahil ipagluluto ko siya ng almusal niya. Iyon na lang ang gulat ko nang pagbaba ko ay pinsan niya ang bumungad sa akin, nagkakape habang naglalaptop. Hindi ko gets ang nasa screen pero about yata sa trade-trade? Medyo hindi ko siya gets.
“Hello, morning. Sabrina, right?” he asked. Tipid na tango ang naisagot ko at kumuha ng frozen goods sa freezer para idefrost ito. “Paano kayo nagkakilala ni Zach?” tanong niya nang hindi ako binabalingan. “Club?” natatawang dugtong niya at hindi pa rin ako sumasagot. Nakakainsulto kasi siya. “Anyway, mukha kang matino. Iba ‘yung presensya mo kaysa sa mga naunang babaeng inuwi niya. And you’re familiar. I think I saw you somewhere. Saan nga ba?”
Parehas silang sinabi ni Neil. Siguro ay nakikita nila ako sa daan kaya ako familiar. Siyempre ‘di ko na binanggit sa kanya ‘yon at baka laitin lang niya ako.
Isinarado niya ang laptop niya at binalingan ako pagkatapos at tumayo para pantayan ako.
“Kapag napaibig mo si Zach magiging proud ako sa ‘yo,” ngumisi siya. “Sa palagay mo ba totoo ka niyang mahal? Ginagamit ka lang ni Zach para makamove on sa ex niya na girlfriend ko ngayon. Palagay ko nga inutusan ka niyang mag-act as his girlfriend. Hindi naman talaga marunong magmahal ng ibang babae ‘yon. Tatlo na ang mga babaeng dumaan sa kanya pero lahat sila sumusuko sa ugali niyan. Kinilala mo ba ‘yan ng mabuti? Alam mo ba ‘yung mga kagaguhan ng pinsan ko?” Sunod-sunod niyang tanong habang magkasalubong ang mga kilay.
“Anong sinasabi mo?” kunot-noong tanong ko. Sarap ibato nitong bacon sa mukha niya habang manigas-nigas pa.
“Well, I’ll let you find out, then. Akala mo ba mabait ‘yan? Paputol ko pa ulo ko damay ko na ‘yung ulo ko sa baba,” natatawa niyang dugtong at kinuha ang kape niya matapos ay dumiretso siya sa kwartong tinulugan niya kagabi.
I was left hanging and confuse. Hindi. Hindi ako maniniwala sa kanya. Ang bait ni Neil at alam ko ‘yon, nakikita ko ‘yon. Pinagsabihan na nga niya ako ng sikreto e, ibig-sabihin ay nagtitiwala siya sa akin.
Sa pagkikita pa lang nila kagabi ay mukhang hindi na sila okay kaya nasa isip ko ngayon na baka siniraan lang niya si Neil sa akin. Ako lang ang makakaalam kung nagsisinungaling siya o hindi. May mga araw pa na lilipas na magkasama kami at dahil doon ay makikilala ko siya ng maayos.
Kikilalanin ko ng maayos si Neil. Kung kinakailangang ‘di ako mawala sa paningin niya ay gagawin ko.
At saka anong napaibig? In the first place sinabihan na ako ni Neil na huwag mafu-fall sa kanya. Kung nafall man ako ay kasalanan ko na ‘yon pero kampante naman ako na hindi ako mahuhulog.
Pagkatapos kong nagluto ay pinuntahan ko si Neil sa kwarto para icheck kung gising na ba siya. Sakto ay kakaupo niya lang sa kama habang nagkakamot ng ulo at nagkukusot ng mata. Hindi maitatanggi na napakaguwapo niya maski sa kanyang paggising. Ang buhok niya ay magulo pero mas naging hot siya roon.
“Good morning. Ready na ‘yung breakfast,” I told him. Umupo ako sa tabi niya para ayusin ang buhok niyang nagusot.
