“Limang pregnancy test kits na ang ginamit mo at positive lahat. Three weeks ka na ring delayed at lahat ng symptoms ay nasa iyo. I am not a hundred percent sure yet, but I’m positive. Congratulations!” paliwanag niya. Sa ikalawang pagkakataon mula kanina ay muli akong naiyak. Halo-halong emosyon ang mararamdaman ko ngayon. Oo, galit ako kay Sander. Totoong galit na galit ako sa kaniya dahil sa pag-iwan niya sa akin sa ere at ipagpalit ako sa babaeng naging dahilan ng paghihirap at kapighatian ko. Pero ang bagong buhay na nasa sinapupunan ko ngayon ay hindi bunga ng galit o pagkasuklam. Bunga ito ng pagmamahal at pag-ibig na minsan din namang naging akin. At higit sa lahat, walang kasalanan ang batang ito sa ginawa ng tatay niya. Siguro may dahilan ang Diyos kung bakit niya hinayaang mabu

