CHAPTER 12

1897 Words
“Uy, landi,” dinig kong boses n’ong babae. Uy, inggit! “Hindi pa tayo kakain?” nakangising tanong ni Denzel habang akbay-akbay ang jowa niya. Ang kapal ng mukha! Nagluto lang ako para kay Neil tapos makikisalo sila? Eh ‘di sana ay utusan niya ‘yung girlfriend niya na ipagluto siya. Tsk! Hindi puro paganda ang alam. Kahit na ilang hours ko lang siyang nakasama ay nakuha niya ang inis ko. “May meeting pa pala. Kailangan ko nang kumilos,” ani Neil at hinatak ako papuntang kusina. “Baby, coffee,” malambing niyang request at naupo sa dulo ng table. “Okay, baby. Wait mo!” Hinaplos ko muna ‘yung ulo niya. Bahala kayo kung baduy ako mag-baby talk! Basta magampanan ko ‘yung pagiging fake girlfriend ko. “Tea please,” sambit nung babae na ikinatigil ko sa pagtitimpla. Excuse me lang, huh? “And coffee for my boyfriend, too. Faster!” demanding niyang dagdag. Natawa ako nang mahina bago ko siya hinarap. “Edi gawa ka ng sa inyo. Hindi ako maid ni Neil, girlfriend niya ako,” maikling ngiting sagot ko at tinalikuran ko siya. Narinig ko pa ang mahinang tawa ni Neil habang ngumunguya ng pagkain. “Inutusan pa, gagi,” mahinang bulong ko. Kafal muks lang?! Tapos kung mag-utos kala mo kung sino? Buhos ko kaya ‘tong tubig na mainit sa kanya? Ay no no, brutal ka na riyan, Sabrina. “Bastos ‘yang girlfriend mo, Zach. Ganyan siya sumagot sa isang bisita? Seriously? Paano mo siya nagustuhan? Nilandi ka lang?” I gritted my teeth. Hinarap ko ulit siya habang nakataas ang kilay. “Hinay-hinay ka sa pagsasalita mo ha baka itapon ko ‘tong kape sa ‘yo.” Mukhang natakot naman siya dahil napaatras pa siya at napahawak sa balikat ni Denzel. “Bisita rin ako ni Neil. Nakakalimutan mo ba na ex ka ng boyfriend ko? Bakit naman kita pagsisilbihan? Nag-iisip ka ba?” hindi mapigilang sagot ko at inilagay ang kape sa ibabaw ng table. “What did you say?!” Hala, nabingi pa si Ate. Ganda pa naman niya bingi nga lang. “Kung ‘yung pinsan niya ay okay pa, pagsisilbihan ko siya, pero ikaw? Ganyan ka, e hindi na.” Hindi kaagad nakasagot si Vanne at kulang na lang ay sugurin niya ako pero pinigilan lang siya ni Denzel. “Mang-uutos ka na nga lang makasigaw ka pa kala mo naman sino ka.” “Huwag mong pagsabihan ng ganyan ang girlfriend ko,” sinamaan niya ako ng tingin. “Baka nakakalimutan mo nakatapak ka sa pag-aari namin,” malamig na sagot ni Denzel at padabog na kinuha ang kutsara’t tinidor. “Baka gusto mong matulog sa labas?” “As if you can do that. So, ano naman? Nagmamay-ari rin ako sa bahay na ‘to,” pangingialam ni Neil. “Baka nakakalimutan mo rin na ikaw ang unang nagpasimuno nito,” dugtong pa ni Neil kay Denzel at pasimpleng ininom ‘yung kape. Napapailing si Denzel habang ‘yung Vanne ay ang sama ng tingin. Nakakapit pa ng mahigpit sa tinidor na para bang gusto na niya akong saksakin. Nawala ang inis ko nang maramdaman ko ang kamay ni Neil sa legs ko. Hinimas-himas niya ito. Napakagat ako ng pang-ibabang labi ko at sinimulang kumain. Hahayaan ko na lang siya tutal sa kanya naman ang katawan ko for 30 days. Kahit na nakikiliti ako sa kamay ni Neil ay mas inilapit ko pa ang hita ko sa kanya. Napatingin kami sa pwesto n’ong Vanne n’ung nahulog niya ang tinidor sa ilalim. Bahagyang nanlaki ang mata ko at lalayo na sana nang hinigpitan ni Neil ang paghawak niya sa hita ko kaya ending hindi na ako nakagalaw