“Hmm, Sab,” malambing niyang reaksyon at ngumuso pagkatapos ay niyakap ako sa katawan. Isiniksik niya ang ulo sa may leeg ko at hinalikan ang balat ko. “Tinatamad ako,” mahinang sambit niya at mas hinigpitan ang pagkayakap niya. “I wanna sleep more…” parang bata niyang sabi na ikinangiti ko. Hinaplos ko ang ulo niya.
Ay palagay ko natulog ‘to ulit! Naririnig ko ang mababaw na paghilik eh.
Napapalunok ako habang pinapakinggan ang pagkarera ng puso ko dahil sa posisyon namin. Hindi naman ako naiilang kahapon ah? Pero bakit naiilang ako ngayon? Mahigit sa yakap pa nga ang ginagawa namin e.
“Woy…bangon na,” hinaplos ko ulit siya sa ulo. He moaned.
Lumunok ako ng madiin nang simulang hawakan ni Neil ang dibdib ko at dahan-dahang hinimas ito. Umangat siya sa pagkakahiga sa dibdib ko. Tumitig siya sa mga mata ko habang ginagawa niya ang bagay na ‘yon. Napakagat ako ng pang-ilalim kong labi at hinawakan ang malikot ang niyang kamay.
“Aga-aga.”
Pinalakad niya ang kamay niya sa mukha ko kasabay ang paghalik niya sa labi ko na kanina pa siya gustong halikan. Kaakit-akit si Neil kahit na wala naman siyang ginagawa.
“Wake me up.”
Parehong mga dila namin ang naglalaban sa loob ng aming mga bibig habang ang kamay ni Neil ay dahan-dahan na ipinapasok sa loob ng t-shirt ko. Napasabunot na lamang ako sa kanyang buhok dahil sa sensasyon na nararamdaman ko. Mas lalo kong idiniin ang labi ko sa kanya para mas lalo siyang ganahan.
Suminghap ako nang pisilin niya ang naninigas kong mga n*****s habang hinahalikan niya ang leeg ko.
Naisip ko lang na umagang-umaga ay may ginagawa kaming kalandian. “H-Hindi ba masyadong maaga para rito?” ilang na tanong ko.
“Mas maganda ngang sa umaga natin gawin ‘to para maging hyper tayo buong maghapon. Exercise kumbaga,” malokong sagot niya habang nakangisi, itinataas-baba ang kanyang mga kilay.
Akmang hahalikan niya muli ako nang may marinig kaming isang busina at tunog ng pagbukas ng gate. Nagkatinginan kami ni Neil at siya naman ay puno nang pagtataka. Inayos niya ang sarili niya bago tumayo mula sa kama. Kumuha siya ng isang t-shirt at isinuot ito.
“Come with me,” aniya at hinawakan ang braso ko para hilain nang may pag-iingat mula sa kama. “Sino naman kaya ‘yon? Gising na ba kanina si Denzel?” tanong niya habang pababa kami ng hagdan. Bukas nga ang main door.
“Yep!” Hindi ko na piniling sinabi sa kanya ang sinabi sa akin nung si Denzel dahil ayokong mag-away pa sila. Kahit na gusto kong magsumbong sa sinabi niya ay hindi ko pa rin kayang sabihin kay Neil.
Kikilalanin ko siya in my own ways. Ako nga pinili niya kahit hindi niya ako kilala. Ang daming sinasabi ng mga tao sa akin ng masasama pero pinanggan ba ‘yun ni Neil?
Hindi pa kami nakakalabas ng main door nang bumungad si Denzel na may kasamang babae. Naka-fitted dress, maputi, ang taas pa ng takong at black na black ang buhok. Ang labi niyang medyo makapal at kulay pula. Masasabi ko na artistahin ang dating niya.
Ang ganda niya mukha lang siyang maarte.
“What the fvck?” mura ni Neil. Bigla siyang nanlambot at parang hindi alam ang gagawin habang tinititigan ang babaeng maganda.
“You didn’t mention that he has a guest,” sambit n’ong babae at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at tumawa ng bahagya. Iniinsulto niya ba ako? “Ahhh…new doll, I guess?”
