Nang sumunod na araw ay nagtungo ako sa presinto kasama ang abogado nina Kiara. Kinabahan ako nang sabihin ng officer sa information desk na wala sa temporary cell si Coleen dahil dinala di umano ito sa ibang kulungan. Hindi ko alam kung bakit pero ramdam ko ang matinding kaba. Parang lumalakas ang kutob ko na nasa panganib siya kaya halos mabugbog ko na iyong isang pulis nang magsinungaling siya at sabihing hindi niya alam kung saan inilipat si Coleen. “Sasabihin mo ba o ako mismo ang papatay sa iyo rito?” galit na galit na sigaw ko sa kaniya habang mahigpit na hawak ang kuwelyuhan niya. “Sasabihin ko na po, congressman! Sasabihin ko na!” nahihintakutang sabi nito,” maging ang mga kasama kong guwardiya ay hindi ako nagawang awatin. Halos sumabog na ako sa matinding galit at kaba kaya ta