nang makayuko si Vanne. For sure ay pinagmasdan niya muna ang nangyayari sa ilalim ng table dahil medyo nagtagal siya sa pagpupulot. Pag-angat niya ay nagliliyab na naman ang mata niyang binalingan ako. “Are you okay, babe?” tanong ni Denzel. Taas na kilay ang ginawa ni Neil habang natatawang nakatitig sa akin, sinisenyasan ako na huwag nang umimik. Nagseselos ba si Vanne? Akala ko ba na hindi na niya love si Neil? Mukhang effective ah. Maglaway ka kay Neil, uy! Ganda pa naman ng katawan niya. “Yup, babe. Nakakairita lang ‘yung mga makakating bagay. Ang kati e,” madidiing sagot niya habang kunwaring kinakalmot ang balat niya, pero masama ang tingin niya sa akin. “Just eat, okay? Hindi ka pa naman kumain bago nagbiyahe rito,” at pinagsandok ni Denzel ang gf niyang maartz. “Maliligo na ako,” ani Neil. “Bilisan na natin, Denzel. Minessage na ako ni Mom.” Tumayo na rin ako para ayusin ang mga pinagkainan namin. Naiwan kaming dalawa ni Vanne sa table. Siya ay nakakrus ang mga braso habang pinapanood akong nag-aayos ng mga plato. Hindi ko na lang siya pinansin at sinimulang maghugas ng plato. Hindi man lang tumulong e, ‘no? Feeling niya ba ay reyna siya? Boss ko siya? Parehas lang kaming bisita dito. Sabagay, gugustuhin niya bang maghugas ng plato eh ang haba-haba ng kuko? Napaawang ang bibig ko nang ipatong niya ang maduduming plato sa nasabunan ko na. “Ano ba?” inis kong tanong at tinabi ang pinagkainan niya. “Nananadya ka ba?” “Wash it,” utos niya at nginisian ako. “Pwede mo naman kasing ilagay dito oh!” pinalo ko ang lababo na walang mga platong nakapatong. “Excuse me? Wala kang karapatang magreklamo. Mukha ka namang maid,” panlalait niya at inirapan ako. Papansin, bwesit. Napailing na lamang ako at tinuloy na ang paghuhugas ko ng plato. Kung papatulan ko pa siya ay baka mag-away pa kami ng malala. Ayoko namang magalit si Neil sa akin. “Zach still loves me,” panimula niyang muli. Nagbuntong hininga lang ako at hindi na siya sinagot. “Hindi ako naniniwalang mahal ka niya. Nakikita ko sa mata niya na gusto niya pa rin ako.” “Ah talaga? Sana pinabillboard mo,” prangkang sagot ko. Naramdaman ko na lang ang kanyang kamay sumabunot sa akin. “Walang hiya ka para sagutin mo ako ng ganyan. Alam kong binayaran ka lang ni Zach para maging girlfriend niya! Ganitong-ganito rin ang ginawa niya last time. Ako lang ang mahal ni Zach at kahit kailan ay hindi siya magkakagusto sa isang tulad mo!” dikdik na boses niyang sagot. Sa sobrang inis ko ay kinuha ko ang bowl na may sabon at isinaboy iyon sa mukha niya. “Oh, my God! What the hell do you think you’re doing?! Argh!” “Bakit ka nananabunot? Inaano kita, huh?” Itinapat ko ang sponge sa mukha niya. “At anong sinasabi mong binabayaran ako ni Zach? He loves me! Feelingera ka naman! Ex ka lang girlfriend na ako! Wala kang laban sa akin!” dagdag ko at ibinato ang sponge sa mukha niya. “Kapal mong sabihin ‘yan eh may boyfriend ka na! Sabihin mo mas gwapo lang si Neil!” “You!” Napadaing ako nang mahuli na naman niya ako ang buhok ko. I just felt her palm bang my face. “Ano bang problema mo?! Bitawan mo nga ako!” hindi ako marunong manabunot pabalik! “How dare you sabihan mo ako ng mga ganung words?! You're nothing!” “Ikaw ang nauna! Ininsulto mo ako!” balik kong sagot. “A-Aray! Bitawan mo akong impakta ka!” “WHO IS IMPAKTA?!” “Ikaw, boba!” Kinurot