“Denzel,” may bantang tono ni Neil habang hinihigpitan ang paghawak niya sa braso ko. Medyo nasasaktan ako pero kaya pa naman.
Baka nabubuntong niya sa akin ‘yung inis.
“Sorry, ‘coz. Hindi ko nabanggit na pupunta si Vanne. Sabi kasi ni Tita na kailangan niyang sumama sa akin dahil siya ang nakakakilala sa ka-meeting natin mamaya at pwede siyang makaimpluwensya sa kanila. Ayos lang naman siguro kung nandito ang girlfriend ko, ‘di ba? Nandiyan din naman ang girlfriend mo,” pagdidiin niya sa salitang ‘girlfriend’.
“Nagpapatawa ka ba?” sarkastikong tanong ni Neil.
“Nabobother ka pa rin ba, dear? May girlfriend ka na yata e,” sabat n’ong babae na tinawag na Vanne. So siya pala ‘yung ex ni Neil? Ang layo ko naman sa kanya. Ang ganda niya tapos ako, ano? Galing lang sa club.
Shhhhhh! Shhh, Sab! Tama na kakalait sa sarili, okeh?
“Shut up,” ani Neil, pero nandoon pa rin sa boses niya ang kaba.
“Bakit ka nagagalit, Zach? Don’t tell me mahal mo pa rin si Vanne? What about your girl?” tinuro ako nung si Denzel. “Magiging kawawa ‘yan kapag nagkataon. Sinusuka ka na ni Vanne. Just focus on her, okay? Don't hurt her. She looks so good and pretty. Ano pa bang gusto mo?”
Nakakapikon naman silang dalawa. Bakit nila inaasar si Neil? Akala ba nila ay nakakatawa sila?
“Napaka-insensitive mo, ‘no? And what are you talking about? I love Sabrina,” ipinalupot ni Neil ang braso niya sa baywang ko sabay ang halik niya sa labi ko na ikinatulala ko. “Kaya nga sinama ko siya rito para mabigyan ko siya ng oras kahit busy ako.”
“Whatever. Come, babe. Mag-i-stay tayo rito with him, I mean with them,” hinapit din ni Denzel sa baywang si Vanne at hinalikan din sa harap namin.
Nakikipag-compete ba siya kay Neil? Akala niya ba ay matitinag niya si Neil, huh?
“Akala ko ba dalawang araw lang?” iritableng tanong niya.
“Well, it’s a prank,” pang-aasar pa ni Denzel at inaya na ‘yung girlfriend niya papasok ng bahay. Mabibigat na paghinga ang nailabas ni Neil na para bang gusto na niyang manuntok pero pinipigilan lang niya ang kanyang sarili.
“Neil, kalma ka lang,” bulong ko at hinaplos ang braso niya. “Kalma, okay?”
“How, Sabrina? Pinipikon ako ng pinsan ko,” gigil niyang sagot. “Gusto kong durugin siya gamit nitong nanginginig kong kamao.”
Wala na akong ibang nasabi at napatingin na lang kina Denzel na nasa sala habang naghaharutan. Grabe naman ‘yung taong ‘yon, wala siyang pakiramdam. Gagawin ko na lang ang best ko para maging fake girlfriend ni Neil.
“Anyway, baby, sabay tayong maligo mamaya, huh?” Medyo gulat akong tiningnan ni Neil. Bumaling siya sa likuran ko tapos bigla siyang ngumiti.
“Of course. Palagi naman tayong sabay.” Hinagod niya ang tungki ng ilong niya sa ilong ko. “I love you.”
*Lub dub*
Kakaibang t***k! Kakaibang t***k ‘yung puso ko sa sinabi niya! Bakit parang totoo ‘yung I love you niya?
“P-Pinapakilig mo ako kay aga-aga,” nauutal kong sabi at hinaplos pa ang pisngi.
“Ang cute mo po,” kinurot niya ang pisngi ko.
“Thankssss!” Niyakap ko siya sa katawan niya at isinayaw-sayaw. He smirked.
“You're doing well,” bulong niya at hinalikan ako sa pisngi.