ko ng madiin ang kamay niya kaya napadaing siya ng malakas. “Sabrina!” boses ni Neil. “Babe!” boses naman ni Denzel. Kamay lang ni Neil ang naramdaman ko kasabay ang pantanggal ng kamay ni Vanne sa buhok ko. “That b*tch! Wala siyang respeto sa akin porket girlfriend siya ni Neil! Kapal ng mukha niya! Mayabang pa, feeling pag-aari ‘tong bahay!” “Huh? Anong sinasabi mo? Ikaw ang nauna! Ikaw ang nanugod ang tahi-tahimik kong naghuhugas ng plato rito!” banat ko pabalik. “Sinungaling! Pa-victim!” Ang kapal niyang magsinungaling? In the first place siya itong dinidisrespect ako. Aminin niya lang na nagseselos siya! “Liar!” “Ikaw ang sinungaling! Pinipilit mo sa akin na hindi ako mahal ni Neil, na ikaw pa rin ang mahal niya! May boyfriend ka tapos sinasabi mo ang bagay na ‘yon? Nag-iisip ka ba? Mahal mo pa siya ‘no?! Edi kawawa pala si Denzel?” Napahalakhak ako na puno ng sarkastiko. “Shut the fvck, woman! I hate you!” Ani Denzel at dinuro ang mukha ko. “Sab, tama na,” pigil ni Neil kaya tumigil na ako. “Pasok muna tayo roon,” aya niya at hinila ako papuntang taas. Hinagod ko ang noo ko nang makarating kami sa kwarto. “I’m sorry, Neil. Sobra na kasi ‘yung ex mo. Siya talaga ‘yung—” “I know. Alam ko ang ugali niya. Ako dapat ang mag-sorry dahil nararanasan mo ‘to,” paghingi niyang tawad at nagulat na lang ako nang yakapin niya ako patalikod. “Hindi kita dapat iniwan sa kanya. Kung hindi lang namin narinig ang sigawan niyo ‘di kami lalabas.” “Neil, grabe ang attitude n’ong ex mo. Parang hindi ko siya kayang makasama ng kaming dalawa lang. Kung titira tayo dito tapos pati rin sila, what if mag-away kami palagi?” ngusong tanong ko at isinandal ang ulo ko sa balikat niya. “Sumama ka palagi sa akin. Magbihis ka na at isasama kita,” aniya at hinarap ako. “Hindi ka niya masasaktan. Ipagtatanggol kita,” ngiting dagdag niya. “Okay! For now hindi ko na lang papansinin ‘yung ex mo at saka siyempre alam kong naaapektuhan ka. Love mo pa rin siya, ‘di ba? Sorry kung ano-ano nasabi ko kanina. Nakakainis kasi siya, napaka-papansin,” ngumuso ako. Umapekto sana. “Hayaan mo na ‘yun. Hihintayin kita. Magbihis ka na.” “Alright!” Excited ako n’ong makapasok ako sa banyo at naghibis ng simple dress at heels. Lumabas ako sa mula sa banyo. Nakabihis na siya ng pormal. “Wow, you look hot,” compliment niya. “I badly want to touch you right now.” “Ikalma ang sarili, pare ko,” biro ko. “Paano ako kakalma if your body seducing me?” Niyakap niya ako sa baywang ko. “Sus! Tabi nga!” Medyo tinulak ko siya pero siya ay mas lalong kumapit sa baywang ko. “One round lang,” pakiusap niya. Umiling ako at pilit siyang tinutulak. “Sabi mo may meeting ka. Pwede naman kasing mamaya na lang!” “Tss, fine!” At sa wakas ay bumitaw din. Inayos ko ang sarili ko. Napansin kong hindi naka-ayos ang necktie ni Neil kaya lumapit ako sa kanya. “Aayusin ko lang,” sambit ko at inayos ang necktie niya. Nararamdaman ko ang titig niya sa akin. Ito na naman ‘yung puso ko na parang nakikipag-karera sa bilis ng t***k. “Wife material, huh?” “Sanay-sanayan lang,” sagot ko at napakamot ng ulo. “Thanks!” Pagtunog ng halik niya ang umalingawngaw sa kwarto. “Magnanakaw ka ng halik,” I pouted. Wrong move yata dahil sa ikalawang pagkakataon ay nagnakaw na naman siya ng halik. “Aba’t!” “Let’s go.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD